50

124 6 0
                                    


THE first step on our plan was done. Hinihintay na lamang namin ang magiging resulta nito bago pa kami magtungo sa susunod na hakbang para sa plano.

I hope this will be a good step. Sana ay sa una pa lamang ay maging maayos na upang masiguro ang pangalawa. Katulad lamang ito ng domino, kapag nagkamali ka at bumagsak, tuloy tuloy na ang pagbagsak nito. Tuloy tuloy na ang pagkakatalo mo.

It was a risk. A highly risk for us. Sa una pa lamang nakasalalay ang aming plano hanggang sa huli. Kaya kapag pumalpak na ito ay tapos na agad ang laban. Isang pagkakamali lang ay maaari nang mauwi sa wala ang aming mga susunod na plano.

Pasimpleng kong nilingon ko si Belle. Tahimik lamang syang nakatingin sa tatlo at kagaya ko ay nag aabang din sya ng kanilang sasabihin. Kanina pa silang tahimik.

Sa tingin ko ay inoobserbahan at kinikilatis nila ang aming mga kilos. Duda akong nagsisimula na silang magtaka sa amin. Marahil din ay may pagdududa na sila sa amin. Kailangan naming mag ingat.

Isang pagkakamali at galaw lamang ay malalaman na nila ang lahat. Isang kamalian at agad nang mababaliwala ang lahat ng aming pinag isipan.

Tumikhim ako at nag ayos ng tayo. Bahagya pa akong lumapit ng kaunti kay Belle at pasimpleng hinawakan sya sakanyang braso. Nang maramdaman ang aking hawak ay nilingon nya ako ngunit hindi sya nagsalita.

"Well... That was a good news." Pambabasag ng isa sa katahimikan. "A very good news to hear."

Ngumisi ang dalawa sa sinabi ng isa. Napahigpit ang hawak ko sakanyang braso nang marinig ko ang kanilang sinabi. Mukha namang epektibo.

"For your consequences, hindi naman kami maghihigpit kaya maaari nyo nang ayusin ang inyong papeles upang makaalis na kayo sa aming teritoryo."

"Let's say... 5 days." Aniya pa ng isa at itinaas ang kanyang kanang kamay para ipakita ang lima. "Sapat na siguro iyong palugit."

"Kung hindi naman ay maaari nyo pang pabilisan. Mga tatlong araw kung hindi kayo mabagal." Pagpaparinig pa ng isa.

Narinig ko ang pagsinghap ng aking katabi kaya naman marahan kong diininan ang aking kamay na nakahawak sakanya. Umayos naman ito ng tayo saka tumango sa tatlo.

"We will be work fast. Para hindi na namin kayo makita." Sagot nya naman.

Bahagya namang humagikhik ang tatlo. Natutuwa sa nagiging reaksyon ni Belle sakanila. Sanay silang makatanggap ng ganitong pag uusap. Sanay din sila sa mga away kaya naman isa pa yun sa dapat naming iwasan sakanila. Lalo lamang gugulo ang sitwasyon kung patuloy naming hahayaan ang kanilang pang iinis.

Diininan kong muli ang hawak sakanya. Bumuntong hininga sya saka humarap sakanila nang may pilit na ngiti.

"It's settle then. Three to five days." Sagot ko. "We were leaving after that."
We only have limited time to do the next steps. Pagkatapos ng limang araw ay makikita na ang resulta ng lahat. Kailangan lang namin maisagawa ang plano ng walang mali at pulido.

Tuluyan kaming mapapaalis dito oras na magkamali ang isa o may mapuna lamang sila sa aming kilos. Nakasalalay na nag lahat sa planong ito kaya dapat kaming magdahan dahan. A lot of things may happened.

Mahaba pa ang limang araw upang matapos ang lahat. Makapaghahanda at maaari pa kaming kumilos ng naaayon sa amin sa limang araw na iyon.

Ang kailangan lamang namin ngayon ay maging maingat at mag dahan dahan sa aming mga kilos. Pulido dapat ang bawat galaw at kalmado. Walang lugar ang kamalian sa mga oras na ito.

"Prepare your papers. Ang gusto bamin ay naayos nyo na ito bago ang itinakdang araw." Tumango kami sakanyang sinabi.

Nakakailang naman ang titig ng dalawa pa nyang kasama. Punong puno ang mga ito ng pagdududa at pagtataka. Alam kong maari kaming hindi makalusot kung may mangyari man ngayon na wala sa plano. Ang magagawa lamang namin ngayon ay sundin ang bawat plano at siguraduhin na magtatagumpay ito.

This will be our last weapon. Kung hindi ito magtatagumpay ay magiging totoo ang aming pag alis dito. Maaari ring madamay pa ng tuluyan ang dalawa pa naming kasabwat.

"So... See you on the fifth day." Hagikgik ng isa. "Don't worry, hahatid namin kayo sa gate if the fifth day came. We will have our goodbye gift for the both of you. Ciao!"

Nanatili lamang kaming nakatingin sakanila habang naglalakad na sila papalayo. Alam kong totoohanin nila ang kanilang mga sinabi. Gustong gusto nila kaming mapaalis dito dahil sa pangingialam namin sakanila.

"As if they make it to us." Belle muttered. "We will win this fight. We will make their own defeat."

Natawa na lamang ako sakanyang sinabi. I know she was scared. Kinakabahan na nyan ngayon dahil habang tumatagal ang laban ay lalong nagiging komplikado ang lahat.

Kailangan nang matapos ito sa lalong madaling panahon. Kailangan na namin itong matapos bago pa kami ang matalo.

"On the fifth day, they will be defeated. Iyon ang mangyayari." Dagdag pa nya.

She was scared but still fighting. Yan ang isa sa hinahangaan ko sakanya. Hindi nagiging hadlang sakanya kahit na natatakot at kinakabahan na sya. She was brave enough to this fight.

Lagi man akong nasa kanyang tabi ay alam pa rin nya kung paano lalaban. May sarili pa rin syang paraan upang makatulong o hindi naman kaya ay paraan para sa labang ito.

Sya ang nag umpisa nito kaya alam kong sya rin ang makatatapos dito. A little help from us will make her win this.

"On the fifth day, this will be over." Mariin kong sabi.

Naramdaman ko ang kanyang tingin sa akin. Nanatili lamang ang aking tingin sa harapan kahit na naiilang na ako sakanyang ginagawang pagtitig.

Hindi ko gusto ang klase ng kanyang pagtitig. Lagi ko na lamang nararamdaman ang pagkailang sa tuwing ginagawa nya ito. Ganoon din ang aking nararamdaman sa tuwing nakatingin ako nang diretso sakanyang mata.

Nakakahipnotismo ang mga ito. Nang uudyok na tumingin ka lamang sakanya at huwag alisin ang mga mata mo rito.

"On the fifth day, you still on my side." Aniya at iniwas na ang kanyang tingin.

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong sa harapan na sya nakatingin. Pasimple ko namang inilipat ang aking tingin sakanya peri nilingon nya ako kaya tumama ang aking tingin diretso sakanyang mga mata.

Naroroon na naman ang aking nararamdaman. Kaba at pagkailang. Agad ko ding iniiwas ang aking tingin sakanya dahil natatakot ako na baka kapag patuloy ko syang tinitigan, lalo lamang lumala ang aking nararamdaman. 

It's still not the right time. Hindi pa. Hindi pa hangga't hindi pa rin natatapos ang lahat ng ito. Sa oras na pagbigyan ko ang aking nararamdaman, alam kong hindi ko na sya matitigilan.

"You will be on my side, right?" Bulong nyang muli.

I nodded. Pero hindi na nagsalita pa. Mas gusto ko lamang ngayon ay ang katahimikan. Katahimikan ng aking nararamdaman. Katahimikan ng aking isipan.

On the fifth day, I will still here. On her side. Holding her hands.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon