1

24.8K 375 5
                                    

Nasa loob ako ng counter bar nakaupo at nagbabasa. Wala si Ate Shiela dahil weekend ngayon. Maliit lang ang costumer kasi malakas ang ulan kaya inuubos ko ang oras ko sa pagbabasa.

“excuse!”

Napatango ako at inasikaso ang bagong dating na grupo.

Kumuha ako ng papel ballpen at menu book. Inabot ko sa kanya at sinundan sya.

Kagrupo pala to ni Alvaro. In the same spot parin sila umupo.

Lumapit ako at hinintay ang order nila.

“coffee lang ako” hindi ko na tiningnan kung sino yun. Naglista nalang ako ng coffee sa papel.

“limang coffee nalang” sabi ng lalaki, “at tatlong ashtray”

Nilista ko nalang at napatango para tingnan kong meron pa silang order.

“wala na” sabi ng lalaki na nakaupo sa tabi ko, binalik nya sa akin ang menu book.

Pag-abot ko hindi ko sinasadyang napatitig kay Alvaro na naabutan ring nakatitig sa akin, madiing nakatitig na para bang may kasalanan ako.

Nangunot ang noo ko at tumalikod na. Hindi ko nalang pinansin. Naglalaro sa isipan ko kung bakit sya hinahabol ng mga babae na hindi naman sya kakisigan? As hindi. Gwapo pero hindi ako attracted sa kanya.
Mabilis kong sinerve ang order nila at bumalik agad sa pagbabasa ko ng libro ko.

Gaya ng dati umaalingawngaw ang mga tawanan nila at ingay pero deadma ako.

Dumating ang tatlong lalaki, napaupo ako ng maayos ng makita na isa don si Calvin. Yung crush namin pareho ni Mikey na taga Bio.

Inayos ko ang sarili ko bago kumuha ng papel, ballpen at menu book. Lumapit ako sa kanila at inabot ko ito sa kanila at sya mismo ang kumuha nito mula sa akin. Ngumiti sya na lalo kinakabog ng puso ko.

Umalis ako at bumalik sa tinambayan ko kanina. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko sa hiya.

“hi Tin” si ate Kres. Pumasok sya sa kitchen matapos ko syang ngitian.

Pumasok ako ng kitchen nang tumayo si Calvin, feeling ko kasi lalapit sya sa akin para ibigay ang order nila. Baka hindi ko kayanin kaya umalis ako.

“ate Kres pwede ikaw muna yung tumanggap ng order, cr muna ako” sabi ko at dumiretso na sa banyo.

Dinig ko ang lagapak ng paa ni ate Kres at bagsak ng pintuan. Nakahinga ako ng maayos at inayos ang sarili para hindi sila makahalata.

Paglabas ko, tapos narin si Calvin makaorder. Bumalik ako sa tinambayan ko kanina at nagpatuloy sa pagbabasa.

PAK!

Halos mapatalon ako sa gulat nang ilapag ni Alvaro ang pera nya.

Ilang besis akong humugot ng malalim na hininga habang kaharap sya.

Ngumiti sya at umiling, “sorry” sabi nya.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti ng maayos sa kanya. “okay lang po sir” sabi ko at tinanggap ang pera nya.     

Pinanch ko sa counter at sinuklian sya. Bumalik agad ako sa pagbabasa kahit nandyan pa sya sa harapan ko. Mabagal nyang kinukuha ang sukli nya habang ako tahimik lang at pilit na dinideadma ang presensya nya.

Nang mapansin kong nandyan parin sya at nakatayo habang hawak ang phone nya, tumayo din ako at hinarap sya. “yes sir?” ngumiti ako.

Napatitig lang sya sa akin at umiling. Tapos dumating ang mga kaibigan nya at sabay-sabay silang lumabas.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon