46

14.7K 291 36
                                    

ANTON POV

"Saan mo sya dinala?" Hinagit ko si ate patayo mula sa kinauupuan nya. Kumakain sya at kausap sina mamita.

Napatawa sya at napailing.

Sinipa ko ang upuang uupuan nya sana. "San mo sya dinala?" Sigaw ko sa inis.

Napangiti sya at sarkastikong napailing. "Hanapin mo, ano mo pala yun?" Tinalikuran nya ako.

"Antonia!" Sigaw ko sa inis tinapon ko ang platong nasa harapan sya. "You talk to me!" Inis kong sabi.

Tinulak nya ako at sinuntok bigla. "Kapal ha!" Sinipa nya ako na kinagulat ko. "Wala kang karapatang sigawan ako Anton! Wala!" Isang malakas na sipa ang natanggap ko.

"Sinaktan mo na nga yung tao tapos ngayon ikaw pa tong galit na sisigaw-sigaw? Huwag mo akong dramahan ng kagaguhan mo!" Hinampas nya ako ng jacket nya bago sya umakyat sa taas.

"Dont you ever --"

Hindi pa ako tapos tinapunan nya na ako ulit ng sapatos nya. "asshole!" Sigaw nya sa inis.

Sa sobrang inis ko, pinasira ko ang tree house, pinaputol ang kahoy at sinunog.

Dalawang linggo, wala akong ganang kumain, nakokonsensya ako sa ginagawa kong kagaguhan. I need to ask forgiveness, kung hindi man kami magiging okay, at least mapatawad nya nalang ako sa nagawa kong panluluko.

Ilang besis akong nagbakasali, ilang besis ko ring sinubukang kainin ang pride ko kahit alam kong hindi na kailangang gawin, ginawa ko parin subukan, baka lang maayos pa.

Gabi-gabi sinusundan ko sya. Kahit anong iwas ko at pigil sa sarili, hindi ko talaga alam bakit nagagawa ko paring magmakaawa.

Pinagbigyan nya akong makausap sya ng matino. Humingi ako ng tawad, gusto kong bumawi, this time gusto kong mahalin sya yung totohanan na.

Naging maganda ang pagsasama namin. Masaya at totoo. Pero sa distansya naman kami pinaglaruan ng tadhana.

Umupa kami ng condo nina Truce, Lee at Ivan. Para malayo ako sa tukso pinilit kong magpakabait at maging loyal. Ilang uwi at balik din ang nagawa ko para lang patunayan na totoohanan na ang lahat sa amin ni Tin.

DAD:
Sa bahay ka magdinner.

Kahit ayaw ko, pinagbigyan ko si dad. Nagulat ako sa presensya ni Kate doon. Tita nya ang stepmother ko, minsan doon sya natutulog sa bahay nina Dad.

Ilang besis yun naulit ang dinner, hanggang sa nakasanayan ko na ulit ang presensya niya sa buhay ko.

Isang gabi, ang sabi nya nasa out of town sina Dad at kailangan nya ng kasama sa bahay. Natulog ako don, at oo may nangyari sa amin. Ang masama pa si tita Carlene ang nakakita sa amin habang natutulog kaming nakahubad.

Dinedma ko ang paratang nila sa akin, nakauwi pa ako at nakasama si Betina ng isang linggo bago nangyari ang final wave ng jury practice namin.

"You two should get married soon" sabi ni Tita Carlene. Mabilis akong tumutol pero maga na ang mga mata ni Kate sa kakaiyak.

"So anong plano mo? Patutubuin lang ang bata dyan na hindi sya pananagutan?" Galit na sabi ni Tita.

"Dad!" Hiningi ko ang komento ni Dad pero tinalikuran nya lang ako. "May girlfriend ako, you know that Kate! I can help you financially."

Mabilis na tumayo si Kate at sinampal ako. "I need a husband to raise this baby not a financier"

"Aksidente lang yun Kate! Alam natin pareho dahil lasing tayo!" Agap ko.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon