33

13.3K 227 8
                                    

Pauwi na ako, nakayukong naglalakad dahil sa pagod nang maramdaman kong nakasunod ang kotse nya sa likuran ko. Nilingon ko ito at ngumiti sa kanya.

Kitang-kita gaano ka lungkot ang mukha nya.

Humakbang ako palapit sa sasakyan nya at sumakay. Pagkaupo ko, "pagod ako Anton kung gusto mo akong makausap bukas na pag nakapagpahinga na ako para may gana akong pakinggan ka" sumandal ako sa upuan nya at pumikit.

Nagising ako sa malambot na kama. Wala nang sapatos at may kumot na. Katabi ko syang tahimik rin na natutulog hawak nya ang kamay ko. Halatang wala syang tulog ng maayos kasi pagod na pagod ang bawat hininga nya.

Pinagmasdan ko sya ng mabuti. Sa panahong kami lang ang magkasama, hindi ko maikakailang ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nya sa akin. Hindi sya nagkulang o wala syang pagkukulang. Ni minsan hindi ko sya pinagdudahan. Hindi, hindi ko naisip na magagawa nya yun.

Napailing ako at napaupo.

"Gaga ka ba Betina!" saway ko sa sarili ko. "Nakalabas kana pero ito na naman pinapain mo na naman ang sarili mo sa tigre" tatayo na sana ako pero mabilis nya akong nahagit sa braso. Napahiga ako at kaharap sya.

Nakipagtitigan ako sa kanya, pinagmasdan ko syang titig na titig sa akin.

"Di ka pa ba babangon?" walang emosyon kong tanong.

Tipid syang ngumiti at hinaplos ang pisngi ko.

"May duty ako ng 7. Gising kana dyan ala sais na" tatalikod na sana ako nang hinagit nya na naman ako at binalot sa yakap nya.

"Sorry love, I wont do it again. Forgive me, I will never do it again" nanginginig sya, ramdam ko ang pagod sa bawat binibitawan nyang salita.

Hindi ko namalayan na napatulo ang luha ko. Ganito pala kahirap ang gyera ng isipan at puso. Gusto ni puso, ayaw ni isipan. Nanlalambot si puso pero nagmamatigas si isipan.

"Please give me another chance tin, please?" Ramdam ko na ang mainit na likidong dumadaloy sa leeg ko.

Mas humigpit ang yakap nya sa akin, halos hindi na ako makahinga sa mga braso nya.

"Kung gusto mo hindi na ako uuwi, dito nalang ako, dito nalang tayo. Kung gusto mo magpapalit nalang ako ng number, magsama na tayo mahal ko" nanginginig sya at ramdam na ramdam ko ang takot at kaba sa dibdib nya.

Nilayo ko sya sa akin at napaupo ako. Huminga ako ng malalim at napapikit. "Anton, we dont need to do that. Okay na tayo. Okay na ako ng ganito walang naiisip na commitment, walang ibang iniisip kundi sarili ko lang. Baka mas maganda kung ganito nalang tayo ulit?" nilingon ko sya.

Mabilis syang napaupo, at hinarap ako. Mabilis syang lumapit sa akin at lumuhod sa harapan ko.

"ANTON!" saway ko.

"Love please? Ive been yearning for us to happen. Please love, tin" napahawak sya sa kamay ko. "Please forgive me, please mahal ko" hinalikan nya ang mga kamay ko na parang nagmamakaawa. Napakunot ang noo ko sa nangyayari sa kanya.

Binawi ko ang mga kamay ko. "Naging tayo dahil pinagbigyan ko ang sarili kong mahalin ka at maging masaya. Binigay ko ang sarili ko ng walang alinlangan dahil mahal kita at may tiwala ako sayo. Kinain ko lahat ng masasakit na salitang naririnig ko mula sa mga taong nakapalibot sayo" napatingin ako sa kanya. "Hindi ako deserving maging girlfriend mo ton, magkaiba tayo ng estado sa buhay"

Umiling sya, "love no!" halos namaos na ang boses nya.

Tatayo sana ako para maghanda pero hindi ko nagawa dahil niyakap nya ko. Umiyak sya na halos dumurog sa puso ko. Hindi ko kahit minsan naisip na mapapaiyak ko ang isang Alvaro na tulad nya. Matapang, makisig at matalino.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon