START

51.9K 515 5
                                    

"hoy Betina aalis kana?" nilingon ko si Ate Grace na kumakain sa mesa namin.

Napahinto ako sa pagmamadali ko at napatingin sa kanya. "oo ate eh, may exam kasi kami, may topic kasi akong hindi pa nabasa at napag-aralan" pinagpatuloy ko ang pagpasok ng mga gamit ko sa loob ng bag ko.

"kain ka muna bata!" si Niz, kakatapos nya lang maligo. Nasa harap ito ng salamin at sinusuri ang mukha nya.

"thank you" ngumiti ako at sinuot na ang bag ko. "alis na ako" paalam ko.

"eto nalang dalhin mo ate" si Jade. Inabot nya sa akin ang biscuit nya.

Tinanggap ko ito at kumaway bago lumabas ng pintuan. Hindi ko maisawang mapangiti habang bumababa ng hagdan. Naging roommates ko sila since dumating ako dito sa University. Ngayong nasa pangatlong taon na ako, pakiramdam ko kilala na namin ang mga takbo ng mga bituka ng isat-isa.

Sina Ate Grace at Niz mga graduating students sila. Parehong nasa business ang kurso. Si Jade naman ang pinakabata sa amin, second year student at Nursing ang kursong kinukuha.

"aga natin ah?" inis akong sinalubong ni Mikey. Halos magkaklase kami sa lahat ng subjects ko at parehong kumukuha ng kursong Secondary Education.

"pasensya na ha?" Sarkastiko akong napangiti sa kanya. Nadamay tuloy sya sa maaga kong pagpunta ng klase. Pero kahit na, advantage din ito sa kanya. Nilahad ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti ako.

Mataray naman nyang kinuha sa bag nya ang libro at inabot sa akin. "don't tell me dalawang oras tayong tatambay sa study area para lang mag-aaral ka?"

"pwede mo naman akong iwan anytime" nahihiya kong sagot.

"kung hindi kalang GI (good influence), hindi kita pagtitiisan" nauna syang naglakad at lumabas sa main door.

Nakasunod ako sa kanya habang nagbabasa.

Napahinto lang kami nang nasa gate na. Hindi kasi madaanan dahil puno ng mga babaeng nanonood sa Fraternity Morning Rituals ng mga neophytes.

"nood muna tayo" excited na sinabi ni  Mikey sa aki na nagpataas ng kilay ko.

Umiling ako at hinila sya, maaga akong naghanda para hindi kami mahuli sa exam at makapag-aral pa kami ng mabuti hindi para magpadisplay dito at makiisa sa malanding pagrarally ng mga co-doormers namin.

"excuse!"

"excuse!"

Kahit halos hindi kami makadaan, pinilit ko parin.

Nang makalabas kami, bumungad sa amin ang mga lalaking nakahelera at may kung anong task na ginagawa. Patuloy parin ako at dinaanan lang sila habang hila-hila parin si Mikey.

"Tin si Sam oh ang gwapo" kinikilig nyang tinuro ang kilalang si Samuel Antonio Alvaro III.

Hindi ko sya pinakinggan, hinila ko sya kahit nakikita kong may ilang mata na ang nakatingin sa amin mula sa grupo ng sinasabi nyang lalaki. Pakiramdam ko narinig nila ang sinabi ni Mikey at nagassume silang kasama ako sa mga fans nyang mga loka-loka.

Nang makalayo na kami. "Mik naman, pwede kung may gusto sa lalaking yun huwag kang masyadong pahalata, tsaka don't mention my name!" inis ko syang sinaway.

Imbes na pumatol at magalit, natawa sya at pumalakpak pa. "as if naman papansinin nya tayo? Lalo kana?" tumawa sya at inakbayan ako.

"kahit na! At least hindi ako mabilang sa grupo nyo!" napangiti ako.

"mga babae ni Papa Sam?" malandi syang napatawa. "hindi ka papasa friend!"

Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon