5

17.2K 315 11
                                    

Limang araw akong umiwas sa kanya. Dumidikit ako kay Mikey para hindi sya makalapit. Kung gabi naman sumasabay ako o di kaya nagpapahatid sa mga kasamahan ko para lang hindi sya makahirit. Kahit natatanaw ko lagi ang kotse nya kapag umuuwi kami.

TONS:
Okay, iwas pa more!

text nya nang dumikit ako kay Mikey habang nag-aantay kami sa pagbukas ng gate. Gaya ng dati may shaming activity na naman ang mga applicants nila.

Pagkatapos kong mabasa ang text nya binalik ko kaagad sa bulsa ko ang phone para hindi mahalata ni Mikey.

“si Sam ko oh” tinuro nya si Alvaro na nakaupo sa likuran ng sasakyan nito kausap parin ang mga kaibigan nya. May hawak itong kape at nakatitig na naman sa direksyon namin.

“ako kaya ang tinititigan nya?” nahihiyang sabi ni Mikey.

Napangiti ako at tumango. “alangan naman ako diba?” at umiling ako.

“malay mo!” ngumuso sya.

“loka-loka, kahit hindi nya na alamin, malalaman nya na agad na hindi nya ako fan friend, hindi!” umiling ako.

Napavibrate ang phone at kinuha ko ito mula sa bulsa ko.

TONS:
My turn tonight? My bed miss u.

Napataas ang isang dako ng labi ko. Kapal naman!

“uy new phone?” si Mikey.

Umiling agad ako, “pinahiram lang to ni ate she sa akin kasi sobrang sira na ang phone ko hindi daw ako makontak” palusot ko.

“ang sosyal naman ng pinahiram nya sayo, bagong-bago!” ngumuso sya.

Napatawa ako. “magaling lang sya mag-alaga kaya siguro mukhang bago pa” tumalikod agad ako at nagtipa ng reply.

Ako:
Really? Rebound pakisabi!

TONS:
Good morning!

Ako:
Anong good sa morning ngayon?

TONS:
Reply mo.

Ako:
Hahaha Funny!

Hindi na ako nagreply pa. Bumukas ang gate kaya pumasok na ako agad at hindi man lang sya nilingon. Ayokong mag-assume sya na may gusto ako sa kanya.

Pagdating ng room ko naabutan ko ang mga roomates ko na nagkakape, Saturday ngayon at wala kaming pasok.

Nagvribate uli ang phone sa bulsa ko. Paglapag ko ng bag ko binunot ko narin at binasa ang mensahe ng gagong yun.

TONS:
Ill send someone to deliver your breakfast.

Napaawang ang bibig ko. Mabilis akong nagreply habang nakatalikod sa mga roommates ko.

Ako:
HUWAG NA! Ayokong malason!

Hindi ko na inaasahan ang reply nya. Bahala sya sa buhay nya. Pero bago ko pa malapag ang phone sa bed ko umilaw na agad to.

TONS:
ill deliver it for you!

Nanlaki ang mga mata ko, halos hindi ko na naayos ang pagtipa ng reply ko sa kanya.

Ako:
Dootn dearr to ntre!

Ginapangalan ako ng kaba sa text ng lalaking yun, nanahimik na nga ang buhay ko tapos guguluhin nya lang?

“okay ka lang?” si Grace.

Napatango ako pero alam kong hindi okay ang mukha ko.

“maputla ka ate” si Jade

Ngumiti ako at umiling. “Kulang kasi ako sa tulog”

“matulog ka na, halata nga kasing wala kang tulog” si Niz.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon