11

15.2K 279 4
                                    

"Hindi nga ako pwede matulog sayo kasi pag-uusapan namin ni Mikey yung gagawin namin sa defense." kanina pa kami dito at hindi parin nakaalis. Gusto nya akong matulog ulit sa kanya ngayon pero hindi pwede kasi hahatiin namin ni Mikey ang presentation.

"Minsan lang ako humingi ng pabor tin, mag-aaral ako ngayon gusto kitang makatabi" todo sya pacute.

"Hoy ano ka ba? Hindi ka ba nakokonsensya baliw ka!" nahampas ko ang braso nya sa inis. "May kasalanan kapa sa akin, bakit ganun si Ivan?"

Napangiti sya. "Matagal nang makulit si Ivan, hindi na bago yan" hinawakan nya ang kamay ko at pinisil-pisil. "They are my friends, they have the rights to know my secrets so that they can protect you too" hinalikan nya ang kamay ko.

Napaawang ang bibig ko. "An--no?" halos hindi ko maproseso sa isipan ko sinabi nya. "Dont tell me sinabi mo na --?"  napatitig ako sa kanya.

"Na?" Ngumiti sya.

Nabasa ko kaagad lahat ng laman ng utak nya. "Nakakahiya!" napatakip ako ng mukha ko sa sobrang hiya. "Ayoko na! Tigilan mo na ako Alvaro!" Ilang besis akong umiling sa hiya. Natawa sya at hinila ako para yakapin.

"So? ganun din naman sila, may mga tinatago din" mas lalong nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi nya. Nakakahiya!

Lumayo ako sa kanya. Napaluha ako sa sobrang hiya ko sa sarili ko. All this time na umiiwas ako at nagkukunwari, alam na pala nila? Yuck!

"Ikaw lang naman tong kinakahiya ako" bigla nyang sabi na nagpahinto ng pag-ikot ng mundo ko.

Napanguso ako at hinarap sya. "Ton"

Umupo sya ng maayos, diretso ang titig sa harapan at nakangiti. "Bakit naman kita ikakahiya sa mga kaibigan ko. Matino ka naman at di hamak mas maganda ka kesa sa mga tinatago nila"

Hinampas ko sya uli sa braso nya. "Magkaibigan lang tayo noh!" saway ko.

"Magkaibigan na may kiss, hug at date!" Natatawa nyang sabi.

"Urgg!" pinaghahampas ko sya sa inis. Pakiramdam ko pinapahiya nya ako sa sarili ko. "Tama na! Iiwasan na kita simula ngayon!" tumalikod ako at pilit na binubuksan ang nakalock nyang pintuan.

"Come'on tin! Were happy! Bukas nga monthsary na natin!" hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pinaharap sa kanya. "Okay naman tayo bakit ka hihinto?"

"Hoy Alvaro hindi ko naisip kelan man na may mga hidden agenda kang ganito!" Napatitig ako sa kanya. Alam kong nanlalaki na ang mga mata ko pero totoo... inosente ako!

Napatawa sya. "It just happen na nagkalakas loob ako, crush kita! No mali, may gusto talaga ako sayo tin" seryoso ang mga titig nya habang ako naman  napapailing sa hiya.

"Bakit mo ba kasi ako pinagtitripan Alvaro! Buksan mo nga ito!" Pilit kong binubuksan ang pintuan kahit alam kong wala nadin akong magagawa.

Hinila nya ako. Pinaharap nya ako sa kanya. Hinagkan nya ang magkabilang pisngi ko at seryosong hinalikan sa noo. "Dont worry I will take good care of you"  hinalikan nya ako sa labi na mas kinagulo ng isipan ko. "Nandito lang naman din tayo, eh di tayo na. Gawin nalang nating official ang lahat!" Nakangiti nyang sabi.

"Seriously Alvaro. Nakadrugs ka ba? Ano ba yang mga pinagsasabi mo?" hinagkan ko ang magkabilang pisngi nya. "Nakakatakot ka, bakit mo ako aalagaan? Anong official? Anong gagawin? Hindi naman kita boyfriend diba? Diba? Ano yang mga pinagsasabi mo?" napanguso na ako.

Napangiti sya at hinalikan ako sa labi ulit. "Boyfriend mo na ako, kahit anong ayaw mo tayo na" bumelat sya at

"Loko-loko ka! Hindi ka nga nanligaw eh!" pumiglas ako. "Hindi ko nga nafeel yun" napahampas ako sa kamay nyang nakahawak sa pisngi ko. "Tapos bawal pa kaya akong magboyfriend- boyfriend noh!" umirap ako.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon