Lumabas ako para sagutin ang call nya sa terasa ng dorm sa pinakadulo ng hallway.
Mas gusto ko yung malayo para hindi magtaka ang mga roommates ko at makahalata lalo na't bago sa akin ang tinatawagan.
"Hello" mahinahon kong sagot.
[Hi tin, how are you?] Pagod ang boses nya. Halatang antok na.
"Okay lang, eto nakauwi na. Nasa dorm na ako" pagod ko ring sagot. "Ikaw?"
[Okay lang, namimiss na kita] napangiti ako ako.
[Sunduin kita bukas] hindi patanong hindi rin utos. Parang nakasabit sa gitna.
"Depende, baka gagawa kami ng presentation"
[Sunday bukas tin, wala kana bang oras para sa akin?] mababa at paos ang tono ng boses nya.
"Ang drama mo!" napanguso ako. "text text nalang tayo nagbobonding kami baka maghinala na sila"
[Okay, miss you]
"Okay" at binaba ko na.
Nagtipa ako ng mensahe para sa kanya. Alam kong medyo bastos ang ginawa ko. Kahit papano mabait sya sa akin.
Ako:
Senxa na kinda tayrddd! 😰 hope ur doing fine too.Nagmadali akong bumalik sa room. Naabutan ko silang nagtutuksuhan at nag-aasaran.
"Kung maging kami, sarang ang itatawag ko sa kanya" si Niz.
"Ako pagmagka boyfriend ako gusto ko tawagan namin jagiya" si Jade.
"Ambisyusa, as if magkakaboyfriend ka. Takot ka ngang lumabas mag-isa dyan" si Grace
"Bakit puro korean? Naka k-fever ba tayo ngayon?" tanong ko pagkaupo ko.
"Oo ate, alam mo na inspired na kaming magkaboyfriend" kinikilig na sabi ni Jade.
"Ganun? Sige ako pagmagkaboyfriend ako tawagan namin bae?" Napakunot ang noo ko. "Pwede rin yoe-bo" napangiti ako.
"Pwede pwede!" si Niz. "Gusto ko yung bae"
"Mas maganda siguro ate kong tawag mo sa kanya yoe tapos sya bo para hati kayo" si Jade.
"Oo nga noh? Sige sabihin ko yan nalang tawagan namin" napatingin silang tatlo sa akin. "Sasabihin ko yan kay kai, sehun, chanyeol, suho, lee min ho, diba? Sa dami nila sana kahit isa man lang may mapa sa akin?" ngumuso ako na kinatawa nilang tatlo.
"Huwag ka muna magboyfriend tandaan mo, paunahin mo muna ako" si Niz. "Mas ate ako sayo"
"Depende!" paloko kong sabi na kinairap nya. "Malay mo!"
"Huwag ka nga!" saway nya. "Magiging kami ni papa Sam" kinikilig nyang sabi.
Umiling ako at napahiga sa kama ko. Inabot ko ang phone ko at sinilip kong may mensahe sya. Napangiti ako nang makitang meron, dalawa pa.
TONS:
Hug kita bukas para mawala pagod mo.TONS:
Wud sweetheart?Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Dumapa ako para makaiwas sa posibleng pagkaiba ng kulay ng mukha ko.
Ako:
Wala kwentuhan lang... u?TONS:
Eating my dinner alone. 😢Napakagat ako ng labi ko. Yes, my heart pants so fast. Ginagapangan ako ng kiliti.
Ako:
Hehehe... ganyan talaga basta single. Mag-isa...TONS:
Im taken, remember? 😉Napangiti ako, pakiramdam ko ang ganda ganda ko na ang isang Samuel Antonio Alvaro III ang katext ko.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...