Gabi na nang makarating ako sa bahay.
Naabutan ko silang nakaabang sa pagdating ko. Nangako kasi akong magdadala ng ulam.
Nilapag ni Nanay ang binili ko kong lechong manok at pancit. "Naku anak, pati ba naman sa allowance mo nakakatikim parin kami" sabi nya.
Ngumuso ako. "Nanay naman eh, mura lang kaya yan"
Napatawa lang ang mga kapatid ko. Kahit papano nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Sa mga ngiti nila at tawa pakiramdam ko masaya na ako. Pakiramdam ko napawi sandali ang bigat na nararamdaman ko.
Gabi na, hindi ako makatulog. Lumabas ako sa bahay at pumunta na kubo. Napaupo ako sa mahabang upuan at napasandal. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong masolo ang sarili ko. Habang tinatanaw ang maliwanag na langit na puno ng mga bituin. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ito, na mahuhulog ako ng lubusan sa kanya at ganito ako ngayon. Pakiramdam ko nabasag ako at nasugatan. Dinamdam ko ang sakit para mas madaling maghilum. Hinayaan ko ang sarili kong umiyak, masaktan at madurog para mas mabilis akong magkalakas loob.
Binuksan ko ang phone, mula nang inoff ko kanina ang phone ko sa bus hindi ko na ulit ito nabuksan. Bumaha ang mga mensahe. Halos lahat mula sa kanya. May ilang unknown numbers pero alam kong sa kanya lahat yun.
TONS:
Mahal wer r u. Lets talk. I love u.Imbes na maawa, mas lalo lang akong nakaramdam ng poot para sa kanya. Nang umilaw na ito dahil sa tawag nya. Mabilis kong pinatay at binalik sa bulsa ko.
"Hinding-hindi na ako magpapauto sayo!" Galit kong bulong habang pinapahiran ang mga luha ko.
Nanatili ako ng isang linggo sa amin. Tumulong ako sa mga trabaho ni Nanay lalo na sa mga paninda nya. Sa mga ganito ko niligaw ang sarili ko para makalimutan sya. Gagawin ko lahat para makaahon kami, hindi pa naman huli ang lahat. Nasaktan lang ako pero hindi pa nasira.
Habang pinapaypayan ko ang suman na lumamig, tsaka ko lang narealize na malabo nga naman talaga maging kami. Mayaman sya, mahirap ako, tagapagmana sya habang ako, ako? Ako ang inaasahan ng pamilya ko. Ako ang aahon sa kanila sa kahirapan kaya hindi kami bagay. Kahit kelan hinding-hindi kami magiging bagay para sa isa't-isa.
Nagawa nya akong lokohin kasi wala lang ako, walang sinabi kumpara kay Kate. Walang panama kung ihahalintulad sa iba dahil ako nasa ibaba, sila nasa taas.
Ilang araw kong binalot ang sarili ko ng tibay at determinasyon. Gusto kong bumalik sa school na tulad ng dati. Isa lang ang layunin, makaahon sa hirap.
Habang nagliligpit ako ng mga damit kong dadalhin, binigay ko narin kay Billy ang pang-enrol nya. Iniba ko ang perang binigay ni Anton sa akin na pampasalubong.
Napatingin ako sa dalawa kong kapatid na nagmamasid sa akin. "Bin oh, pambaon mo" inabot ko ang 500 sa kanya, ganun din kay Belinda.
"Iipunin ko to ate pambili ko ng bike" sabi ni Bino.
Napangiwi ako. Ang babaw ng mga pangarap namin pero bakit parang ang hirap pang maabot.
"Ate alam mo ang sabi ni tiya Lala dyan sa kanto sana daw maghanap ka nalang ng amerikano para makaahon tayo sa hirap" nakanguso nyang sabi.
Napailing ako, mahirap kami pero hindi ako ganun ka hangal.
"Hindi linda, mahirap tayo pero marunong naman tayo magsikap" niyakap ko sya.
Pinagpatuloy ko ang pag-iimpake, hinalughog ko ang bag ko para sigaraduhin na dala ko ang mga kakailanganin ko. Napakunot ang noo ko nang makita ang maliit na card, "Maria Antonia Alvaro" matagal akong napatitig, pakiramdam ko binalot na naman ako ng lamig sa umagang yon.
"Bakit ate?" si Bino.
Ngumiti ako at umiling. "Naisip ko lang na ilang buwan pa bago tayo magkikita ulit"
"Isang taon nalang ate, magiging guro kana" ngumiti si Bino.
Tama sya, observe class, thesis at practicum nalang ang kulang ko. Maluwag na ang oras ko ngayong taon. Naubos ko na kasi lahat ng subjects ko.
Maaga akong umalis sa amin, hinatid ako ni Tatay at Billy sa terminal. Hindi pa pasukan pero susubukan kong mag-apply sa library para maging student assistant, 4500 ang allowance, free breakfast at lunch sa cafeteria at my bunos din. Pero sa isang sem 50 lang ang makukuha, ididestino sa mga library ang mga matatanggap.
Susubukan ko, mas maganda sana kung makuha ako para hindi na kami magtagpo pa ng landas ng lalaking yun.
Mag-eenrol ako ng last two subjects ko this summer. Para maging maluwag ako sa first sem.
Ala una ako dumating ng university, diretso ako ng dorm kahit alam nagugutom na ako. Naabutan ko si Jade don na bagong dating din.
"Ate tin!" gulat nyang bati. "Akala ko hindi ka magsusummer ngayon?"
Ngumiti ako, "sayang kasi at tsaka mag-aaplay ako sa AS para sa lib ako makapagwork"
Napatango sya, may duda ang mga titig nya at halatang malaman.
Napatawa ako. "Okay ka lang ba?" tanong ko.
Nakanguso syang tumango.
Nilapag ko ang bag ko at nilabas din ang mga gamit ko.
"Ikaw ate, okay ka lang ba?" napatigil ako sa tanong nya. Dont tell me may alam na sya?
"Pumunta sya ng bahay, akala nya nasa bahay ka" napangiwi sya.
Ngumiti ako, "umuwi ako" tipid kong sagot.
Ramdam ko ang bawat pag-iingat nya sa mga tanong at gestures nya.
Isang linggo na ako dito sa university, laking pasalamat ko at hindi pa kami nagtagpo.
Lumipas pa ang mga araw, linggo hanggang umabot na ng isang buwan. Hindi ko pa sya nakikita dito. Siguro naisip nyang kay Kate mas may future silang magagawa kesa sa akin.
Galing ako sa cafe, overtime at pagod na pagod. Naisip kong magpahinga bukas at huwag munang papasok. Kailangan kong alagaan ang katawan ko lalo na't marami ang nakaasa sa akin.
Nagulat ako nang bigla nyang hinarangan ang daanan ko papasok ng gate. "Talk to me tin" pagod ang mukha nya. Pumayat at parang pinabayaan. "Please? Lets talk?" pagmamamakaawa nya, kahit nanlambot ang puso ko hindi ko parin sya dapat basta-bastang patatawarin dahil lang sa ganito sya, nagmakaawa sya.
Imbes na suntukin sya sa inis at mag-eskandalo, ngumiti ako, "Alvaro, okay na ako. Tanggap ko na ngayon na mas bagay kayo at hindi tayo" mabilis akong pumasok sa loob ng dorm.
"Tin!" Sigaw nya. Maraming napapalingon, nagtataka sa atensyon nya at presensya sa harap ng dorm.
Hindi ako natinag, nagmadali akong pumasok ng room.
Ilang araw na ganun ang nangyari. Pero todo iwas parin ako. Ayoko na. Mas gusto ko pang ibalik nalang ang lahat sa dati. Sa dating ako.
Sa loob ng isang buwan, mas lumaki ang kinabagsak ng katawan nya. Tuliro narin sya minsan at hindi na raw makausap ng maayos sabi ni Ivan.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...