Hinayaan ako ng mga roommates ko sa kamay ni Anton. Umikot kami sa buong peryahan.
Pinaramdam ni Anton sa akin na espesyal ako sa mga oras na yun. Marami man ang mga matang nakasunod sa amin, nakamasid, nakatitig hindi nya yun pinapansin. Mas inisip nya ang presensya ko kesa sa mga ito.
Naglaro siya sa gun-shot, pinaghirapan nyang makuha ang premyo para ibigay sa akin. Maliit na stuff toy lang pala. Ginawa ko nalang na pansabit sa sling bag ko yun para hindi mawala.
"Para kalang bumili love, nakatwo hundred ka muna bago ka nanalo" natatawa kong sabi.
"Pinaghirapan ko yan love" matama nya akong tinitigan. Napatango nalang ako at pinigilan ang tawa ko.
Pinagsalikop nya ulit ang mga kamay namin. Pumila kami sa ferris wheel. Nakasabay namin don ang mga roommates ko. Nasa isang box sila, nasa kabila naman kami. Pagkapasok namin, nanginginig ako sa takot. Hawak nya ang magkabilang kamay ko, "relax hindi nakakapatay ang taas nito" sabi nya. Napalo ko talaga sya ng wala sa oras.
Nang magsimula nang umakyat. Humigpit ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko. Pumikit pa ako para hindi makita ang taas nito.
My kung ano syang sinasabi na hindi ko maintindihan at marinig.
Ilang besis nya yong sinabi, natauhan lang ako nang halikan nya ako sa labi, huminto ito nang marating namin ang pinakatuktok.
"Anton ang taas! Ayaw ko pang mamatay!" sigaw ko, napatawa sya at hinagkan ako.
"Relax, I wont let you die here!" sabi nya.
Halos maisuka ko laman loob ko sa kakasigaw ng binilisan nila ang pagpapaikot. Hindi ako sanay sa mga ganito dahil ito rin ang unang beses kong nakasakay sa tulad nito. Bihira ang mga perya sa amin, may kalayuan kasi kami sa poblacion kung saan nandoon lang mga tulad nito.
"Nahihilo na ako Anton" yumuko ako.
"Malapit na, isang ikot nalang" sabi nya. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko para hindi ito tuluyang bumagsak.
Pagkababa namin pinilit kong ibangon ang sarili ko at maglakad ng tuwid, naghanap agad ako ng mauupuan.
Napatawa sya at lumuhod sa harapan ko. "Are you okay?" Minasahe nya ang daliri ko.
Tumango ako kahit nahihilo parin ako. Tumatakbo palapit ang mga kaibigan ko. Nag-aalala din sila sa akin. Siguro ay nakita nila paano ako namutla sa pag-ikot ng ferris wheel na yun.
Nang mahimasmasan ako, tumambay kami don sa bench na yon at kumain ng cotton candy. Panay papicture naming apat at ginawa pa naming maniniyot si Anton. Buti nalang nasa mood at hindi na umangal. Pumasok kami sa karaoke booth, nagpaalam si Anton nang makita ang ilang mga kaibigang lalaki na napadaan.
"Ang swerte mo kay papa Sam" nakangusong bulong ni Niz. Nasasalamin ko parin sa mata nya ang lungkot.
"Sorry talaga Niz" napayuko ako, ultimate crush nya si Anton.
"Masaya ako for you, pero hindi pa talaga siguro nakasink-in yung 'kayo na' reality" napanguso sya. "Nakakainggit talaga yung sweetness nya sayo, parang yung astig na Samuel hindi ko maimagine na ganyan kalambot sayo"
Napailing ako.
"Hindi kayo pipili ng kanta dyan dalawa?" si Grace.
Hinila ko si Niz papunta sa may song album. Pumili kami ng kantang alam namin lahat. Mahilig kaming sumayaw at kumanta sa loob ng dorm. Yan yung mga stress reliever namin lalo na tuwing exam days.
Nilingon ko si Anton at kausap parin ang mga kaibigan nya. May sigarilyo na ito sa bunganga. Sa suot nyang ripped jeans at hoody sweat shirts.
"Wings?" si Niz. Excited itong tumayo at kumuha ng microphone. Dalawa sila ni Jade ang naghati sa hanggang chorus.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...