ANTON POV
Isang buwan na ang nakalipas mula nang matapos ang Exam. inuubos ko ngayon ang oras ko sa pamilya ko. Gusto kong bumawi sa lahat-lahat sa kanilang dalawa.
Pag-uwi ko ng bahay galing kay ate, naabutan ko ang mag-ina kong naglalaro sa kama. Naglalaro ng temple run si Betina habang si Toni boy naaliw rin sa kakanood. Napasandal ako sa pintuan habang pinagmamasdan silang dalawa. Ni minsan hindi ko inisip na ganito pala ka ganda sa pakiramdam ng maging ama.
"Ilang oras ba ang byahe papunta sa inyo?" Umupo ako sa harapan nilang dalawa. Kinuha ko si Toni mula sa busy nyang nanay sa kakalaro.
"3-4" depende sa takbo.
"Iready mo ang mga gamit ni Toni, uuwi tayo sa inyo" nakangiti kong sabi.
Napatigil sya ng laro at napanguso. "Sure?"
Tumango ako. Napalundag sya sa saya, lumabas sya at rinig ko pa mula sa kinauupuan ko ang boses nya habang sinasabihan si ate Nora na maghanda ng mga damit para makasama.
Nilabas nya ang maliit na maleta at pinili ang mga damit ni Toni. Halos isang maleta, damit at mga gamit lang ni Toni. Isang malaking diaper, isang lata ng gatas, mga gamit panligo, mula baby tub hanggang siben nito inihanda nya.
Isang bag naman ang mga damit nya at ilang damit ko. "Ilang araw tayo don?" Nakangiti nyang tanong.
Napatitig ako sa kanya, napangiti ako habang iniisip kung gaano ka babaw ang kaligayahan nya. "Ilan ba ang gusto mo?" binuhat ko si Toni at pinagmasdan namin syang nag-iimpake.
masaya syang nagkibit balikat sa akin.
Naligo sya, pinaliguan nya si Toni at binihisan ng maayos. Habang nakahiga ako sa kama at pinagmamasdan ang anak kong naglalaro, sa harapn ko sya nagbihis. Nakaramdam ako ang paninigas habang nakatitig sa kanya. Nakatalikod sya at tanging underwear ang suot na kulay puti. Mas naging hurmado ang katawan nya at pumuti. Ang kinis ng katawan nya, parang hindi lang nanganak ang kurba nito.
"Come toni boy, baka madelay ang alis natin kung panonoorin ko si mommy magbihis dito" binuhat ko si baby at lumabas kami. Sa salas nandoon ang mga gamit. Dalawang maliit na maleta isang eco bag na may diaper at gatas. Baby bag na may mga nakahandang dede at sterilizer ng mga dede nya.
Pakiramdam ko maglilipat bahay kami. Sa dami ng dadalhin namin.
Ngumiti ako nag makita si ate Nora na nakaupo at handa narin.
"Ate naoff na po ba lahat?" Tanong ko.
Tumango sya. "Opo sir. Ref nalang po ang wala kasi yun lang po ang may laman. Lahat po naoff ko na po"
"Yung mga gripo?" Umupo kami ni Toni boy sa katabing sofa.
Tumango sya. "Opo sir" isinara ko narin po ang metro ng tubig para walang masayang na tubig"
Tumango ako.
Lumabas si Betina na nakasuot ng printed shorts, maluwag na plain pink polo shirt na may nakabordang tatak.
Ngumiti ako sa ayos nya. Kahit simply, sexy parin talaga lalo na't lumaki ang harapan nya at lumapad ang balakang nya.
"Okay na po ba ate nora?" Tanong nya.
Tumango ang katulong at tumayo.
Lumapit sya sa akin at sinuot nya sa harapan nya ang baby carrier. Bago ko inabot si Toni, ninakawan ko muna sya ng halik sa noo. Nanggigil ako sa bango nya. Nagulat sya pero umaatras na agad ako para hindi nya ako mahampas.
Napatitig lang sya sa akin, tumaas ang isang dulo ng labi nya pero ngumiti ako para di na sya magalit pa.
Nilagay ko si toni sa carrier na suot nya.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...