Dinner, tahimik kaming apat na kumakain nang biglang magtanong ang lolo nya sa plano namin sa 24th birthday ni Anton.
"Betina may naisip ka na ba?" si lola.
Napangiti ako, napatingin ako sa kanya na nakaabang sa akin.
Umiling ako, "bakit hindi mo nalang tipunin ang mga tauhan nyo at ilibre sa trabaho buong araw para magparty!" napanguso ako, "suggestion lang" takot akong napangiti.
Napatingin ang lola at lolo nya sa akin. "Bigyan ng bunos para lahat happy-happy!"
Gusto kong matawa, naisip ko kasi na imbes ang mga kaibigan nyang ayaw sa akin ang pakainin bakit hindi nalang yung mga nagseserbisyo sa kanila.
"Actually im thinking about that too!" sang-ayon ni Anton. "Hindi pa natin nabigyan ng time ang mga trabahador natin Lo, why not mamigay tayo ng bunos?" ngumiti sya.
Napatitig ang lolo nya sa kanya. Napangiti at napatango.
"Maghanda tayo ng mga laro para sa mga bata" sabi ng lola nya.
"Kausapin ko nalang po ang mga kaibigan ko para makatulong sila" sabi ni Anton. Tumango ako pero yung totoo mas maganda kong wag nalang sila sumali.
"Tatawagan ko si Diego, ipapahanda ko ang ipamimigay nating pabunos sa bawat impleyado para naman masaya sila ngayong pyesta" sabi ng Lolo nya.
Napatango si Anton.
Matapos ang dinner, pinakita sa akin ni Anton ang magiging kwarto ko, sa isang guest room malapit sa kwarto nya ako mananatili pansamantala, kahit raw open minded ang grandparents nya ayaw nya raw abusuhin ang kabaitan nila.
"Dont worry, ill slip later to sleep beside you" kumindat sya habang nilalapag ang bag ko sa upuan.
"Sira ulo ka! Kala ko magrerespeto ka?" nakataas ang isang kilay ko.
Napatawa sya at napailing. "Come on! Wanna see my room?" Mapang-akit nyang tanong. Napatawa ako at napatango.
Hawak nya ang kamay ko, sabay kaming pumunta sa kwarto nya. Napanganga ako sa ganda at sosyal ng kwarto nya. Napakaengrande ng desenyo. May portraits na parehong nakatoga sya at isang college, high school at elementary. Napangiti ako sa kagwapuhan nya. Pinagpala talaga.
Napadapo ang mga mata ko sa malaking kama nya na nakakaakit higaan. "Dito ka natutulog tuwing umuuwi ka?"
Umiling sya, "mas madalas sa tree house. Nakakaantok kasi dito tumambay, hindi katulad don sa tree house marami akong libro don"
May malaking tv na nakasabit, may desktop, may maliit na ref at malalaki na glass window at terasa. Halatang lalaki ang may ari ng kwarto dahil ang desenyo at mga gamit.
"Nagdadalawang isip na akong dalhin ka sa amin, kwarto mo palang, buong bahay na namin" nakanguso kong sabi. Napatawa sya lumapit sya sa akin at niyakap ako.
"Kahit gaano ka laki o liit ang bahay mo wala akong pakialam. Mahal kita and period" sabi nya.
Bumalik na ako sa kwarto ko, ayokong tumagal sa nakakaenganyo at nakakaakit nyang kwarto. Baka kung ano pa ang magawa namin dito.
Naninibago ako kaya hindi ako nakatulog agad, naisip kong replayan si Billy sa text nito kanina.
Ako:
Oo makakapag-enrol ka this sem. Uuwi ako ng ilang araw next week pa kasi ang balik namin sa cafe.BILLY:
Salamat ate. Huwag kang mag-alala mag-aaral akong mabuti para makatulong sayo.Napangiti ako, kung pwede lang hilahin ang oras, araw, buwan at taon na sana makatapos na kami para makaahon na sa hirap.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...