4

16.6K 296 3
                                    

Dalawang araw akong hindi lumabas nantili ako sa loob ng room at nag-aral nalang. Oo nilagnat ako kaya naging rason ko yun para makaexcuse.

Naisip kong magduty ngayon, nakakahiya kasi dalawang araw akong absent.

“your here!” si ate Shiela.

Kumaway ako sa kanya at dumiretso na sa kitchen. Pagpasok ko medyo busy sila maraming costumersngayon. Sinuot ko ang apron ko at tiningnan kong ano ang pwede kong maitulong.

“okay ka na ba?” si Kuya Noe

“oo naman, nagpahinga lang ako nasobrahan kasi ang overnight ko lately” palusot ko.

Tumango lang sya at inabot sa akin ang tray na may order. Tiningnan ko ang table number at napatirik agad ang mga mata ko. Yeah mesa nila.

Buong tapang kong sinerve ang order nila, natigilan silang anim sa presensya ko nang binaba ko ang order nila.

"Meron pa po ba?” ngumiti ako pero nakayuko.

“hi tin, long time no see ah?” si Ivan.

Ngumiti ako sa kanya, sa kanya lang ang mga mata ko dumapo kahit kanina pa ako tinutunaw ng mga titig ni Alvaro. “nabusy lang ng kaunti”

“tin pala ang name mo?” sabi ng lalaking chinito.

Tipid akong ngumiti at tumango, “sige enjoy your meal” at umalis na ako.

Sa loob ng mga oras na nandito sya sa cafe, ramdam ko ang mga titig nya. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong pagkain na nakakatakam sa mga mata nya. Nakakabastos na nga dahil kahit saan ako mapadpad nadadapuan parin ako ng mga titig nya.

Tumambay ako sa loob ng kitchen at doon nalang tumulong, kumpleto na kami kaya mas naiisin ko nalang maghugas ng plato kesa maramdaman ang presensya ng lalaking yun. Ang gago nya talaga para lang gawin nya akong bed warmer.

“Tin serve mo muna itong beers” tawag ni Ate She.

Mabilis kung binitawan ang hawak kong sponge at naghugas ng kamay. Nang makita ang table number ng nag-order napangiti ako, salamat naman at ibang table ang may ari.

Kalapit lang ng table nila kaya kahit nakatalikod ako ramdam ko ang mga titig nya sa akin.

Dahan-dahan kong sinerve ang beers sa apat na lalaki. Medyo lasing na ang isa dahil namumula na ang mga mukha nya.

“meron pa po ba kayong order mga sir?” nakangiti kong tanong.

Umiling ang isa pero yung isa matama akong tinitigan. Mabilis akong umalis dahil sa nakakatakot nyang mga titig. Baka mapano pa ako.

After nine na ako umalis sa cafe, tinapos ko talaga ang oras para makabawi sa dalawang araw kong hindi pagpasok.

Habang naglalakad ako, alam kong sinusundan nya ako kaya pinabayaan ko nalang para din may ilaw ako at tagabantay. Pero nang umabot na sa madilim na parte, binuksan nya na ang bintana.

“hop in Betina!” utos nya.

Hindi ko parin sya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa hinarangan nya na ang daanan ko. Bumaba sya at tinulak ako papasok ng front seat. Sinuot nya ang seatbelt ko. Hinyaan ko sya sa gusto nyang mangyari sa ngayon pero hinding-hindi ko ibibigay ang sarili ko kahit anong mangyari mamaya.

Tahimik syang nagmaneho, para bang hindi kami magkakilala, hindi kami nag-uusap at hindi kami nagkikibuan.

Pagdating sa apartment nya, kusa narin akong bumaba. Sumunod sa kanya at hindi parin umimik. Nang makapasok na, umupo agad ako sa sofa at hinubad ang sapatos ko. Nilabas ko ang libro ko at nag-aral.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon