51

16.3K 285 7
                                    

Maaga akong nagising, naghanda para sa unang araw ng trabaho ko. Pinaghandaan ko ang lahat mula sa isusuot ko, sa sapatos ko, buhok ko hanggang sa bag. Ginastos ko ang naipon ko para sa sarili ko para sa araw na ito.

Wala naman akong gusto pasikatan o pagandahan, gusto ko lang na maging presentable ako sa harapan ng mga tauhan ni Ate. Ayaw kong madisappoint sya sa akin lalo na't alam ng halos karamihan na asawa ako ni Anton.

First and orientation, ipapakilala kami as new employees and member of the surveyor team. Nakakaexcite na may halong takot ang nararamdaman ko ngayon.

Ala nuebe ang orientation pero ang sabi ni ate dapat by 8 AM nandon naraw ako para makita ko ang mesa ko at opisina.

Pinakulayan ko ng dark blond ang buhok ko, may highlights at mas pinaiklian ko. Pakiramdam ko ang ganda ganda ko sa buhok ko ngayon kaya mas lalo akong naexcite..

Suot ang upper chic blouse kong kulay khaki at plain light gray na skinny pants. Hurmado ang kurba ng katawan ko mas tumangkad akong tingnan lalo na nang sinuot ko na ang stiletto ko. Kinikilig ako sa ganda ko habang nasa harap ng malaking salamin.

Sinuot ko ang lucky charm kong necklace na may birthstone ko sa dulo. Pakiramdam ko naiba ang buong pagkatao ko ngayon.

Lumabas ako ng kwarto dala ang bag kong bigay ni ate.

"Billy huwag mong iwanan ngayon si toniboy, aalis ang kuya Anton mo mamaya walang maiiwan kaz Toni" sabi ko habang inaayos ang relos ko. Nasa dining table silang apat at kumakain ng breakfast. Buti nalang at walang pasok si Billy at wala ring lakad kaya may maiiwan kay Toni.

Napaangat ako ng tingin sa kanilang apat. Nakatitig lang sila sa akin na para bang may inaabangan. "yes?" ngumiti ako at nameywang sa harapan nila.

Nagtaas ng kamay sa ere si Ivan habang nakangiti. "ikaw na tin! Ikaw na talaga!"

"the new muse! Single and available!" si Truce. May halong kantyaw ang pagbati nya sa akin, lalo na't nakatingin si Anton sa kanya habang nakakandong si Toni sa binti nya.

"naks! ang ganda naman ni ate!" si Billy.

Nagpacute ako lalo, ramdam ko ang init sa pisngi ko habang nakatitig sila sa akin.

Tahimik lang si Anton at nasa kape nya ang atensyon nya. Hindi nya ako tinitigan o sinilip. Sabagay, sa dami nang naging babae nya sigurado ako na ako parin ang may pinakasimpleng dating ngayon sa mga mata nya.

"naku si maam Tin ang sexy mo" si ate Nora. Galing sya sa likuran at naglalaba.

"alis na ako" excited kong sabi sa kanila. "Truce, hali kana!" tumango sya sa akin at uminom pa ng kape bago tumayo.

Nilapitan ko si Toni boy na nakangiti sa akin. Umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Anton. "work-work-work muna si Mommy, later play tayo pagdating ko baby" hinalikan ko sya sa noo.

Simula nang sa amin na tumira si anton, sila ang laging magkasama. Sobrang nabuild up ang relasyon nilang mag-ama.

"Ton huwag mong kalimutan ang diaper nya, apat nalang ang naiwan don" hinwakan ko sya sa balikat. Napatingin sya sa akin, titig na titig na para bang may kasalanan ako.

"you don't have to do this! You don't have to work Tin" pabulong nyang sabi.

Ngumiti ako, "para to sa pamilya ko to Ton, may mga kapatid pa akong sa akin lang nakaasa" tatayo na sana ako nang hinawakan nya ang kamay ko.

Ngumiti sya at hinalikan ako sa pisngi. "good luck!"

Tumango ako at sumunod na kay Truce.

Habang nasa sasakyan kami, panay ang tawa ni Truce na para syang baliw.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon