9

15.6K 294 4
                                    

Tulad ng inaasahan ko gagaguhin na naman ako ng lalaking ito. Hindi sa school ang tungo namin. Bumyahe kami ng halos kalahating oras at hindi ko alam kong saan kami patungo.

"San ang punta natin?" Madilim sa labas at tanging high way lang ang may ilaw at maraming sasakyan sa daan na mabilis din ang patakbo.

"Kakain" sagot nya.

"Bakit malayo? San mo pala ganang kumain?" Nangunot ang noo ko at hinarap sya pero tanging sarkastikong ngiti lang ang sinagot nya sa akin.

Tahimik nalang ako kahit medyo kabado. Nang medyo humina na ang takbo ng sasakyan nya tsaka ko lang napansin na nasa kabilang syudad na pala kami. Halos isang oras kaming bumyahe para lang kakain?

Pinarada nya sa tapat ng seafood restaurant ang kotse nya. Sumenyas ng bumaba sa akin.

Pinagsalikop nya ang mga kamay namin at hinarap ako. "Bat nanginginig ka?"

"Gago ka ba? Wala akong pambayad dito" nahihiya kong sabi.

Napatawa sya at hinila ako. "Ililibre kita" bulong nya.

Napanguso ako "talaga?"

"Oo, basta mamaya tabi parin tayo matulog" sabay kindat sa akin.

Napalitan ng inis ang mukha ko, may kapalit?

Natawa sya sa pag-irap ko, kaya binalot nya ang leeg ko sa braso nya. "Halika na nga, baka manggigil ako sayo at ano pa maisipan kong gawin sayo dito"

Siniko ko sya pero mas lalo lang syang napatawa. Sabay kaming pumasok pero hindi ako pumayag na hawakan nya ako. Baka may mga nakakakilala sa amin at ano pa ang sabihin nila.

Dumiretso kami sa terasa na nasa tabi ng dagat, ang cute ng arrangement kasi cottages ang style nila. Sa dulo ang kinuha nya.

"Ang ganda naman dito?" Napanguso ako habang sinusuri ng mga mata ko ang kabuohan ng cottage, sa gilid may harang lang at tubig na agad na.

"First time?" nangunot ang noo nya.

Nakangiti akong tumango. "Sa sosyal nitong mukha sa labas do you think magpapakahero akong pumasok dito?"

Napatawa sya, natigil lang nang may waiter na dumating. Hindi na ako nakialam sa inorder nya, libre nya kaya bahala sya kung ano iorder nya.

Pagkaalis ng waiter sa dagat parin ang mga mata ko, nakatira ako probinsya malapit din sa dagat yung amin pero palayan ang kinabubuhay namin.

"Smile!" Utos nya.

Ngumiti ako. Nakakahiya man pero sinulit ko ang saya ko sa kinaroroonan ko ngayon.

"Tell me about your family?" sabi nya.

Ngumiti ako, "walang masyadong espesyal sa family ko maliban lang sa masaya dahil kumpleto kami"

Interesado ang mukha nya sa gusto nyang marinig sa akin.

"And your parents?" Tanong nya.

"Ah si tatay farmer, si nanay sa bahay lang at minsan gumagawa sya ng mga paninda na pwedeng pagkakitaan --"

"Like?" Singit nya.

"Kakanin, suka na may sili at kung ano ano" napanguso  ako.

Napatango sya.

"How about siblings?" napatingin sya sa akin.

Ngumiti ako. "Apat kami ako ang panganay, next sa akin si Billy 16, then si Bino naman 14 palang at yung bunsong si Belinda is 10 years old"

"How ab--"

"Interview ba to?" napakunot ang noo ko. "Nahahalata ko na!"

Napatawa sya at umiling. Napatitig ako mukha nya, ngayon alam ko na bakit baliw na baliw sina Niz at Micky sa kanya. How much more kung makita nila na ganito sya kagwapo tumawa. Malayo lang sa suplado nyang mukha araw-araw.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon