Pasukan na, mas lalo kaming nabusy ni Anton sa academic career namin. Nagtagumpay sya sa pagpigil sa akin na makapasok Law library, ginamit nya lahat ng kapit nya para mailipat ako ng ibang college, sa Education ako napasok. Mas pabor sa akin yun lalo na't thesis writing na ako.
Habang ako nauubos ang oras practicum at SA duty, sya naman nalalagi ang luwas sa provincial court para sa jury nila. Madalas raw na nasa kulungan sila, interview at pinag-aaralan ang mga pending na kaso ng mga preso, minsan naman nasa DSWD.
Kaya mas namamalagi na ako sa dorm mostly kesa sa apartment.
TONS:
Pick u up later. Miss u bata! 😘Napangiti ako. Kahit simple text lang masaya na ako. Kung busy ako di hamak na mas busy sya kaya masaya na ako kahit sa isang simple text o segondong tawag lang.
Ako:
Lunch tayo mahal ko! Miss u na po! 🤗"Ano bayan kakain nalang magpapaalam pa?" si Niz. Sumabay ako sa kanila ngayon dahil sa busy sched ng lahat nawawalan na kami ng mga oras para sa bonding.
Ngumuso ako, practicumer narin sya sa banko tapos sa kanila na sya umuuwi, friday and saturday nalang kami kung magkita dahil yun lang ang vacant nya para sa ibang subjects nya.
"Ganun talaga basta inlove Niz, kita mo yang si Jade nagduty lang, nagblooming narin" tinuro ko si Jade na nagsimula narin ang duty sa hospital. Nakahanap narin ng bagong crush at nagkaroon narin ng bagong suitor.
Tumawa si Jade. May ibang tunog ang tawa nya na kinainis ni Nizelle.
"Masaya kana?" Taas kilay nyang tanong kay Jade na kinatawa namin. "Masaya na kayo? Kasi kayo lang may love life?" ngumuso sya. Ultimate dream ni Niz makahanap ng boyfriend na gwapo pwede nyang irampa at lilingunin ng iba.
"Makakahanap karin ate, just wait and relax" si Jade.
"Salamat bata ha?" Sarkastiko nyang nginitian Jade. Tumayo sya at hinarap ang kama nya, inayos ang kobre kama nyang bagong laba at pinalitan ang mga punda ng unan.
"Ikaw naman babae, naulol kana naman dyan kay papa Sam. Baka naman magkapakwan kana dyan sa tiyan mo tapos lolokuhin kana naman nya?" tumaas ang isang dako ng kilay nya.
Napangiti ako at umiling. Kahit kelan hindi ako naglihim sa kanila. Gusto kong maging transparent lalo na't alam kong sila lang din ang makakatulong sa akin sa huli.
"Sigaraduhin mo lang, ikaw din. Malayo pa ang mararating mo sa buhay!" kumindat sya at napangiti lang ako.
Dito sya matutulog ngayong gabi. Mamayang hapon may klase sya, bukas buong araw din. Kaya kahit weekend, busy parin sya.
TONS:
Go ahead mahal ko, later na ako. Love u 😘Napangiti ako at nagtipa ng reply. Emojies lang din ang pinasa ko.
After ng lunch, bumalik na ako sa trabaho ko sa library. Tatapusin ko ang trabaho ko ngayon para mamaya maaga ako makauwi at makapaghanda sa pagdating ni Anton.
Habang sinasauli ko ang mga libro. Nangungulit naman si Mickey about sa gusto nyang extension sa thesis. Gusto nyang next sem na nalang raw namin tapusin habang ako naman gusto ko ngayong sem na. Kaya ko kasing makapagtapos ngayong semester kung tutuusin pero gusto ko ring habaan ang college life ko lalo na't extended pa si Anton hanggang next summer.
"Mickey itry nalang natin, malay mo makaya natin" ngumiti ako.
Umiling sya, nabehind sya dahil hindi sya nakapagsummer class para sa observe. Nagbakasyon kasi sila sa abroad. Kaya full load sya ngayon. Sabay ang ilang major subjects namin sa observe class nya unlike sa akin na practicum, thesis at isang subject nalang naiwan sa akin.

BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...