05

683 39 15
                                    


W A C K Y

NAKAPANGALUMBABA lamang ako habang patuloy pa rin sa pagtitig kay Belle. Mahigit trenta minutos na syang tulog ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

Hinayaan ko lamang sya. Mayroon pa namang kinse minutos bago mag umpisa ang klase. Tama nga siguro si Janna, hindi naging komportable ang pagtulog nya kagabi kaya marahil inaantok sya.

Tiningnan kong muli sya at ng masiguro kong hindi pa sya magigising ay tumayo ako at naglakad sa counter.

Nagutom ako bigla.

Hindi gaano karami ang tao dito sa cafeteria kaya kakaunti lamang din ang nabili. Mayroon ding bumili lang tapos aalis na. May mga tambay din at mga nag uumpisa pang umalis para pumunta na sa klase.

Nang ako na ang susunod ay pinili ko lamang bumili ng sandwich at bottled water. Marami naman akong nakain kanina kaya ayos na muna na ito ang kainin ko.

Pagkatapos bumili ay agad din akong bumalik sa pwesto nya. Tulog pa din ito. Seriously, mag uumpisa na ang klase at tulog pa din ito.

Naupo lang ako ulit ako at tahimik na kinain yung binili ko. She still have ten minutes to wake up or else, mahuhuli ito sa unang klase nya. Ayoko naman itong gisingin dahil baka magalit. Kaya hahayaan ko na lamang sya muna hanggang sa kusa na syang magising.

Bahagya syang gumalaw at parang naalimpungatan. Iniangat nya ang kanyang ulo at kinusot ang kanyang mata. Marahan nya kong tinitigan at pagkatapos ay napatayo ito at mabilis na inayos ang gamit nya.

"Late na ko" Narinig kong bulong nya.

Mabilisan nyang inaayos ang gamit nya at paminsan minsan ay sumusulyap saakin. Gusto kong matawa sa kinikilos nya. Nagmamadali sya kahit na mayroong pang sampung minuto bago mag umpisa ang klase.

Pagkatapos nyang matapos ang pag aayos, bahagya nya kong tinignan at sinenyasan na tumayo. Ginawa ko naman. Hinila nya ang kamay ko at nag umpisa ng maglakad paalis ng cafeteria.

"Bakit hindi mo ko ginising?" She asked. Hawak pa rin ang kamay ko at binibilisan pa ang lakad.

"Wala lang" I shrug.

Inirapan lang nya ko at pinagpatuloy na hinila ang aking kamay. Malapit lang naman ang building namin kaya hindi kami masyadong hihingalin.

"Geez. Geez." Bulong pa rin nya. "Late na ko"

Mas binilisan pa nya ang paghila saakin at paglalakad nya. Marami pang estudyante ang nakakasabay namin. Hindi pa ba sya nakakahalata na hindi pa sya late? Hindi ata sya marunong tumingin ng oras. Sayang lamang ang paglalagay ng relo kung hindi naman pala sya marunong gumamit. 

Mabilis kaming nakarating sa aming building. Nang makita nya na maraming nakatingin saamin ay agad nyang binitawan ang kamay ko. Sumabay na lamamg sya paglalakad saakin.

Pagkarating sa second floor ay napahinto sya ng nasa tapat na kami ng kanilang classroom. Nauuna ang classroom nila kesa saamin. Nasa dulong bahagi ng second floor naman ang saamin.

Humarap sya saakin sabay hampas saaking katawan. Mabigat ang kanyang kamay kaya masakit ang nagiging impact ng hampas nya.

"Bwisit ka. Bakit hindi mo sinabing maaga pa?"

Tumigil sya saglit saka ipinadyak ang paa bago ulit hinampas ang aking braso. Wala naman akong ibang magawa kung hindi salagin lamang ito o hindi kaya ay tanggapin nalang.

"Hindi ka naman nagtan–" Hindi ko pa natatapos ang aking paliwanag ngunit nahampas na naman nya ako sa balikat.

Hindi talaga sya titigil hangga't hindi sya nakakarami ng hampas. Kaya hahayaan ko na lamang sya. Mapapagod din naman siguro sya at titigil din maya maya.

"Kahit na. Sana sinabi mo pa rin. Nagmadali pa man din ako tapos hindi pa pala ko late. Bwisit"

Makailang ulit pang hampas ang ginawa nya saka lang sya tumalikod at nag uumpisa ng maglakad papasok ng kanyang classroom.

Nag umpisa na akong maglakad ng mapansin ko na hawak ko pa rin pala ang binili ko kanina. Humarap ulit ako sakanya.

"Belle." Hindi nya ko pinansin at patuloy lamang sya sa paglalakad.

"Belle" Patuloy pa rin sya sa paglalakad.

Humakbang lamang ako ng lima at agad ko din naman syang naabutan. Hinawakan ko ang braso nya saka sya pinaharap saakin.

Nakakunoot noo nya naman akong tinitigan "Bakit na naman?"

Iniangat ko ang kamay nya at inilagay dito ang pagkain saka tumalikod muli at nag umpisang humakbang papunta sa aking classroom. Hindi ko na sya hinintay mag pasalamat.

Ngunit, hindi pa mandin ako nakakalayo, naramdaman ko na may tumamang bagay sa ulo ko. Base sa naramdaman ko ay medyo malamig ito at malambot.

"Pa thank you ko" Sigaw nya at nagtatakbong pumasok sa classroom nya.

Nakita ko ang bote ng mineral water na nakalagay sa lapag. Bawas na ito pero may kalahati pang laman na tubig. Napahawak tuloy ako sa ulo. Masakit.

Napatigil lang ako doon sa pwesto ko habang hawak ang ulo ko. May pagka sadista talaga ang babaeng yun. Sa tingin ko ay magkakabukol pa ata ang ulo ko dahil dun.

"Anong nangyari sayo Wax?" Bungad kaagad sakin ng katabi kong kaklase.

Naupo muna ako sa aking upuan saka tinuro ang aking ulo. Bahagya naman syang napataas ang kilay at ngumisi.

"Sinadista ka na naman nya?" Sabi pa nya at tinawanan ako.

Hindi ko nalang sya pinansin at umuob saking desk. Alam kong nakatingin pa rin sya saakin at naka ngisi na parang ewan.

"Ikaw kasi eh" He said. Nararamdaman ko na lumalapit sya "Hindi ka pa umamin. Alam mo yun, confess"

Nanatili akong naka uob habang sya naman ay nasa tabi ko at nakamasid saakin.

"Alam naman nating gusto mo sya" Bulong pa nya.

Bakit ba sa tingin nila ay may gusto ako sa babaeng yun? They always tease us. Laging pinagsasama at lagi ring pinagdidikit.

Hindi ko lang alam kung saan nanggagaling yang mga ideya na may gusto ako sakanya. Mas alam ko ang sarili ko, at alam kong wala akong gusto sakanya.

She's just a freaking sadist girl to me. Nothing more, nothing less.

I admit. Para na syang matalik na kaibigan ko. Oo, inaasar ko sya. But, I'm just being comfortable with her. Komportable na ko sakanya. At kaibigan din sya ni Janna kaya palagi ko syang nakakasama. Madalas din kaming na seset up. Just like that.

'There's nothing to confess' Bulong ko.

Just Say ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon