Naunang umuwi ang mga magulang ko. Aayusin ko ang mga papeles ko at mga gamit ko bago ako uuwi. Tatapusin ko na ang lahat para wala na akong rason na makabalik pa sa unibersidad na ito.
Palabas ako ng gate ng dorm, nakapark sa harapan ng frat house nila ang kotse nya. Gaya ng dati, hindi ko na sinilip sa paligid ang mukha nya. Ayokong isipin nyang naghihintay ako na magkausap kami.
"Tin!" napahinto ako at nilingon, si Ivan. May inabot syang paper bag sa akin at halatang regalo dahil sa card at ribbons nito. "Congratulations!"
Napatitig ako sa kanya at sa hawak nya.
"Galing sa amin ni Jims" aniya nya.
"Sure ka?" Panigurado ko.
Tumango sya at pibakita ang pangalan nila ni kuya Jims, ang dating nagtuturo sa amin ng sayaw sa PE.
Tinaggap ko ang binigay nya. May kabigatan ang paper bag. "Thank you" ngumiti at kumaway.
"Kelan ang alis mo?" May iba sa mga titig nya. Hindi ko mabasa kong inaalam nya ba ang araw ng alis ko o concern lang talaga sya.
"Bakit?" tipid akong napangiti sa kanya.
"Uuwi si Truce one of this days. Plano nyang isabay ka, kahit yun nalang ang gift nya for you" pabulong nyang sabi. Napalingon ako sa paligid. Hindi ko alam kong sincere sya sa sinasabi nya. Hindi ko parin mabasa ang mga mata nya.
"Dont worry, babalik na si Anton next week. Im sorry about what happened" seryoso ang mukha nya.
Ngumiti ako, "ano kaba, inaasahan ko naman na mangyayari to. It happened once" napailing ako. "Its my fault, I trust him again, isa pa alam ko naman na hindi kami bagay pinagpatuloy ko" himakbang ako palayo. "Pakisabi kay Truce, thank you pero hindi na ako uuwi sa amin, thank you ulit sa gift" itinaas ko ang paper bag" bumalik ako sa dorm, nilagay ko sa bed ang gift at lumabas ulit.
Tamang-tama na paglabas ko ng gate, papasok din sya ng kotse nya. Nagtama ulit ang mga mata namin, nakatitig sya sa akin at hawak ang susi nya, binaba ko ang mga mata ko at pinigilan ang mga luha kong dumaloy. Fuck you!
Habang buhay kitang tatandaan. Pinasaya mo ako pero at winasak mo rin ng ganito ka lala.
Mas naawa ako sa sarili ko nang marinig ang lock ng pintuan ng kotse nya. Ganun lang kadali ang lahat para isuko nya ako at iwan. Napakaliit ko. Pakiramdam ko napakaliit ng tingin nya sa akin.
Mas lalo lang ako nanlumo nang nilampasan nya lang ako. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang makarating ng ako sa DSA para kunin ang good moral ko.
Sinikap kong matapos ang lahat on time para makaalis na sa lugar na ito. Pakiramdam ko habang tumatagal, mas nasasaktan lang ako.
Bukas na ang alis ko, mag-isa ako ngayon sa room at inaayos ang mga gamit ko. Nakita ko ang paper bag na binigay ni Ivan. Kinuha ko ito at binuksan. Isang photo frame na may litrato kong naka toga. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ito. Ngayon alam ko na kung gaano kalakas ang mga gagong yun. Hindi basta-bastang makakuha ng graduation picture, pero nabigyan nila ako at nakaframe pa. May university shirt at isang nakasobreng sulat.
Binuksan ko ito at napaluha nang makita ang sulat kamay nya.
-------
My loves,
Sometimes, there are simply no words that can adequately express the depth of a person's feelings that are plagued by regret, guilt and sadness for a wrong done. This is my predicament now for hurting you so badly when you trusted me so.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomansaNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...