18

14.2K 273 0
                                    

Sa dorm ako natulog para makapaghanda. Alas otso ang defense ko. Tutulungan ako ng mga roommates ko maghanda, si Gracia ang mag-aayos sa akin.

Maaga akong naligo para raw maiplantsa nya ang buhok ko, nahihiya pa ako kasi unang besis ito na tutulungan nila ako.

Nilabas ko ang damit sa bag ko na nakabalot sa paper bag. Buti nalang nakunan ko na ng mga tag price ang mga ito.

Napangiti pa ako nang  maalala paano ko kinuha ang mga price kahapon bago ko nilagay sa bag ko.

"Wow ang sosyal!" sigaw ni Jade. Excited syang lumapit at itinaas ang damit sa ere.

"Binili mo?" si Niz.

Umiling ako, "hiniram ko lang yan sa tita ko"

"Ang gara ng tita mo, sosyal naman ng brand." ni Niz.

Sinimulan na nila akong ayusan, light make up at simpleng ayos lang din sa buhok ko. Inayos nila ang buhok ko na syang nagbago  ng mukha ko.

"Ang ganda mo ate Tin" si Jade. "Nakakainggit ang ganda mo, matangkad, sexy, maganda at matalino. Parang nasayo na ang lahat"

"Oa mo bata!" saway ko.

Sinuot ko ang damit, tama lang ang sukat parang ginawa para sa akin. Nadepina ang hugis ng katawan ko, ang tangkad ko narin tingnan lalo dahil sa suot kong heels.

"Halata puro bago ata ang suot mo?" ngumuso si Niz.

"Hiniram ko lang talaga ito, ano ka ba!" Sinuot ko ang pearl white na coat.

"Nakakaluka ang ganda mo ate tin, crush na kita" si Jade.

"Tumigil ka nga dyan!" saway ko. Napanguso ako kasi ang ganda ko.

Unang besis itong ganito ang mukha ko, maganda ang damit ko, sapatos ko at ayos ng buhok ko.

MIKEY:
Tin, ndi maopen ang laptop ko. Huhuhuhu... ngayon pa sya umarte, may mahiraman ka?

Napatingin ako agad sa tatlong roommates ko, si Grace lang ang may laptop sa amin pero ni minsan hindi nya ito pinahawakan sa iba dahil regalo daw yun ng kuya nyang namatay.

Wala na akong ibang choice kundi kay Anton manghiram.

Ako:
Tons pwede hiram ng laptop?
Wala pala kaming magamit mamaya kasi d maopen lp ni miki.

Kung wala, edi maghahanap kami sa iba. Inayos ko ang sarili ko at napangiti. "Thank you ng marami" hinatid ako ng mga roommates ko hanggang salas ng dorm.

Nag-abot kami ni Mikey, "kaya pala" bulong ni Grace.

"Yeah right" si Niz.

Nilingon ko sila at sinaway. Alam ko naman talagang nakabili na si Mikey ng damit nya. Nude color  chiffon maxi dress ang suot nya na may black cardigan type na coat.

"Ang ganda mo naman tin" bati nya sa akin. "Wala tayong laptop"

Napasilip ako sa phone ko kung my text, napangiti ako sa reply nya.

TONS:
okay, ipapahatid ko sa labas ng dorm.

Nagpasalamat ako ulit sa mga roommates ko sa alaga at tulong nila sa akin, paglabas may nakita akong nakaabang na lalaki na may hawak ng maliit na bag. Napangiti ako, he never failed to amazed me.

Habang lumalabas kami, maraming bumabati sa akin first time kasing nagformal ako kaya maraming nanibago.

Inabot ng lalaki ang bag at tsaka umalis. Mula sa bukana ng gate tanaw ko ang nakangiti nyang mukha. Hindi ako ngumiti para walang maghinala, imbes nagtipa nalang ako text sa kanya.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon