29

13.6K 272 5
                                    

Hindi na ako nangulit pa. At least naparamdam ko na may ampalaya ako sa babaeng yun.

"Buti naman at nakakaya pa ng Lolo mong silipin ang lahat ng ito" sabi ko. Pumunta kami sa mga bulaklak nila kanina malapit lang sa mansyon. Malapad at makulay ang mga tanim nila. May ilang pamilya ang nakatira doon at nag-aalaga ng mga ito. Maraming klase ng bulaklak ang naroon, dinideliver raw ito sa bayan tuwing lunes at byernes. Pinakamarami ang marigold, roses, anthuriums at orchids.

"Masipag ang lolo ko, araw-araw iniikot nya ang mga ito. Tsaka mapagkakatiwalaan naman ang mga tauhan namin dahil matagal na silang nagtatrabaho sa amin" aniya nya.

Sunod na pinuntahan namin ang rancho nila, marami silang kabayo at baka. Nagpagawa sila ng quadra ng mga ito. Kada linggo may kumukuha ng mga baka at kinakatay, binibenta sa sentro at ang iba sa poblacion.

"Ilang baka kada linggo? Sampu?" napakunot ang noo ko sa dami, buti naman at hindi sila nauubusan. "Ilang piraso pala ang mga baka ninyo?" 

"Nasa apat hanggang limang daan to, hindi pa kasali ang mga ipapanganak palang" ngumiti sya at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo bang nagsimula lang ito sa tatlong baka na binenta kay Lolo nong nagsisimula palang syang mamuno dito."

Nagulat ako, "ang galing naman ng mga nag-aalaga nito, naparami nila" sabi ko. Napatingin ako sa isang gilid, may pitong bahay na magkakapareho ang desensyo, "yan ba ang tirahan ng mga nagtatrabaho dito?" Sabay turo ko sa mga bahay.

Tumango sya. "Pinagawa ni Lolo yan para hindi sila malayo sa trabaho. Pitong pamilya ang tulong tulong na nag-aalaga dito sa rancho"

Napangiwi ako nang makita ang kakaibang mga mukha ng kambing meron sila, pang mayaman, yung nakikita ko sa amin parang mga askal at payatot na laging nasa diet.

Matapos naming mapuntahan ang rancho, sa dulo ng lupain nila naroon ang palayan. Malaki, malawak at masagana ang mga pananim nila. "Ilang hetaria itong  palayan nyo?"

"Nasa 10 hectares, itong tubig galing ito sa talon. Gumawa kami ng kanal para makatipid sa tubig" tinuro nya ang nakasementong kanal sa gilid ng mga nakahilirang mga bahay.

Pagkatapos namin don sa palayan, dumaan kami sa gubat pero hindi na kami bumaba, pinakita nya lang sa akin at dumiretso na kami sa fish pond nila na hindi kalayuan sa talon.

Pagkatapos namin umikot, pumunta kami sa paborito nyang tambayan. Ang tree house nya.

Sa isang malaking puno malapit sa mansyon naroon ang tree house nya. May hagdan itong paikot. "Bakit ka gumawa nito?"

"Dito ko trip magbasa, mag-aral at tumambay" sumandal sya sa harapan ng sasakyan at nilingon ako. "Dito ko rin idedate ang unang girlfriend ko, dito rin kami tatambay ng magiging asawa ko, maglalaro ang mga anak ko at magpapahangin kong matanda na" ngumiti sya at naglahad ng kamay sa akin. "Wanna have a date with me up there?"

Napangiti ako at napatango. Sweet!

Nauna sya at nakasunod ako. Binuksan nya ang nakakandadong grilles. Napalibutan ng terasa ang buong tree house nya, glass ang pintuan at sliding glass na malalaki ang mgat bintana. Binuksan nya ang pintuan at nauna syang  pumasok nakangiti syang naglahad ng kamay sa akin. Ngumiti ako at pinagmasdan ang buong paligid nitong tree house nya. Maraming libro, may nakalapag na higaan sa sahig, may sofa at may mga gamit pang nandon. Napakunot ang noo ko nang  makita ang isang frame.

"Ano to?" Nakanguso kong tanong. Picture ko na nakasideview at nakangiti. Ulo lang walang ibang parte.

"Ah yan ba?" umupo sya sa sofa at kumuha ng sigarilyo nya sa isang gilid. "Ewan ko ba, nilagay ko lang din yan dyan para panakot sa daga, effective nga eh!" natatawa nyang sabi.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon