24

13.4K 317 2
                                    

Malungkot si Niz, nakokonsensya naman ako sa kanya.

"Ill see you later, im with my high school friends" paalam nya at ginulo ang buhok ko. Ngumiti sya at nagpaalam sa mga roommates ko pero sapilitan lang silang napatango.

Umupo kami sa isang kainan.  Walang imikan ang lahat. Mahigpit na ang kapit ko sa bote ng tubig na binigay ni Anton sa akin kanina.

"Ni--"

"Please dont!" hindi nya na pinatapos ang sasabihin ko, tinaas nya ang kamay nya para patigilin ako. "Masakit dahil nagsekreto ka, may gusto ka pala bakit hindi mo sinabi. Kung sayo sya manligaw, wala naman akong magagawa. Maiinggit ako pero magiging masaya ako na atleast may buhay pag-ibig kana" ngumuso sya. Pinahiran nya ang luha nya na mas lalong kinadurog ng puso ko. "Masakit, daig ko pa ang nabroken hearted!"

"Sorry talaga Niz, hindi ko alam paano nagsimula. Hindi ko kayang ikwento, natatakot ako na baka ano ang mangyari." Napayoko ako.

"Edi ikwento mo para maintindihan namin, hindi sya pagmamay-ari ni Nizelle kaya huwag kang magsorry" si Grace.

Napanguso ako. "Nakakahiya!" napatakip ako ng mukha ko. Ayokong magmukhang assuming sa harapan nila.

"Hello ate, alam na namin" napatawa si Jade. "Alam ko narin yan, nahuli kita sa likod ng dorm hinatid ka nya" nagulat ako sa rebelasyon ni Jade.

"Likod ng dorm?" si Grace. "San kayo galing?"

Napailing ako. Oh my gad!

"Kwento mo na kasi, baka masabunutan kita dyan eh!" si Niz.

"Reveal na kasi ate!" excited na napangiti si Jade.

"Bilis!" si Niz. "Para mawala ang inis ko sayo!"

"Sapilitan nya akong pinasakay sa kotse nya. Tinakot nya ako, sabi nya gugulohin nya ang buhay ko kung hindi ako papayag sa gusto nyang mangyari" ngumuso ako.

"Mangyari na ano?" si Niz.

"Na maging kami" nahihiya kong sabi.

"Araayy!" Hinila nya ang buhok ko na kinagulat ko.

"Gaga ka! Magnanakaw ng kwentong pag-ibig!" si Niz. "Ano pa?"

"Hindi ako pumasok ng ilang araw after that, natakot ako sa kanya. To do iwas ako,  nakadikit ako kay Mikey lagi para hindi sya makalapit. Yung breakfast, itong phone, yung mga damit at sapatos, bag at kung ano pa ang binibigay nya. Hindi ko hiningi ang yun. Binibigay nya. Kapag hindi ko tinatanggap nagagalit sya" ngumuso ako. "Ayokong magmukhang gold digger kaya sa tuwing magtatanong kayo lagi ko nalang sinasabi na hiniram ko kasi alam nyo naman na I cant afford any of these things" ngumuso ako at pinakita ang phone,  "hanggang later on, nahulog narin ako, mabait, maalaga, sobrang sweet" ngumiti ako. "Buong buhay ko laging ako ang nagpapagod para sa iba, ngayon naramdaman ko na ganito pala ang feelings na may taong alam mo na mahal" ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Sino ba ang lalaking kayang magtiis sa akin? Sa boring kong life style, pangit kong mukha?"

"Chikka! May pangit bang nakabingwit ng Samuel Alvaro?" si Grace.

"Oo nga, tapos hindi lang si papa Sam nabighani sayo, marami pa" si Jade.

"Palit kaya tayo ng mukha? Kahit isang araw lang? Mafeel ko lang paano maglove-love si Papa Sam okay na ako?" nakangusong sabi ni Niz.

"Huwag na Niz, hindi rin naman kayo bagay!" si Grace.

"Ay grabe saya oh!" kinagulat ni Niz yun, kinatawa naman namin ni Jade.

"So ibig sa sabihin kapag  nawawala ka Tin. Magkasama kayo?" si Grace.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon