41

13.6K 263 9
                                    

Gabi na nang matapos ang handaan. Pinagtulungan ng mga kapatid kong ayusin ang mga pagkain, at hugasan ang mga pinaglagyan.

Magkakatabi kaming natulog at napuno ng kwentuhan ang munti naming bahay.

Tulad ng dati si Bino parin ang pinakamaingay at si Linda ang kawawa sa mga pambubully nilang dalawa.

Habang pinagmamasdan ko silang nagkukulitan, nabuhayan ako. Pagsisikapan kong mabigyan sila ng magandang buhay.

Ilang araw akong walang ganang kumain, maputla at laging inaantok. Nasa stage na kasi ako ng paglilihi at naghahanap ako ng lemon pero wala akong mahanap. Umiiyak ako minsan dahil sa sobrang frustration, lemon lang hindi ko pa maibigay sa anak ko, ano nalang ang magandang buhay.

Gabi na at hindi parin ako nakakain, wala talaga akong gana at lemon ang hinahanap ko. Dinadaan ko nalang sa tulog ang lahat ng paglalambing ng anak ko. Namumutla narin ako sa sobrang stress.

Tinawag ako ng mga magulang ko sa kubo, solo nila akong kinausap.

Ginapangan ako ng kaba lalo na't ramdam ko na ang pakay nila. Sa katahimikan naming tatlo mas lalo akong natakot.

"Anak kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon maiintindihan ka namin" napatingin ang nanay ko sa akin na kinabagsak ng panga ko.

Nanginginig ako sa kaba, sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko at ramdam ko ang pag-atras ng dila ko.

"Magulang mo kami, kung may dapat kang kapitan at sandalan kami yun, kami ang unang makakaintindi sayo anak" tumulo ang luha ni nanay, inabot nya ang kamay ko. Pag-angat ko, naaninag ko kaagad ang luhang nakatakas sa mga mata ni tatay sa gitna ng katahimikan nya.

Pinilit kong huwag tuluyang bumigay, nanginginig na ang balikat ko sa takot, kaba at inis. Hindi ito ang pangarap ko para sa kanila.

"Tay, nay so-sor-rry"  tahimik akong napahagulhol. Pinigilan kong huwag makagawa ng ingay. Hinawakan ko ang kamay ng mga magulang ko. "Nagkamali po ako, alam kong nagkamali po ako, sorry tay, nay. Hindi ko sinasadya, hindi ko po sinasadya ito."

Niyakap ako ng nanay ko. "Kahit anong mangyari, iintindihin ka namin" binalot nya ako sa mga yakap nya. "Sino ang ama?"

Napahagulhol ako lalo, kung kanina nahirapan lang ako, ngayon nasasakal na ako. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag ang sitwasyon ko. Hindi ko pwedeng sabihin na disgrasyada ako. Nabuntis at niloko. Hindi ko pwedeng sabihin yun kasi mas lalo ko lang

Sa unang pagkakataon, gusto ko nang madurog.

"Huwag mo nang isipin yun. Duwag sya kasi hindi ka nya kayang panagutan, simula sa araw na ito huwag mo na syang isipin" niyakap ako ni tatay. Napahagulhol ako sa sobrang sakit, tama si Tatay duwag si Anton. Sobrang duwag.

"Pagtutulungan natin yang palakihin, magpakatatag ka anak. Panibagong hamon ito sa buhay mo" niyakap ako ng mga magulang ko.

Dahil siguro sa sitwasyon ko kaya mas pinili nilang tanggapin at patawarin ako kesa mas parusahan.

Ilang araw ang lumipas, kinagulat ko rin ang biglang paglaki ng tiyan ko. Parang kelan lang at ngayon lomobo na sya lalo.

Sinuportahan ako ng mga magulang ko sa pinagdadaanan ko ngayon. Binibilhan ako ni Billy ng lemon sa tuwing uuwi sya mula ng syudad.

Pagkatapos ng isang buwan na pahinga, natanggap ako bilang substitute sa isang bocational school. Dalawang buwan lang ang trabaho at tatanggap ako ng sampung libo kada buwan bilang sweldo. Pinagsasabay ko ang self review at pagtuturo para sa paparating na exam.

"Sigurado kabang kaya mo mag-isa?" Si nanay. Nag-iimpake ako ng mga damit kong dadalhin para sa pagfile ng let sa sentro. Doon lang kasi ang meron kaya kakailanganin ko talagang bumyahe ng apat na oras.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon