7

16.1K 280 4
                                    

“walang hiya ka!” pinahiran ko ang labi ko ng ilang besis. “ang bastos mo talaga!” sigaw ko sa inis.

Hinimas nya ang panga nya at napailing sya. Tinitigan nya ako mula ulo hanggang paa at napangiti sya.

“ano?” buong lakas ko syang tinulak. “pervert!”

Hindi nya ako pinansin bagkus lumapit sya sa ref nya at nagbukas ng inumin. Hinubad nya ang coat nya at sapatos. Umupo sya sa harap ng desktop nya at pinaandar ito.

Pinulot ko ang mga nagkalat kong pinamili at tinungo ang pintuan. Nakalock, bwesit na pintuan to unique masyado hindi ko alam paano buksan.

Pinaikot-ikot ko ang hawakan at pinilit na buksan pero hindi ko talaga nagawa.

“Alvaro pakibuksan ang pintuan at lalabas ako, uuwi na ako” pero para syang gago na walang naririnig.

Nilapitan ko sya, “Alvaro!” hinila ko ang shirt nya at tsaka lang sya lumingon sa akin.

“lalabas ako, pakibukas ng pintuan” galit kong sabi.

Tumayo sya at hinarap ako. “nagtitimpi lang ako Betina, huwag mo akong hamunin na pangunahan ka kung ayaw mong mas malala pa sa halik ang makuha mo ngayong gabi” ginapangan ako ng takot sa sinabi nya.

Napapikit sya at minasahe ang batok nya. Pumunta sya ng banyo at nagtagal doon. Umupo ako sa dulo ng kama at natahimik bigla.

Gusto kong umiyak pero bakit ayaw ng luha kong tumulo. Gusto kong magwala pero balot din ako ng pagkabigla. Hindi ko naiintindihan ang gusto nyang mangyari. Bakit ako?

Nang lumabas sya, nakasuot na sya ng pantulog nya. Tumayo sya sa harapan ko naglahad ng kamay sa akin. Nangunot ang noo ko sa gusto nyang mangyari. “come here” hinila nya ako patayo at niyakap “sorry” bulong nya at hinawakan ulit ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.

Napatitig lang ako sa kanya, ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. “go and wash up” sabi nya at bumalik na sa harap ng desktop nya.

“hindi talaga kita magets!” sabi ko. “ano bang gusto mo Alvaro? Bakit mo ba ginugulo ang buhay ko?” hindi nya ako nilingon pero alam kong naririnig nya ako.

“go and wash up, then rest” yan lang ang sinagot nya at naglagay na ng headphone sa tenga.

Umupo ako ulit at napapikit. “gusto mo ng ganito? Okay!” tumango ako at nagpunta ng banyo.

Naligo ako ulit gamit ang mga pinamili ko, “tingnan natin kong sinong susuko, ako? Ako pa talaga ang hinamon mo? Fine!” inis kong bulong habang nagsasabon ako.

Tapos kong maligo wala akong choice kundi gamitin ang bagong underwear ko, sinuot ko ang bagong blouse ko at maikling shorts. Inayos ko ang mga gamit ko bago binalik sa loob ng plastic. Napahinto ako bigla, naisip ko na naman ang mukha nya sa sasakyan kanina. “ano kaya ang problema nya?” napanguso ako. Nakaramdam ako ng awa pero pilit ko itong nilalabanan at palitan ng galit. “hinalikan ka nya ng walang paalam, pangbabastos yun” pero kahit anong inis ko hindi talaga mawala sa isipan ko mukha nya kanina.

Lumabas ako at maingat na nilagay ang damit ko para masuot ko pa ulit bukas. Naglakad ako papunta sa kama nya at naupo. Nilabas ko ang phone ko at tinext ang mga roommates ko na hindi ako makakauwi.

Dahil wala akong dalang libro na pag-aaralan nahiga ako sa kama nya kung saan nya ako laging pinupwesto.

Pinatay nya ang ilaw at tanging ilaw nalang sa pintuan ang natira. Dim na ang paligid. Nahiga sya sa tabi ko niyakap ako ng isang kamay, kinuha ko ito at nilapag sa tabi nya.

Nilagay nya ulit at mas lumapit sya sa akin. “ano ba!” binalik ko at kinumutan ang sarili ko ng maayos.

“please?’ pagod nyang sabi. “I just need a hug tonight” nilagay nya ang kamay nya ulit at hinayaan ko nalang. Mamaya kong tulog na sya kukunin ko.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon