ISANG minuto rin ang naging pagtitig ko sa aking cellphone bago pa marealize na sya talaga yun.He's making his move again. At nagpaparamdam na naman sya. I though, wala na sya and then one day susulpot na naman sya.
Kung gaano sya kabilis maglaho, ay ganoon din dya kabilis magpakita.
We're just playing hide and seek. And ofcourse, I'm the seeker.
Ilang buwan na ng huli ko syang makita and now, I know, he's back para mantrip again.
Mabilis kong bilock ang account nya. Sa dami ng alam nyang paraan ay alam kong malalaman nya agad na bilock ko sya. Matalino sya ngunit malakas ang trip sa buhay.
Frank Santiago.
Isang dating kaibigan. Isang dating matalik na kaibigan.
Ano nga ba ang nangyari? Hindi ko din alam. Bigla na lamang nagbago ang lahat hanggang sa tuluyan na itong nawala.
Nawala nalang bigla.
Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyan ng ni log out ang aking account. Nawala na naman ako sa mood.
Nahiga nalang akong muli sa aking kama.
Umuulan pa rin ngunit hindi na katulad kaninang umaga na malakas. Mas banayad na sya ngayon ngunit malamig pa rin ang panahon.
Pinipilit ko ng matulog ngunit makaraan lamang ng ilang segundo ay imumulat ko na muli ang aking mata.
Matapos ang ilang ikot sa akin higaan ay nagpasya na akong magbasa muna para pampaantok.
Gawain ko tuwing hindi ako makatulog. Sinasamahan ko pa ng musika.
Mayroon akong mini shelves dito sa aking kwarto. Naglalaman ito ng aking mga paboritong libro na hango sa iba't ibang author. May ilang libro na paulit ulit ko lamang binabasa at mayroon ding libro na isang beses ko lamang nabasa o hindi pa nababasa. Nakalagay ito sa kaliwang parte ng aking kwarto.
Kinuha ko ang isa sa paborito kong librong She who was inlove in her neighbor at naupo sa mababang mesa na nasa gitnang bahagi ng aking kwarto. Ito ang madalas kong basahin kapag hindi ako makatulog. Light lang kwento nito ngunit nakakatuwa.
Hango ito sa kwento ng isang babae na binasted ng kanyang kapitbahay. Oo. Babae ang nanligaw ngunit nireject.
Makailang ulit ko na itong nabasa ngunit natutuwa pa rin ako sa kwento. Tipikal na kwento pero nandoon pa rin yung sense kapag binasa mo.
Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata. Inayos ko ang pwesto ko para kung sakali mang makatulog ako ay komportable. Ipinatong ko ang aking ulo sa aking braso habang hawak naman ang libro sa kanan kong kamay.
———
W A C K Y
Prente lamang ako naka upo sa sofa habang hinihintay ang kapatid kong bumaba.
Bakit ba ang tagal kung kumilos ang mga babae? Masyado silang maraming oras na nasasayang sa pag aayos lamang. Pag papawisan din naman sila kung sakali dahil sa mga gagawin nila. Hindi ko talaga sila lubos na maintindihan.
Halos limang minuto na akong naghihintay ngunit hanggang ngayon ay wala pa sya.
"Jannaaaa." Sigaw ko. "Kapag hindi ka pa tapos pagkatapos ng limang minuto ay iiwan na kita"
Ni set ko ang phone ko ng limang minuto. Gagawin ko talaga ang sinabi ko pag hindi pa sya bumaba.Alam nya ang ugali ko. Alam nyang gagawin ko ang sinabi ko.
Nakahanda na ang gamit namin at sya nalang ang kulang. Kahit kailan talaga ay ang kupad nya kung kumilos. Sya ang madalas na dahilan kung bakit kami late minsan. Sa kupad ba naman nyang kumilos.
Naririnig ko na ang matining nyang boses habang pababa sya ng hagdan. Umabot sya sa oras. Takot talaga pumasok mag isa. Bulong ko sa aking sarili.
Nakasimangot syang humarap saakin "Tara na" Sabi pa nya.
Napataas naman ang kilay ko sa asta nya. Not in the mood, huh. Nauna na syang lumabas kaya dali dali ko syang namang hinabol.
Naglalakad lang kami tuwing pumasapasok sa academy. Nakagawian na namin ito simula ng tumungtong kami ng highschool. Hindi ko trip ang ihatid pa kami dahil nga nasa masyado na kaming malaki para ihatid sundo pa. Pwera na lamang kung umuulan o kaya tinatamad ang kapatid ko.
Hindi pa gaano kainit ang sikat ng araw kaya masarap rin na maglakad ng ganitong kaaga. Mabuti na lamang ay nahinyo na ang upan ng madali araw kaya nagkaroon na ng pasok ngayon.
Nauuna ng maglakad si Janna habang nakasimangot pa rin. Nasa likod naman nya ako at nakatingin lang sakanya baka kasi mamaya ay madapa pa sya. May pagka clumsy kasi ito kagaya ng kaibigan nya kaya madalas madapa ito o kaya naman ma out of balance.
Totoo pala yung kasabihang 'birds with the same feathers, flock together' . Pinapatunayan nilang magkaibigan yun. I chuckled in that thought.
"Kuya, dalian mo dyan. Ang bagal mo" Sigaw naman ng kapatid ko.
Nakaharap naman sya ngayon sakin at hinihintay akong maglakad papunta sakanya. Pero dahil I'm a good Kuya, mas binagalan ko pa ang lakad ko hanggang sa hindi na sya nakatiis at hinila na ang kamay ko para mabilis na maglakad.
Nakalampas na kami sa mga nadadaang stall, kailangan na lang namin tumawid tapos ay kaunti pang lakad ay academy na.
Marami rin kaming nakakasabay na estudyante din ng pinapsukan namin. Mayroon ding nakakasalubong na mga kakilala.
Makatapos makatawid ay nakita namin si Belle. Ibinaba sya ng kasama ng kanyang kapatid sa may bungad ng academy. Maka ilang tawag na ang ginawa ni Janna ngunit parang hindi nya ito naririnig."I just follow her Kuya." Pagkatapos nyang sabihin yun ay agad syang tumakbo papunta dito kaya nakitakbo na rin ako.
"Belle" Saka lamang sya nito napansin ng bahagya nyang tinapik ang balikat nito.
Mukhang wala rin ito sa mood. Hmm.
"Oh. Good morning" Bati nito at ngumiti ng pilit.
Tinitigan nya lamang ako saka nag umpisa ng maglakad paalis. Nakisabay naman si Janna sakanya at umangkala pa sa braso nito.
Nasa likod nila lamang nila ako habang nagkekwentuhan naman sila sa unahan. Ngunit parang wala sa wisyo si Belle at hindi nakikinig.
Dumiretso kami sa cafeteria. Nakisama na din ako sakanila. Naupo kami sa left side na bahagi malapit sa pintuan.
Maaga pa naman kaya mayroon pang mga tambay na estudyante. Hindi rin naman kami umorder at naupo lamang habang si Belle ay nakaub ob sa lamesa.
Dalawang beses ko itong tinapik ngunit ng sa pangatlo na ay pinitik na ni Janna ang kamay ko. Nakakunoot naman ang noo ko.
"She's sleeping" Sabi nito. "Siguro ay hindi ito nakatulog ng maayos kagabi. Hayaan mo nalang."
Sinunod ko ang sinabi nya. Hinayaan lamang namin syang matulog ng ilang minuto.
Bigla na lang tumayo si Janna kaya napatunghay ang mukha ko sakanya. Sumenyas lang ito na may pupuntahan at nagpaalam. Binilin rin nyang gisingin ko si Belle bago magsimula ang klase.
That girl, gustong gusto nya talagang iwan saakin ang babaeng to. Lagi na lamang nyang iiniwan.
Napatingin naman ako sakanya. Nakaharap sa side ko ang mukha nya kaya kita ko na natutulog nga ito. Bahagya pang tumatakip ang ilang hibla ng buhok nya sa mukha.
Inayos ko nalang upang hindi matakpan ang mukha. Maganda rin pala sya.
Pag tulog nga lang.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction