23

13.5K 268 5
                                    

Nagpapicture kami sa kanya, nakakahiya man pero nagawa namin. Ang cute pala ng kuya ni Jade parang korean ang mukha.

"Oppa" mahinang bulong ni Niz na kinatawa namin nina Grace at Jade.

"Kuya mga roommates ko, si Ate Grace, ate Niz at ate Tin" kumaway kami sa kanya.

"Panganay kong Kuya, si Kuya Floyd" nakangiting pinakilala ni Jade ang kuya nya. "Sa university din sya naggraduate, Economics ang course nya"

"Handa na yung snacks nyo" sabi nya. Kumaway sya ulit bago lumabas. Parang pinipiga si Niz sa kilig, napatawa kami nang tinawag nya bigla si Jade na little sister.

Napasilip ako sa phone ko at wala paring text. Siguro nagmadali sya kaya nakalimutan nya nang magtext. 4:30 na, im sure nagsimula na ang exam nya.

Ako:
Goodluck lalabz. Text me when your done with ur exam... 😘😘😘 ajjah!

Pinaghanda kami ng meryenda, sikat ang pamilya nina Jade sa mga pancit bilao, pancit malabon, lumi, gisadong bihon at kung ano pang pampahaba ng buhay.

Habang nagmemeryenda kami, dumating ang isang kapatid ni Jade na nag-aaral din sa malapit lang na City College. Kung gaano ka gwapo ang kuya sya naman nitong pinagpala sa ka kyutan. Kamukha nito si Ken Zhu ng f4 na walang tulog. 

Panay ang pacute ni Niz sa kuya ni Jade. Matanda lang ito ng isang taon sa kanya at bata ng isang taon sa amin.

"Kuya mga roomates ko, si ate Niz, ate  Tin at ate Gracia" kumaway sya amin habang si Jade natatawa sa pagkamahiyain ng kapatid nya. Gwapong bata.

Pagkatapos naming magmeryenda. Dumiretso kami agad sa ensayo ng cotillon dance, kapares ko ang kuya nya dahil magkalapit ang tangkad namin, si Niz napunta sa pinsan ni Jade, si Grade sa isang kapatid nya.

Pinakita sa amin ang dadamitin namin, beige ang theme ng debut ni Jade. Makikita nag eleganteng desenyo sa stage at hindi nawala ang chinese spirit sa paligid. Mamahalin, sosyal at halatang pinaghandaan.

Pagkauwi, kanya-kanya na kaming tatlo naligo agad. Nasa ibang kwarto si Jade, kinunan sya ng sarili nyang make-up artist. Habang kaming tatlo ganun din.

Isang balloon casual dress ang susuotin namin na sila rin ang nagpagawa. Tinalian ang mga buhok namin at nilagyan ng palamuti na para bang aatend kami sa kasal ni ng royal family.

"Ang ganda mo, kilay palang okay na ang beauty mo" sabi ng baklang nagmemake up sa akin.

Napangiti ako. Nahihiya ako kasi kanina pa ang kuya ni Jade nakatitig sa amin.

Isang van at si kuya Floyd ang nagmaneho ang sinakyan namin papunta sa venue. Maraming tao at marami ring sasakyan ang nakaparada sa labas.

TONS:
What makes u busy at hindi ka na nagpaparamdam!

Hindi pa ako nakaupo nakangiti na ako. Hindi ko masabi-sabi na kasali kami sa cotillon at ang kuya nya ang pares ko. Baka uminit ang ulo nya at mapurnada pa ang ganda ng mood ko.

"Mamaya kana magtext, picture-picture muna tayo!" si Niz.

Nakisabay ako sa ngiti nilang wagas ni Gracia. Ang gaganda namin. Pakiramdam ko instagramable ang mga beauty namin ngayon.

Nagsimula na ang party. Ang gara ng gown ni Jade para syang prinsesa sa dating nya. Halos napahanga ang lahat sa ganda nya.

"Ang ganda ni bata!" si Gracia.

Si naman panay ang kuya ng picture nya sa phone niya.

Kumuha ako ng ilang picture. Proof kung sakaling magtampo si Anton sa akin.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon