53

18.1K 313 22
                                    

Umabot ang gabi, hindi ko pinansin si Anton. Gusto kong ipadama sa kanya na kaya kong mabuhay na wala sya sa mundo ko, sa mundo namin ni Toni.

Kahit naaawa ako sa kanya dahil sa pagsisipag nyang mag-aral sa gitna ng sitwasyon namin. Ilang araw nalang aalis na silang tatlo at maiiwan na ulit  kaming dalawa ng anak ko.

Nasa working table ko sya at nag-aaral, habang ako nasa kama na at katext sina Jade at Niz. Kinukwento ko lagi ang nangyayari sa aming dalawa ni Anton.

Nahuhuli ko sya minsan na napapalingon sya sa akin, akala nya siguro lalaki ang katext ko at kinikilig ako.

Tumayo sya at uminat pumasok sa banyo. Umirap ako. Pinagpatuloy ko ang pakikipagtext sa mga kaibigan ko.

Jade:
Deadma kalang teh... deadma lang hanggang maramdaman nya gaano kahirap ang madeadma tulad ng ginawa nya sayo noon!

Niz:
Pansinin mo na, pag yan di pumasa dahil magulo ang utak ewan ko lang kong makakatulog ka pa kaya.

Napangiti ako. Magkaiba sila ng ideya. Pinagmasdan ko ang nakatalikod na si Anton. Nagsusunog sya ng kilay sa kakaaral. Mas pinili nyang huwag nalang magreview para walang mag-expect sa kanya. Gusto nyang sukatin ang lawak ng utak nya at galing nito.

Tumayo ako at lumabas. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng lemon. Pinalambot ko ito tulad ng ginagawa nya at inislice sa maninipis. Pumasok ako at nilagay sa tabi nya.

Nagulat sya sa ginawa ko. Pero mas kinagulat nya ang binulong ko.

"I will quit my job and stay at home if you will pass the bar. Make sure you'll pass. I will wait for it!" Hinalikan ko ang pisngi nya. "Study hard di"

Nanindig ang mga balahibo ko sa ginawa kong yun, pakiramdam ko hawak ko na ang puting bandila at kaunti nalang maitataas ko na ito para sumuko.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam bakit ko nagawa yun. Para bang nakonsensya ako sa tinext ni Niz. Tama sya, galit inis at galit ako dapat maging supportive parin ako dahil mas mahirap ideal kung magsasabay ang depression at disappointment kung babagsak sya. Mas malala pa na walang pwedeng sisishin ang lahat kundi ako kasi sa akin sya nakatira.

Mahimbing akong nakatulog. Kinaumagahan, nasa tabi nya na si Toni. Tulog sya pero si Toni naglalaro sa tabi nya at nakasuot pa ito baby know na nakatali naman sa kamay nya.

Napangiti ako habang tahimik na nanonood ng cartoons si Toni at may mga laruan sa harapan nya habang si Anton tulog sa tabi nya.

Dumapa ako sa kama at pinagmasdan ang anak kong tahimik na nanonood ng cartoons. Inayos ko ang magulo nyang buhok pero bigla akong nagulat nang biglang hinawakan ni Anton ang kamay ko ng mahigpit at napatayo sya.

Nangunot ang noo ko sa ginawa nya.

"sorry!" umiling sya, "akala ko may nakapasok!" sabi nya. Uminat sya at umupo ng maayos. Ngumiti sya nang biglang tumayo si Toni at inabot sa kanya ang hawak nitong laruan.

Nakangiti akong nakatitig sa kanilang dalawa.

Nag-inarte si Toniboy at gustong magpakarge. Antok na tumayo si Anton at binuhat sya. lumabas sila ng kwarto habang ako nagpa-iwan para ayusin ang kama at mga laruan sa sahig.

Paglabas ko naabutan ko silang dalawang na nasa terasa at nagpapaaraw. May

Kung anong tinuturo si Toniboy na sinasagot naman ni Anton.

Simula ng dumating si Anton, naging mas malapit si Toni sa kanya. Spoiled at suplado narin tulad ng pinagmanahan nya.

Ngayon ang alis nina Anton papuntang maynila. Halatang wala syang gana lalo na't tulog si Toni ngayong aalis na sila.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon