45

15.1K 260 34
                                    

ANTON POV

Pababa kami ng hagdan nina Ivan at Truce, lalabas na sana kami nang makita ko si Tito. Pinsan sya ni Dad. Nangunot ang noo ko nang makita na may nakasunod sa likuran nya na babae.

"Sandali lang, punta muna ako dito" tinuro ko opisina ni Tito na kinatango ng mga kasama ko.

"Hindi ako nagdududa sa pagiging loyal ni Tito pero ayaw kong masangkot sya sa kahit anong issue na may kinalaman sa laman ng tao.

Nasa pintuan na ako nang marinig ang boses ng babae, umiiyak kaya napahinto ako sandali para makinig. "Sir nakapass po talaga ako ng papel sa table nya, saksi ko yung janitor na naglilinis don nong araw na yun" humakbang ako at kinatok ang nakabukas na pintuan.

"Tito pwede bang ngayon ko nalang kunin yung libro?" Sabi ko na nagpataas ng ulo ng babae. Napatameme ako sa kakaibang mukha nya. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka ganda ang mukha habang umiiyak.

Dumiretso ako sa tinurong cabinet ni Tito at hinanap kunwari ang libro.

"Sir pagbinagsak nya po ako, mawawalan po ako ng scholarship hindi po ako kayang paaralin ng mga magulang ko, ito nalang po ang pag-asa ko" timpi nya mula mahinahong hagulhol nya.

Napataas ang isang dako ng kilay ko, sekreto ko syang nilingon habang binubuklat ang libro. PUTCHA! Ang ganda nya talaga! Ngayon lang talaga ako nakakita ng babaeng maganda kapag umiiyak. Napailing ako at pinigilan ang sarili kong makagawa ng ingay.

"Okay, I will try to talk to Prof. Danio about this. Ako na ng bahala, dont worry gagawin natin ang lahat." Nakita kong napailing ang Tito ko sa gilid ng mga mata ko. "Huwag kanang umiyak, pati ang maam mo nag-aalala na sayo"

Tumango ang babae at pinunasan nya ng braso nya ang mukha nya. Bata lang?

"Huwag kana muna magduty, maga na yang mata mo, itulog mo na yan at bukas kana magduty sa cafe" sabi ni Tito at tumango sya.

Hinablot ko ang libro at kumaway kay tito, tumango sya. Ngumiti ako nang makita sa malapitan ang mukha ng batang iyakin pero maganda.

Pumunta kami ng cafe at tumambay hanggang sa last class namin. 4:30 - 7:30 pm. bagong routine namin ito mula nang magkalast period kami ng gabi. Dati ang tambay namin tangahali lang at meryenda, wala akong choice, kami pala sa cafe lang ni Tito may malinis na pagkain at masarap. Mahal pero garantisado malinis at masarap.

Nawala sa isipan ko ang batang yun, maraming maganda sa university anytime pwede kang makahugot sa tabi at iuwi. Isang maliit na syudad pero maraming liberated isip.

Antok kong hinigop ang kape ko, nagsimula na kasi ang pahirap sa mga applicants. 18 sila, halos lahat scholars.

"Sino na naman iniisip mo!" Napalingon ako, napangiti nang makita si Truce na may hawak na namang tsaa, ginagago ako ng lalaking ito sa amoy ng tsaa nya alam kong kay ate nya nakukuha yan. Sumisekreto silang dalawa kahit obvious naman.

Napailing ako. "Regards sa tea" napatingin ako sa thermo cup nya. "Tea!" at napatawa ako.

As usual, poker face lang ang sinagot nya sa akin.

Napadapo ang mga mata ko sa mga babaeng nakaupo sa harap ng girls dormitory. Sinuri ko isa-isa ang mga mukha nila at napailing ako. Makulimlim na nga ang langit, madidilim pa sa ulap ang mga mukha nila. Tsk-tsk-tsk!

Nagsimula na ang morning rituals ng mga applicants, napangiti ako sa bagsik ng mga assigned members para pamunuan sila ngayong araw.

Inikot ko ulit ang mga mata ko, sa pinakadulo napahinto ito nang makita ang iyaking bata, may hawak na supot ng pandesal at antok ang mukha. Ang maganda kahit walang tulog, maganda parin.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon