44

14.2K 267 13
                                    

Dalawang araw pa bago kami nakauwi sa condo. Nanatili ang mga pamilya ko ng isang araw pa bago sila pinahatid ni ate sa amin, dalawang araw narin kasing absent ang mga kapatid ko sa klase nila.

Araw-araw kinukulit ako ng dalawa sa mga bisita nila para kay baby Toni.
May dala silang mga laruan at pagkain para sa akin, si ate naman halos ginagabi araw-araw sa kakabisita sa anak ko.

Inoferan nya ako ng trabaho sa opisina nya, may real state company nya pero maliit palang, gusto nya akong gawing agent bilang simula.

Kapag magdadalawang buwan na si Tons, magtatrabaho na ako para may maitulong ako sa mga kapatid ko lalo na't malapit narin magcollege si Bino. Ilang besis ko pang pinilit si ate na bigyan ako ng trabaho kahit ayaw nya.

Pinapatawa ni Truce si baby Toni nang tumawag si ate na hindi sya makakabisita dahil umuwi muna sya hacienda. Bumukas ang pintuan at niluwa nito si Ivan na may dalang pizza.

Pagkalapag nya, naglagay agad ito ng alcohol at inagaw si baby Toni kay Truce. Napangiti ako sa kakulitan nilang dalawa.

"Wala ba kayong frat duties ngayon?" Tanong ko habang binubuksan ang kahon ng pizza.

"Meron pero ang sabi ko imemeet ko ang kapatid ko dito sa sentro" si Ivan.

Napatango ako, napatingin ako kay Truce at ...

"Paalam nya nasa kanila sya ngayon. Sila ni Anton" nakita paano siniko ni Truce si Ivan na kinangiti lang ni Ivan.

Parang hindi halatang magiging abogado na sila. After graduation, si Lee at Anton daw muna ang kukuha ng bar, magrereview daw ulit sina Truce, Ivan at Jacob.

Malapit na ang kasal ni Anton at Kate. Nawawalan na ako ng ganang marinig ang pangalan nya. Salamat nagkaroon nalang ako ng remembrance sa kanya, okay na ako kay baby Toni. Bahala na sya sa buhay nya.

Ilang araw, ilang linggo ang lumipas. Buhat ng umuwi si ate mula sa kanila may kakaiba sa saya nya. "Kung nakita mo lang sana paano sya pinalayas sa bahay namin" excited na sabi ni ate sa akin. Nangunot ang noo ko sa kinukwento nya.

"Sino ate?" Nangunot ang noo ko habang inaayos ko ang mga files ng bagong applicants ng bagong tayong tower.

Isang linggo na akong nagtatrabaho pero nasa homebase ako, database ang hawak ko. Tag-enter lang sa database ng mga names ng mga nakapasa sa screening ng ga papeles. Ito ang binigay nyang trabaho para raw hindi ko makaligtaan si baby Toni, gusto ko lang talaga makatulong sa pamilya ko.

"Ang daldal talaga ni mommy noh?" Kiniliti nya si Toni at napatawa ito. Gusto nyang tawagin syang mommy, since Mama ang ipapatawag ko sa anak ko sa akin.

Napangiti ako at napailing.

"Buti nalang ang ganda ng mommy, nagmana ka sa akin baby toni" pangungulit nya sa anak ko.

Napapangiti ako habang nakikinig sa pangungulit nya sa anak ko. Panay record nya ng video rito, buting nalang at sumasagot din ang anak ko sa kanya kaya tuloy wala ring tigil ang pangungulit ni ate sa kanya.

"Hindi na ata madalas ang dalawa rito lately at panay nalang video call?" Tanong ko.

"Busy sa pag-aayos ng mga papeles nila for graduation. Alam mo naman si Anton, panay narin ang hinala bakit raw biglang napapadalas ang uwi ng dalawa"

"Kamusta si Anton ate?" Lakas loob kong tanong.

Napatingin si Ate sa akin, ngumiti sya.

"Ikakasal na sya, nangungumusta lang ako noh" napanguso ako at binalik na ang diwa ko sa trabaho ko.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon