"Antonio nandito na sila" isang may edad ngunit mapustura paring babae ang lumabas galing sa isang sulok.
Ngumiti sya sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Dumating na ba si Anton?" Kasunod ang lalaking matanda na may baston.
"Mamita, Papa si Betina po girlfriend ko" pakilala ni Anton sa akin. "Tin, grandparents ko"
Ngumiti ako at napayuko. "Magandang gabi po" magalang akong bumati at lumapit ako para magmano.
Ngumiti sila, "kaawaan ka ng Diyos anak" sabi ng lola nya. "Mabuti naman at bumisita ka dito sa amin, matagal kanang kinukwento ni Anton sa amin ijah, nagkita narin tayo sa personal" napakunot ang noo ko. Napatingin ako kay Anton, tanging pagkindat lang ang sinagot nya sa akin.
"Huwag kana munang makwento dyan Leonora, gutom na ang mga iyan" napangiti ang lolo nya sa akin.
Sa tindig ng lola nya para itong mabait na donya, pero ang lolo nya halatang makulit at masipag. Sa ayos nito napakasimply nya.
Iginaya nila kami papuntang dining area. Nagulat ako sa kagandahan nito, parang nasa palasyo ako. Maraming antique na mga display at halos gawa sa matibay na narra ang malaki at kumikintab nilang dining table. Naisip ko tuloy kung pupunta si Anton sa amin, may lugar pa kaya sya sa maliit naming hapag kainan?
"Huwag kang mahiya anak, ikaw ang kauna-unahang babaeng naipakilala ni Anton sa amin. Espesyal ang turin namin sayo" sabi ng Lolo nya. Ngumiti ako at nagpasalamat.
Pinisil ko ang kamay ni Anton nang makaupo na kami, Sa dami ng nakahandang pagkain marami ba silang nakatira dito.
"Kamusta naman ang byahe mo ijah? Hindi kaba nabagot?" tanong ng lola nya ng makaupo na kaming apat.
"Hindi naman po" sagot ko. "Naenjoy ko po ang tanawin habang bumabyahe" nakangiti kong sagot.
"Mabuti naman, sana dito kana dumiretso kagabi para naman nakapagkwentuhan tayo" sabi nya, "pero naiintindihan ko rin na ang pamilya Tan ang pinunta mo rito" dagdag nya.
"Mamaya kana magkwento, magdasal na tayo nang makakain na sila" malambing na sinabi ng lolo nya na sya namang kinangiti at kinatango ni lola nya.
Pinangunahan ng lolo nya ang pagdarasal, hindi ko akalain na sa ganitong pamilya pala galing si Anton. Ramdam na ramdam mo ang kabutihan ng mga nakatira dito.
Pinagsandok ako ni Anton ng mga pagkaing nakahanda sa hapag nila. Nahihiya pa ako kasi panay ang ngiti ng lola nya sa amin.
"Ang buong akala ko, hindi na makakahanap ng nobya itong apo ko, simula kasi dumating yan galing amerika ay puro na mga kaibigang lalaki ang nababalitaan kong kasama lagi" kwento ng lolo nya.
"Buti naman at napagtiisan mo sya nang isang taon Betina" napakunot ang noo ko.
"Oo naman mamita, mabait kaya ako. Si tin-tin nga itong masungit lagi sa akin" sagot nya na kinagulat ko.
"Hindi ah" mabilis akong umiling. Napatawa lang si Anton.
"Ang sabi nitong si Anton ay nagtatrabaho karaw sa isang restaurant na pagmamay-ari ng tiyo niya" tanong ng lolo niya.
Tumango ako "opo" hindi ako magkukunwari, hinding hindi.
"Mabuti naman at napagkasya mo ang oras mo sa pag-aaral at pagtatrabaho" sabi ng lola nya.
"Oo naman Mamita, pati nga ako nabibigyan nya rin ng oras" si Anton. "Kung hindi po ito inaatake ng pagkabugnutin nya" nahahalata ko na, parang ito atang lalaking to ang sisira sa akin ngayong gabi eh.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...