Hindi ako pumasok sa isang klase ko para lang pumila sa pagkuha ng book allowance.
Masaya ako nang matanggap ang tseke na naglalaman ng 6500. Naisip ko na pasuklian agad ito mamaya para maibigay ko na ang pambayad ko kay Mickey.
Dumiretso ako sa university coop para ipa-incash ang tseke ko. Hinanap ko kaagad si Micky para bayaran. After that, dumiretso na ako sa cafe para magduty. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa biyayang binigay sa akin. Ganado at masaya ako dahil may naiwan pa sa akin kahit kunti.
"Ate Kres, hindi na ako matutuloy mag-ca kasi dumating kahapon ang book allowance namin" nakangiti kong sabi.
"Good, so akin na talaga yun?" masaya nyang sabi na kinatango ko.
Buhat alas dos hanggang ngayong alas quatro dito ako sa kitchen tumambay tumulong ako sa pagbalat ng mga gulay.
"Tin serve mo muna ito" inabot ni kuya Noe sa akin ang tray. Naiihi na kasi ako" hinubad ko ang suot kong gloves at lumabas para iserve yun, limang kape at isang frappe. Alam ko na agad kung kanino ang order na ito.
Maayos kong nilapag ang order nila. Nagkukwetuhan sila habang nagpapausok sa mga sigarilyong hawak nila. Sinerve ko sa kanila at umalis na. Hindi na ako tumingin sa kanya kahit alam kong kanina pa sya naghihintay ng atensyon ko. Wala akong tiningnan kahit isa sa kanila. Ayokong mag-assume at mas lalo ayokong magdisplay ng kahit ano na pwede nyang gamitin laban sa akin.
After ng order nila, hindi na ako lumabas ng kusina. Nanatili ako don dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa mga ligaw na titig nya sa akin. Mas pinili kong magbalat ng bawang at sibuyas kesa hayaan syang balutin ako ng mga titig nya.
"Namove pala ang soiree ng college nyo noh?" si ate Elle.
Nangunot ang noo ko. Hindi kasi ako mahilig sumali sa mga ganyan kaya hindi na ako nakikibalita. "Ewan ate, hindi naman ako umaatend ever since"
"Really? Sayang naman ng binabayad mong 450 para sa party na yan!" Aniya nya.
Nanlaki ang mga mata ko sinabi nya. 450? Para lang sa party? Anong meron sa party na yan?
"Seriously? 450? Wow!" Mga bwesit, kung alam lang nila na pinaghihirapan ko ang bawat sentimo na binabayad ko sa kanila tapos ipaparty lang? What the heck?
"Atenan mo kasi nang hindi.masyang ang pera mo. Damihan mo ang kain mo don para masulit mo ang 450" dagdag nya.
Napailing ako, "wala akong masuot, tsaka hindi ko hilig yan ate" sige donate ko nalang yun. Mga bwesit sila.
"Umatend ka kasi tin, paresan kita gusto mo?" Kumindat si kuya Ken. Educ din kasi ang kurso nya.
Napatawa ako at napailing. "Naku kuya baka sabunutan ako ng girlfriend mo ng wala sa oras. Salamat nalang" natawa rin sina ate Elle at kuya Greg na nakikinig.
Alas syete na, gusto ko nang mag-off para makapaghanap akp ng masusuot sa defense ko. Natapos ang duty ko sa gabing ito na masaya, kahit nakakapagod pero nabawi naman sa tuksuhan at kulitan naming magkakasama sa trabaho.
TONS:
I will fetch you 2nyt. Near ur dorm. Nasa frat house lang ako.Ako:
Ok lang ba sa dorm ako magslip tonight? Baka busy ka?TONS:
Nah, wana hug u 2nyt tin... please?Napangiti ako, okay lang naman sa akin na hindi nya ako sunduin araw-araw, kaya ko naman. Kahit text nga lang okay na sa akin.
Pagdating ng dorm, dumiretso ako kay Mickey. Kinuha ko ang pinaprint nyang official papers namin para macheck kong tama at wala na bang mali.
"Sasali ka ba sa soiree?" Inabot nya sa akin ang folder, umiling ako.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
عاطفيةNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...