50

17.2K 295 27
                                    

ANTON POV

"Here!" Inabot sa akin ni ate ang isang folder. Napakunot ang noo ko kung ano ang laman nito. Binuksan ko at nakita ang mga papeles.

"Nilipat ko sa pangalan ng anak mo hacienda, kinunan na namin sya ng passport at nagbukas narin ako ng bank account nya"

Napataas ang isang dako ng kilay ko. Napangiti ako habang binabasa ang pangalan ng anak ko. Samuel Antonio C. Alvaro Jr.

"Pinasok ko na ang share nya sa kompanya. Didiretso na dyan sa account nya ang bawat interest na makukuha nya sa kompanya" ngumiti sya.

"Ito ang allowance mo, ito ang quarterly share mo" sinilip ko ang laman ng dalawang sobre. Halatang galing sa banko, nakabundle pa ito. "Simula ngayon, ikaw na ang gagastos ng lahat para sa kanila. You need to look for a work brother, I want to see you grow responsible to the needs of your family" kinindatan nya ako.

Napanguso ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Pakiramdam ko sya lagi ang sumasagip sa akin. Sya nalang lagi ang umaayos ng lahat ng gulo at sakit ng ulo na ginagawa ko.

"Thank you" tipid akong ngumiti. Nahihiya ako. Ang laki na ng utang na loob ko sa kanya.

"Kinausap ko si Dad, sabi ko kapag guguluhin kapa ni Kate ikakalat ko ang mga scandal ni Kate at ang lihim nila" tumaas ang isang kilay nya, maldita talaga ang kapatid kong ito.

"Kapag hindi sila titigil, ako na mismo ang makakalaban nila. Matagal na akong nagtitimpi, lubog na si Dad sa utang, ang tanging pinagkukunan nila ng pera ay ang gasolinahan at paupahan sa Maynila, wala nang iba. Kayang kaya kong ilipat sa pangalan ko ang lahat ng yun dahil conjugal properties nila ni Mom yun. Pasalamat sila wala akong oras magtiyaga sa maliliit ang kita"

Napatitig ako sa kanya. Saan sya humuhugot ng lakas? Paano nya nagagawa ang lahat ng mga ito?

"Wala kabang planong bisitahin ang mga inlaws mo bago ka umalis papuntang Maynila?" Napangiti sya sa akin. "Mabait ang father inlaw mo, masipag. Kalmado at kahit hindi nakatapos, professional syang kausap"

"Sige kakausapin ko si tin-tin about that" tumango ako.

"Ipapasama ko si Truce sayo sa maynila para hindi kana ulit maligaw ng kwarto" nakataas ang isang bahagi ng kilay nya.

Napailing ako. "Im planning to bring my family there. Isasama ko sila, naaaliw na ako sa pagiging tatay sa anak ko"

"Good to hear that! Ipapaready ko kay Truce ang isang kwarto sa condo para sa inyo, sila ni Ivan sa kabila para hindi ka mahirapan." Ngumiti sya.

"Ipapasama mo si Truce?" Nangunot ang noo ko. "Sigurado ka?"

Napatawa sya, "hindi mo katulad si Truce. Kahit nasa mars ako, alam kong hindi nya ako kayang lukuhin. Ipapasama ko sya para maipasyal nya sina Tin-tin habang nagrereview ka, nandon naman si Ivan, im sure hindi rin yun mabobored"

Tumango ako. May pagmamay-aring condo si Ate sa Maynila, kaya hindi kami mahihirapan kung sakaling isasama ko ang mag-ina ko.

"Kinausap mo ba sya?" I hope maintindihan nya ang ibig kong sabihin.

Ngumiti sya at umiling "si mamita" napatitig sya sa akin. "Mamita told her, sayang ang oras at panahon na pwede kayong bumawi sa isa't-isa, mamita promise her na kaya kang patinuin ni Baby Toni" tinuro nya ako ng ballpen nyang hawak. "Huwag mong gawin kay Betina ang ginawa ni Dad kay Mommy, huwag kang magpadala sa tukso and stop your stupidity bro, were not getting younger everyday"

Tumango ako, "true" sagot ko. Maswerte lang talaga siguro ako kasi mabait si Betina. Mas mabait si Lord.

"Oh before I forget this, pinapasok ko pala ng trabaho si Betina dito. Kasama sya sa survey team." Ngumiti si Ate sa akin.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon