39

12.8K 222 4
                                    

One week later, inayos ko ang mga school records ko. Pinadalhan ako ng pera ng tiya ko para ayusin ang mga school records ko at bayaran ang graduation fee. Oo magtatapos ako as soon as possible para malayo ang anak ko sa mundong ito.ayaw ko ring maistorbo pa si Anton.

Nakaupo ako sa paanan ng kama ko nang sinilip ko ang phone ko. Buong araw wala syang text, kagabi hindi man lang sya nakatawag siguro sobrang busy nya na masyado ngayon.

Ako:
Loves 🤗

Binalik ko ang phone ko sa bag at inayos ang sapatos ko. Tinali ko ito ng maayos, may duty ako ngayon sa library.

Sumapit ang gabi, wala parin. Nakakapagtaka lang na kahit anong busy sya naiisip nya akong itext, pero ngayon ibang-iba. Mabigat ang loob ko at hindi ako mapakali lagi.

Pumunta ako ng registrar para tingnan ang result ng evaluation. Maraming nakapila, maraming masaya at may ilang umiiyak. Lumapit ako sa list ng college namin. Pangatlo ang pangalan ko, napangiti ako at naibsan ang lungkot at bigat ng nararamdaman ko dahil sa nakita ko. Pangatlo ako sa listahan ng Magna Cum Laude. Tumulo angnluha ko sa saya, my baby is my angel in disguise. Uuwi akong may magandang balita at panibagong hamon sa buhay.

Ako:
My loves... nasa list na ako ng graduates... I got it love...

Ilang besis kong sinend panigurado na matatanggap nya.

Ilang oras ang lumipas pero hindi parin sya nakareply. Sinubukan kong tawagan pero out of coverage area.

Isang linggo ang lumipas, hindi na nagpaparamdam si Anton. Biglaan pero iniisip ko na siguro puspusan din ang pagod nila don.

"Ate tin kelan ka uuwi?" Si Jade.

"Next week siguro after maend ang trabaho ko" nakangiti kong sagot.

"Nakapag-fb kaba lately?" Nakatitig sya sa akin.

Umiling ako at ngumiti. "Why?"

"Wala naman, hindi ko na kasi napapansin ang fb ni papa Sam sa wall mo." Hinablot nya ang bag nya. "Iba na nga talaga ang nagagawa ng busy mode noh?"

Ngumiti lang ako. May gusto syang sabihin. May laman.

Magsesembreak na rin, graduation na at magtatapos na ako. Napaaga ako ng isang sem. Malaki talaga ang naitulong ng mga summer classes ko.

Pagkaalis ni Jade, umalis narin ako. Pupunta ako ng apartment para iuwi na ang ilang mga gamit kong naiwan sa apartment nya. Baka hindi narin ako makabalik, siguradong magiging tsismis ang pagbubuntis ko kung malalaman nila.

Pagdating ng apartment, nangunot ang noo ko na bukas ang gate. Tahimik akong pumasok, bukas ang pintuan at may mga boses na nagbabangayan. Tumayo ako sa tabi ng pintuan, nakinig at nagbakasakali na hindi makaestorbo.

"What Kate?" Sigaw ni Anton. "Hindi ka pa ba masaya na nandito na tayo, nag-iisip na ako paano ko sasabihin sa kanya."

Napayuko ako, mahigpit kong hinawakan ang strap ng backpack ko habang pinakikinggan syang puno ng galit ang boses.

"Madali lang naman sabihin Anton, tell her nabuntis mo ako dahil may nangyari sa atin, twice!" Napapikit ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Sa dulo ako parin ang talo.

"Kate!" Sigaw ni Anton. Sa unang pagkakataon, narinig ko syang magalit. Narinig ko syang sumigaw. "Hindi ganun kadali ang lahat. Kaya you shut-up!"

"You shut-up Anton!" Sigaw din ng babae. "Dont tell me mas pinahahalagahan mo ang feelings ng babaeng yun kesa sa magiging pamilya mo." Dinig na dinig ko ang tunog ng takong at mga pagtapon ng mga libro. "Alam mong Dad mo na ang nagplano ng engagement natin so better end with her kesa mas masaktan mo pa sya lalo"

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon