"HUWAG ka munang lalapit sa akin"I was harsh by saying that to her, I know. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko nang masabi ko iyon sakanya.
Ang gusto ko lamang ng mga oras na iyon ay ang pag iwas at paglayo nya sa akin. Hindi ko man gusto ay ito ang nararamdaman ko.
Kasalukuyang nakatayo ako sa tapat ng kanilang classroom. Hindi ko maintindihan pero dinala ako ng mga paa ko rito. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakatayo at nakatanaw sakanya mula sa salaming bintana.
Mula sa aking kinatatayuan ay kita ang kanyang ginagawa. Masaya syang nakikipagkwentuhan kay Janna kahit na nasa harap ang kanilang instructor at nagtuturo sa unahan.
Dahil nga nsa likurang bahagi ay hindi kita ang kanilang ginagawa. Malaya silang nagagawa ang kanilang gusto doon.
"Umiiwas pero ngayon nandito ka, nakatanaw sakanya." Aniya.
Sa aking likuran ay alam kong nakasunod sa akin si Rex mula pa kanina. Nilingon ko sya at nakita ang naglalarong ngisi sakanyang labi.
Tinapik nya ang aking balikat at humakbang bg isa upang magpantay kaming dalawa. Tumingin din sya sa salamin sa aming harapan.
"Hindi mo rin napigilan no?" Natatawa pa nyang sabi.
Mahina akong natawa sakanyang sinabi. Umiling iling ako kahit na kalahati ng utak ko ang nagsasabing tama ang kanyang sinabi.
"Gusto ko lang makita kung nasangkot na naman sya sa isang gulo. Alam mo naman ang isang yun..."
Mula sa gilid ng aking mata ay kita ko ang pagtango nya. Naroroon pa din ang nakakaloko nyang ngisi.
"Okay." Tanging sagot nya.
Bumuntong hininga ako saka tumalikod na sa gawi nya. Ayos nang nakita ko syang maayos. Alam kong hindi pa naman sya nasasangkot muli sa gulo.
"I'm just want to check on her... yun lang, dude."
Mahina syang natawa. Inihakbang ko ang aking paa palayo sakanya. Hindi na dapat pa ko sumilip.
"Defensive." Aniya nang natatawa.
Umiling ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Alam ko rin naman na susunod sya sa akin. Alam ko rin na kukulitin din nya ko.
Sa tatlong araw na muling lumipas ay alam kong napapansin nya na mayroong iba. Maging si Janna ay alam kong may alam din pero hindi nila ito kinumpirma sa amin.
"Saan ka pupunta?"
Nasabayan na nya ko sa paglalakad. Huling klase na ito para sa araw na ito. Wala ang aming instructor kaya nauna ang pag dismiss sa amin.
Nagkibit balikat lamang ako. Pinagpatuloy ko din ang paglalakad. Nakasunod din naman sya sa akin.
"Hindi mo na sya hihintayin?" Tanong nyang muli.
Huminto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa aking likuran nang marinig ang bell na hudyat ng dismissal. Nag uumpisa nang maglabasan ang iba pang estudyante. Ilang metro lamang ang layo ko sa kanilang classroom.
Ibinalik ko ang aking tingin sakanya. Umiling agad ako at nilampasan sya. Malalaking hakbang na ang aking ginawa ngunit nang marinig ko ang kanyang boses ay napahinto ako.
Hindi ko man linungin ito, ay alam kong sya iyong sumigaw sa amin. Napapikit na lamang ako at hindi makaalis sa aking kinatatayuan.
Tatlong araw.
"Rex!" Sigaw nitong muli.
Hindi na ko makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakalipas ang tatlong araw ay ngayon ko lamang muling narinig ang kanyang boses.
BINABASA MO ANG
Just Say It
Teen Fiction[ COMPLETED ] Ysabelle Sanchez and Joaquin Ortega's story Started: 06 | 11 | 17 Finished: 06 | 11 | 18 Highest Rank Achieved: #456 in Teen Fiction