48

15.8K 254 20
                                    

ANTON POV

Nasa loob ako ng kotse at tinatawagan si ate. Ilang ulit akong nangulit hanggang sa sagutin sya.

"I found them, thank you. I dont know how to say this but I cant thank you enough for taking good care of them. Thank you for giving them your love ate, for providing the needs of my family. Thank you" napahagulhol ako. Hindi ko alam paano lumabas ang lahat ng luha ko.

Matagal syang napatahimik.

"Im sor-"

[Where are you?] Bigla nyang putol sa sinabi ko.

"Im here, nasa labas ng condo mo" pumipiyok-piyok ako sa kakaiyak.

[Nasa condo na ako, I will wait for you here!] Tapos binaba nya ang tawag.

Napahagulhol ako nang biglang mapasok sa isipan ko ang mukha ng anak ko. Kamukha nya si Mommy. Pareho sila ng mata at ilong. I miss her so much.

Nagmaneho ako papunta sa condo nya. Naabutan ko syang nakahiga sa sofa at nakaunan sa kandungan ni Truce. Nagkalat ang mga maleta nila.

Bumangon sya at umupo ng maayos. Siniko nya si Truce at antok itong lumapit sya akin at ngumiti. Pumunta sya ng kwarto at siguro doon matutulog, naiwan kami ni ate at tinaasan nya ako ng kilay tulad ng palagi nyang ginagawa.

Para akong sisiw na hindi alam paano magsimula, saan magsisimula at kelan magsasalita.

Nakipagtitigan sya sa akin, simula nang mamatay si Mom sya na ang tumayong Mom sa buhay ko, lahat ng mali ko sinisita nya, lahat ng disisyon ko sinusuri at pinakikialaman nya. Noong una akala ko takot lang talaga sya maging mahirap kaya akala nya lahat ng lalapit sa akin pera namin ang habol, pero ngayon... ngayon ko lang napagtanto na lahat ng ginagawa nyang pagkontra sa buhay ko noon may kapalit din palang kabitihan para sa akin.

"So ngayong nakita mo na ang mag-ina mo, mananahimik ka na ba? Sana naman maging masaya kana at mapalaya mo na sila" inip nyang sabi.

Nangunot ang noo ko. "At--"

"Okay na sila, later on makakahanap din si Betina ng magmamahal sa kanya. Susuportahan ko ang bata hanggang sa kaya ko pa. Tulad ng pinangako ko kay Mom, I wont abandon your child" ngumiti sya. "So stay away from them. Mas mabuti nang wala ka sa piling nila, okay na si Betina, nakabangon na sya at napalaya kana. One day, someday makakahanap din sya ng para sa kanya, susuportahan ko sya kung mangyayari yon, she deserve to be happy Ton" sinilip nya ang relos nya.

Nangunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ano ang gusto nyang ipunto sa mga pinagsasabi nya.

"At--"

"Hindi sya laruan Anton, tao si Betina. Huwag mo nang sirain yung ginagawa nyang pondasyon para sa kanilang dalawa, set her free! Hindi pwedeng paglaruan ang tao, wala kang alam sa lahat ng hirap ng pinagdaanan nya sa buhay makatapos lang, mas dinagdagan mo lang ang burden nya at ngayon, madadagdagan na naman ba dahil sa presensya mo?." Inunahan nya ako. Umiling sya at inayos ang takas ng buhok nya.

"Pati ba naman ikaw?" bigla kong sabi.

Umiling sya. "Sinasabi ko lang ang dapat para sa inyong dalawa. Bata pa kayo, marami pa kayong makikilala. Do not rush everything ton. Kung pipilitin mo na naman namangyari ang tulad noon, the ending will be the same. Tears and broken hearts" ngumiti sya at niyakap ako.

"Ang tiwala at pagmamahal, pinag-iipunan yan at pinaghihirapan" nakita ko paano tumagos ang tingin nya sa likuran ko.

"Do not awaken love until it so desire" hinalikan nya ang pisngi ko. "Go home and rest, pagod tayo pareho!" Nilagpasan nya ako at pumasok na sya sa kwarto. Naiwan ako nakatayo at napatameme.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon