3

17.8K 307 5
                                    

Kabado akong pumasok sa loob ng dorm, pakiramdam ko may malaki akong kasalanan na nagawa sa lahat.

Gaya ng dati naabutan ko ang mga roommates kong busy. Late nadin kasi kaya medyo nagmamadali na ang lahat.

"Puno ba ang lib kagabi?" si Grace.

Napangiti ako bigla sa tanong nya, now I have my reason to excuse myself. "Oo, pasensya hindi na ako nakadaan dito kagabi"

"Naku ate, alam na namin yan. Hindi na bago yan" si Jade.

Nahiga ako sa bed ko at pinagmasdan silang nagpapakabusy. Second period pa ang klase ko kaya hindi pa ako gumagalaw.

"Nakita mo ba si papa Sam ko sa labas?" Dinungaw nya ang bintana at sinubukang silipin ang labas.

Umiling ako. "Hindi ko kasi napansin Niz, alam mo na diba?" Ngumiti ako pero sa likod ng isipan ko kinamumunghian ko ang lalaking yun.

"Yeah I know, hindi ka kasi supportive friend" mataray nyang sabi na kinatawa naming tatlo.

“kinarer mo na talaga ang ilusyon mong yan Niz” napailing si Grace. “imposible na maging kayo kaya dapat ngayon palang tanggapin mo na yan”

“oo nga ate Niz” si Jade.

Sabay silang tatlo na lumabas ng room, naiwan akong nakatunganga sa kisame. Kinakabahan ako na nagagalit at naiinis. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Hinanda ko ang sarili ko, naligo ako at nagsimula nang gawin ang nakasanayan kong routine sa buhay. Maligo, mag-ayos, kumain at pumasok.

Habang nagsusuklay ako at nakaharap sa bintana, tumunog ang phone na binigay nya. Picture namin ang lumitaw na may weirdong pangalan.

TONS Calling~ ~ ~

Pinagmasdan ko lang at hindi pinansin. Nang makadalawang besis na diniretso kong hinila ang bilog sa pula. Anong akala nya sa akin sunod-sunuran nya?

Pagkakataon ko na itong makatakas at makatago kaya igagrab ko na talaga ang chance na ito.

Biglang napatigil ang pagtunog. Buti naman at napagod na sya. Pero nang umilaw ito at lumitaw ang message. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko.

TONS:
Ang cute mo pala sa profile picture mo… would you mind if ill change it?

Ginapangan ako ng kaba, nagtipa ako ng reply sa kanya.

Ako:
Bakit alam mo ba ang password ko? Pwede ba tigilan mo na nga ako. Kunin mo nalang tong phone mong ewan kung magtagpo man tayo.

TONS:
Password: 11131998

Halos maluwa ko ang kinain ko kanina nang mabasa ang huling text nya. Kanino nya kaya nakuha ang password ko?

Hindi ako nagreply, edi palitan nya. Kung may magrereklamo edi sabihin kong nahack ang account ko.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin. Suot ang 3/4 kong damit at skinny jeans. Confident akong lumabas ng dorm. Maraming tao kaya maraming makakakita sa akin kung ano man ang plano nyang gawin.

Paglabas ko naaninag ko na agad ang mga kotse nilang nakapark sa harap ng dorm, kaharap kasi namin ang fraternity house nila, doon natutulog for one sem ang mga applicants nila. Sinuot ko ang cap ko para hindi nya ako mapansin. Nakahinga lang ako ng maayos nang makalayo ng kaunti sa dorm at sa frat house nila.

Kalmado na akong naglakad at inenjoy ang oras habang naglalakad nang biglang may humarorot sa tabi ko na kinagulat ko.
“AHHh!” napasigaw ako medyo natumba sa sobrang gulat. Maraming napatingin sa akin dahil sa lakas ng sigaw ko, nakakuha ako ng atensyon na mas lalo ko lang kinahiya, pero isang mukha lang ang tumatak sa akin, ang galit nyang mukha.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon