31

12.8K 236 9
                                    

Maaga akong gumising at binati si Anton. Dala ko ang cupcake na may kandila.

Habang kinakantahan ko sya nakavideo pa ako na pinatong ko sa side table nya.

Nagulat sya sa surpresa ko. "Very sweet love" ngumiti sya at niyakap ako.

"Make a wish love" sabi ko at nilapit ang cupcake sa kanya.

Napapikit sya habang nakangiti, "I wish makasama ko si Tin-tin habang buhay"  sabi nya na kinagulat ko. Sabay naming nablow ang kandila.

Kinain nya ang cupcake at hinalikan ako.

Buong araw masaya sya. Magkasama kami at nagkukulitan lang. Inikot nya ako sa buong bahay nila at nagkwento sya ng mga masasayang alaala sa bawat sulok. Pagkatapos ng tanghalian, naisipan naming matulog sa tree house. Oo may pabirthday ako sa kanya  at pinaligaya ko sya. Binigay ko lahat ng pwedeng magpapasaya sa kanya sa araw na ito. Kahit kabado ako na wala na akong naiinom na pills dahil naubusan ako at nahihiya akong bumili dito, nagpaubaya parin ako.

Pagsapit ng alas tres, naghanda na kami. Sabay kaming naligo, tinulungan ko syang ayusin ang suot nyang polo shirt at maong pantalon.  Habang ako, ganun parin ang suot ko, yung dala kong pulang damit.

Alas singko nagdatingan ang mga kaibigan ni Anton. Marami at halos lahat pamilyar na ang mga mukha dahil nakita ko na rin don sa talon. 

Pinakilala ako ng ni Anton sa mga kaibigan nya, inisa-isa nya akong nilibot sa mga ito.

"Nandito ka pa pala?" si kuya Floyd. Ngumiti ako at tumango.

Halos lahat nabusy sa pakikipagkwentuhan, hindi pa nagsimula ang party dahil hindi pa raw dumating ang cake na inorder nila.

"Ayan na ata!" sigaw ng isa sa mga malapit kay Anton, kung hindi ako nagkakamali si Bravo yun.

Maraming pumalakpak at excited na lumapit para salubungin ito.

Lumabas ang cake na may tree house. Napangiti ako kasi ang cute. Sumunod si Cassandra, si Candy at ang huli bago.

"Good luck ton!" bulong ng lalaking katabi namin, si Kokoy.

Umingay ang paligid, hindi ko alam kung cake ba o ang tatlong babae.

Hinawakan ko ang kamay ni Anton, malamig ito. Nagulat pa sya at nilingon ako, kahit  nakangiti sya halata parin na namumutla sya.

"Happy birthday Ton" bati ng babae, yumuko si Anton para makipagpalitan ng beso sa kanya.

"Thanks" tipid na sagot ni Anton sabay bitiw sa kamay ko. Nagkatitigan sila at nagmukha akong palamuti dito sa tabi ni ate girl.

"Kantahan na!" Sigaw ni Jessie.

Inantay ko na ipakilala nya ako sa bagong mukha pero hindi. Nadala sya ng alon ng  hila ng mga kaibigan nya. Pinatayo sya sa tabi ng cake at kinantahan. Nasa tabi nya ang babaeng nakaitim, matangkad at halatang mayaman din dahil sa kutis at aura nito.

"Baka this time, maging sila na talaga" dinig kong boses mula sa likuran ko.

"Oo nga eh, bagay na bagay. Magiging lawyer at magiging doctor" parinig pa nila.

"Diba girlfriend yan ni Sam?" napangiti ako kahit hindi nila ako nakikita, ayokong magmukhang bitter sa kanila.

"Oo sya yung nakabra lang na sumugod sa cottage natin"  pwedebang magpalamon sa lupa? Kainin ako dito at iluwa sa harap ng bahay namin.

"Floyd, anong trabaho nya?"

Hinintay ko ang isasagot ni Kuya Floyd. "Undergrad pa si  Betina, education ang course nya" masigla ang boses ni Kuya Floyd kahit papano ramdam ko na hindi nya ako kinahihiya.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon