Naging successful ang isang buwan na magkahiwalay kami, nabuhay ang relasyon namin sa tawagan at text update ng mga gagawin namin. Umuwi sya ng apat na araw at bumalik na naman dahil nagsimula na ang court practice nila.
Sumabay ang mga trabaho nila doon, practice court, drafting and practicum. Halos ubos narin ang oras nya sa kakaaral at kakahabol ng mga requirements at narrative reports.
Naging busy sya, gabi nalang ang oras namin at umaga para sa tawagan. Minsan nasa apartment ako at doon natutulog para maglinis at magcheck. Minsan naman doon ako naglalaba para hindi ako mahirapan, utos nya yun lalo na kapag may long quiz ako o kaya naman busy mode lang.
"Sinisipon ka?" nag-aalala nyang tanong sa akin. Tumango ako at ngumiti.
Nasa apartment ako ngayon at naglalaba habang sya naman nagpapahinga sa pag-aaral nya. Break time nya sa study mode nya.
"Naulanan kasi ako after ng practice kahapon" napakunot ang noo nya sa sinabi ko.
"Anong practice?" aniya nya.
"Yung tinext ko sayo. Sumali ako sa volleyball para sa intrams, para sa Jersey" nakatawa kong sabi.
"Hindi ko narecieve mahal ko" tunog galit na ang boses nya.
"Baka hindi nasend" tumawa ako. "Dont worry bench lang naman ako don"
Napangiti sya. "Bakit marunong kaba?"
"Sasali ba ako kung hindi?" umirap ako.
"Iba yung marunong sa nagmamarunong!" may banta sa boses nya. Ayaw na ayaw ni Anton na masyadong akong nadidisplay. Lalo na kung napapahiya. Umiinit ang ulo nya sa mga ganyang bagay.
"Player kaya ako nong high school, muntikan na ang ako makapasok sa palaro eh, kung hindi lang napolitika!" nagmayabang ako. Yun lang din kasi ang kong maipagmalaki sa kanya.
Napangiwi sya. Alam kong hindi sya maniniwala kasi ever since hindi ako nakapaglaro o nakipaglaro.
"Sige nga, manonood ako sa laro nyo, sigaraduhin mong marunong ka ha!" Hamon nya. Tumango ako at napatawa.
Ganun kami hanggang nakauwi na naman sya. Nangako syang manonood sa laro ko. Bago ang laro nagtext syang nakarating na sya at nasa apartment na. Binuhos ko ang lahat ng oras ko sa paghahanda para hindi ko sya mabigo. Napabilib ko pa sya nang makita nya ang galing ko sa pagspike ng bola. Kitang-kita ko ang ngiti nya nang makakuha ako ng score.
Kasama nya si Truce at Lee. Nakakahiya pa kasi ang ikli ng shorts ko.
Hindi kami nanalo pero masaya parin ako lalo na't may premyo na ang nanonood sa akin. Sinalubong nya ako ng yakap kahit pawisan ako at nangangamoy pa.
"Sinungaling!" Kinurot nya ang ilong ko. Napanguso naman ako sa hapdi nang kurot at sunburn sa ilong ko. "Ang sabi bench daw oh tapos lumilipad pala!" Pang-aasar nya.
Napapoker face ako lalo na't maraming mata ang nakatitig sa aming dalawa. Bitbit nya ang backpack ko. "Mahirap na mag-expect ka ng too much tapos hindi pala ako pumasa sa standard mo" bulong ko.
Nagpalit ako ng damit sa dorm habang sya nasa frat house nila. Naligo ako at naglagay ng cream sa mukha ko. Binili nya to bilang pasalubong para sa akin ng malaman na sasali talaga ako, para raw hindi ako masunog masyado at makarecover agad ang mukha ko. Buti nalang naligo ako ng sunblock kanina kaya hindi ako napuruhan. Outdoor kasi ang volleyball court namin kasi ginamit ng badminton ang gym.
Nakakhaki shirt at maong shorts ako nang lumabas. Suot ang backpack ko na may damit na para bukas at suot bigay ng tita kong sneakers.
Ang plano namin mag-iikot kami. Ito yung unang besis na babalatan ko ang sarili ko sa harap ng marami para sa kanya.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...