MATALIM na titig ng kanyang ama ang unang bumungad sa amin pag karating namin sa sala ng kanilang bahay. Katabi nito ang kanyang asawa at lumapit naman si Yna sakanyang mga magulang."What brough you here, Wacky?" Tanong kaagad ni Tito Seb. Nandoon pa rin ang titig nyang matatalim.
"I hit him dad." Nakayukong tugon ni Belle dito.
Saglit na katahimikan ang nagyari, nagulat na lamang ako ng mag umpisa ng tumawa ng malakas ang kanyang ama kasunod nito ang pagtawa rin ng kanyang ina.
Nagtatakang tumingin ako sakanila ngunit hanggang ngayon ay tumatawa pa rin sila.
"What's new? Lagi namang ganun ang ginagawa mo Ate." Ngingiting sabi ni Yna. Tinanguan naman ito ng kanyang magulang kaya napasimangot sya.
She even pout her lips and glare at her sister. Pero gaya kanina ay ningitian lamang sya nito at hindi natinag.
"You are the next to hit"
Lalapit na sana ito papunta sakanyang kapatid pero nagtago si Yna sa likod ni Tita Say. Nakita kong pinanlisikan nya pa ito ng mata pero nang makita ang titig ng kanyang ima ay naging maamo ulit ito.
"Take care of Wacky, Belle. You're the one who did it to him." Sabi muli ni Tito Seb at tinaguan ako.
Tumango tango lamang naman si Belle at niyaya akong umupo sa sala nila.
Saglit syang umakyat para makapagpalit ng pambahay na damit. Maliit ang kanilang bahay kumpara sa amin. Ngunit kahit ganun ay maganda ito at malinis tingnan. Halata na naaalagaan ito at nalilinisan araw araw.
Balita ko ay wala silang katulong. Sila sila lamang ang nag aalaga at nag aayos ng mga gamit dito.
Ilang sandali pa ay naririnig ko na ang yapak ng isang tao. Base sa tunog ay malapit na itong makababa. Hindi pa ko nakakalingon ay nagsalita na sya.
"Just wait there. Kukuha lang ako ng yelo." Sabi nya agad ng makababa sya mula sa hagdan. Pagkatapos nun ay nagtungo agad sya sa kusina upang kumuha nga ng yelo.
Hindi naman ako nag antay ng matagal. Ilang minuto lang ang nakalipas ay hawak na nya ito. Sinenyasan nya ko na umayos ng upo kaya ito ang ginawa ko.
Lumapit naman sya saakin at umupo sa tabi ko. Tumagilid ako at hinarap sya. Dahan dahan naman nyang hinawakan ang baba ko at bahagyang idinampi ang ice pack sa parte ng may pasa.
Bahagya ko rin nararamdaman ang pag ihip nya sa pasa ko. Nagtataka ako sa kanyang ginagawa pero natatawa rin dahil sakanyang ginagawa.
"Why are you laughing?" Tumigil sya saglit at tiningnan ako.
Iniling ko lang ang ulo ko at hindi na sya sinagot. Dahan dahan nya muling idinampi ang ice pack sa pasa at hinihipan ulit habang ginagawa ito.
Pinipilit kong wag tumawa ngunit ang hirap pigilan. Kinagat ko na lamang ang aking pang ibabang labi at iniwas ang tingin sakanyang mukha. Ipinikit ko na lamang ang aking mata para hindi sya makita.
Napadilat ako ng diinan nya ang pagdampi sa pasa ko "Shit!" Agad kong tinabig ang kanyang kamay at tiningnan sya. "Masakit ah!"
"Bakit ka kasi tumatawa?"
Umiling iling ako "Nothing"
Sumimangot sya pero hinawakan nyang muli ang aking baba saka idinampi muli ang ice pack sa aking pisngi. Tinitigan ko lamang sya habang ginagawa nya yun at pinipigilan din ang pagtawa. Patuloy pa rin nyang hinihipan ito habang ginagawa ang pagdampi ng ice pack.
Ilang minuto pa ang lumipas ng tumigil sya sa pagdampi ng ice pack at tinitigan na lamang nya ko. Hindi nya pa rin binibitawan ang aking baba at nakatingin sya ng diretso sa aking mukha. Nakakailang.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction