57

129 5 0
                                    


NAKATITIG lamang ako sakanya pagkatapos kong marinig ang kanyang mga salita. How I miss her. Sa sampung buwan na nagdaan, narinig kong muli ang mga salitang hindi ko inaakala.

Is the feelings still mutual? Paano kung may nag iba. Paano kung hindi na pala ako at may iba na.

Hindi ko pa masabing muli ang aking nararamdaman. Nakakatakot. Nakakatakot na baka pagkatapos ng mga nagdaang buwan, hindi na pala kami parehas ng nararamdaman.

Maraming tumatakbo sa aking isip ngayon. Isa na doon ang kanyang nararamdaman. Hindi ko alam kung ganoon pa din iyon o baka naman nagbago na.

Hindi nakakapagtaka kung mangyari man iyon. Mahabang panahon na ang nakalipas na sampung buwan. Maraming maaaring mangyari at marami rin pwedeng magbago. Nakakatakot.

Nakakatakot na baka sa mga nakalipas na sampung buwan, may iba syang nakilala. Alam kong hindi maiiwasan ang ganoong sitwasyon ngunit nakakatakot.

Bumuntong hininga ako at pilit na inaalis sa aking isipan ang hindi magagandang aking naiisip. Kahit na ano pa ang maari nyang maging sagot muli, sana lamang ay parehas pa rin kami.

"Do you still... remember what I told to you?" Tanong ko.

Bahagya syang natahimik kaya naman nag umpisa na akong muling kabahan. Nag uumpisa nang mapuno ng mga negatibong mga salita ang aking utak. Unti unti nang nabubuo ang kung ano anong bagay at mga hindi makabuluhang salita.

Pagkatapos ng ilang sandali, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakangiti nang makita ang kanyang pagtango. Nabawasan ng kaunti ang aking mga iniisip. Nabuhayan muli ang aking damdamin.

Pareho pa rin kaya?

Iniwas ko ng bahagya ang aking mga tingin sakanya. Umihip ang hangin. Kasabay nito ay ang aming katahimikan. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Walang tao. Tanging kami lamang dalawa. Kung sakali mang iba na ang kanyang maging sagot. Walang makakaalam.

"Are your feelings the same?" Mahina ko na lamang tanong. "Do you still like me like before?"

Nanatili syang tahimik. Ilang segundo pa ang aking hinintay bago sya tuluyang gumalaw sakanyang kinatatayuan at humakbang ng isa papunta sa akin. Sunod ko na lamang nakita ang kanyang ngiti. Ngiting alam kong magiging maganda ang kalalabasan nito.

"Yes." Walang pag aalinlangan nyang sagot.

Kinabig ko sya upang mayakap. Mas hinigpitan ko pa ang aking yakap nang maramdaman ko ang mahina nyang pagtawa. Segundo lamang ang nagdaan nang maramdaman ko na ang pagtugon nya sa aking yakap.

Sinuklian nya ito nang patas na higpit. Nakabaon ang kanyang mukha sa aking nalikat habang ang aking kamay ay nasa kanyang ulo at ang isa ay nasa yakap pa rin sakanya.

Kasabay nang mahigpit naming pagyayakap ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Alam kong sa mga oras na ito, masaya kaming pareho.

After those months, after those problems and after those what happens, our feelings was the same.

Hindi mapaliwanag ang aking nararamdaman. This is the feeling that I miss the most. Ang ganitong pakiramdam na sya lang ang nagpaparamdam sa akin.

"You mean...?" I trailed of.

Humiwalay ako sa yakap. Mariin ko syang tiningan at hinantay ang kanyang sagot. Baka nagkamali lang ako ng rinig. Baka iba ang ibig sabihin nya ng mga salitang iyon.

Ang gusto ko lamang marinig ngayon ang sigurado nyang sagot. Sabik akong marinig ang kanyang sagot. Nararamdaman ko ngayon na pareho pa rin kami nang nararamdaman. I can now feel it.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon