UMILING iling ako upang mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Alex kahapon. Itinuon kong muli ang aking isip sa pagrereview. Ngunit wala pang limang minuto ay naiisip ko pa rin ang mga salitang yon.Tuluyan kong iniligpit ang kalat sa aking lamesa. Inayos ko lamang ito sa isang gilid at pinagpatung patong ang mg papel. Pagkatapos ay isa isa ko namang inilagay sa isang baso ang mga ballpen na aking ginamit.
Sandali akong tumigil nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking ulo. Wala pang dalawang oras ay masakit na agad ito. Hinilot ko nang bahagya ang magkabilang gilid ng aking noo.
Isang katok mula sa pintuan ang pumukaw ng aking atensyon. Hinintay ko itong bumukas at pumasok ang taong naroon. Bumungad sa akin si Janna hawak ang isang tray na may laman na cookies at isang baso na juice.
"Special delivery!" Masaya nyang sabi.
Tuloy tuloy syang pumasok. Agad nyang inilagay sa malinis na mesa ang kanyang dala. Kapagkuwan ay sinulyapan nya ako at tinaasan ng kilay.
"Done, reviewing?" Tanong nya. Tumango lamang ako. "You're too fast." Nakangiwi nyang sabi.
"You?"
Nagkibit balikat lamang sya saka ngumiti sa akin. "No need."
Napangisi ako dahil sakanyang sagot. Walang duda na matalino sya, malayo sa mga nakukuha kong grado tuwing matatapos ang kada grading. Palagi rin syang kasama sa top samantalang ako ay malapit nang bumagsak. Mabuti na lamang ay nadadaan ito minsan sa mga special projects.
"Yabang!" Pagpaparinig ko sakanya.
Humagikgik lamang sya at dumiretso nang higa sa aking kama. Pabagsak syang humiga at pinikit ang kanyang mga mata.
"Just saying the truth, Kuya." Bale wala nyang sabi.
Hindi na lamang ako sumagot pa. Inumpisahan ko na lamang kainan ang kanyang dala. Mula sa gilid ng aking mata ay nakikita ko ang kanyang paggalaw. Pabaling baling sya sa kama at binato ang mga unan na naroon. Pagkatapos nyang gawin iyon ay bumangon na sya at bumalik sa aking tabi.
"Wanna bet?" Nakangisi nyang sabi.
Iniangat ko ang aking tingin sakanya at pinagtaasan sya ng kilay. Bumungisngis lamang sya at mas lumapit pa sa aking tabi."What?" Sagot ko na lamang.
She lean forward and then whispered, "Let's make a bet!"
Tiningnan ko lamang sya ng may pagtataka. Humagikgik syang muli saka humakbang ng tatlong beses.
"I bet na you won't passed this grading." Natatawa nyang sabi.
Ngumisi lamang ako. I know that! Hindi na kailangan pang sabihin dahil inaasahan ko na ang pangyayaring iyon. Tumango ako.
"What if, I pass?"
"You won't." Siguradong sabi nya. "Sa tamad mong mag review ay wala ka nang pag-asa, Kuya."
Tumawa ako sakanyang sinabi. Tinaasan lamang nya ko ng kilay. Tumayo ako at lumapit sakanya. Kinurot ko ang kamyang pisngi. Tinapik naman nya ang aking kamay at sinamaan ng tingin.
"I can pass." Ngiti ko sakanya. "Bet? Go! Papasa ako ngayong grading."
"Let's see." Pag angal nya. "If you passed, I'll do everything you want, Kuya."
Ginulo ko ang buhok. "Be ready."
Ngumuso sya sa aking sinabi. Tinapik din nya ang aking balikat ng dalawang beses. Hindi sya nagpatinag at ngumiti kapagkuwan.
Kaya nang sumapit ang sabado at linggo ay inabala ko lamang ang sarili ko sa pagrereview. Nagkalat ang mga notebook, papel at kung ano ano pang nagagamit sa pagrereview.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction