WAKAS

29.7K 564 69
                                    

Maraming salamat sa suporta at tiwala... hanggang dito nalang po ang SA story na ito. Please support my other stories...

______________________________________________________________________________

BETINA POV

"Sir Anton, handa na po ang kotse" si ate Nora.

Inabot ko ang folder ni Anton na nasa taas ng cabinet habang inaayos nya ang relos nya.

Nakangiti ko syang pinagmasdan habang binabalik ko sa isipan ko ang lahat. Kung noon sikat lang syang gwapo frat master at matalinong law student, ngayon isa na syang magaling na lawyer at tagapamahala ng hacienda.

Pagkatapos ng kasal namin dito sa hacienda, mas pinili namin na dito na manirahan dahil tumatanda na ang mga grandparents nila at wala silang kasama dito. Dahil kay Aton at Toniboy pinangalan ang lahat, pinanagutan na ni Anton ang pamunuan ang hacienda.

"Toniboy, kunin mo na ang bag mo" tinawag ko sya mula sa paglalaro nito sa tablet nya.

"Yes mommy" tumayo sya at sinuot ang bag nya, nilapag nya ang tablet nya sa drawer kung saan ko laging nilalagay.

Kumaway sya sa kapatid nyang nasa walker at pinapakain ni Mamita.

"Baka matagalan ako don, tatawagan kita kung aabutin ako ng lunch para mapasundo si Toni" hinalikan ni Anton ang pisngi ko.

Tumango ako at inayos ang butones ng polo nya.

"Matutuloy ba kayo ni Jade mamaya?" Inayos nya ang takas ng buhok ko.

Tumango ako, "oo, baka daanan ko nalang din si Toni mamaya bago ako uuwi" ngumiti ako.

"Tatawagan kita, ayaw kong may ibang sumusundo sa kanya habang lumalaki sya" kumindat sya.

"Anong iba, anak ko rin yan noh!" Napatawa ako. Simula nang lumipat kami dito at lumalaki si Toniboy, sa kanya na mas malapit ang anak namin. Daddy's boy na. Pakiramdam ko nanay nalang ang role ko, lateral na nanay sa buhay ng anak ko.

"Kay Antonina kana bumawe mahal ko" nakangiti sya. "Gusto ko lang manigurado na lalaki syang kasing gwapo ko" kumindat sya, "alam mo na, tatlo na kayo nina ate at mamita, nakakatakot na kayong kasama para kay Toni"

Napalo ko sya sa sinabi nyang yun, anong akala nya sa amin hahayaan naming maging bakla si Toni.

"Pinapatawa lang kita, lagi ka nalang stress sa aming tatlo. Gusto ko naman marelax ka kahit papano, baka maisipan mo pang iwan kami at maghanap ka ng bago, mas bata, mas gwapo at ..."

"at ano?" napataas ang isang dako ng kilay ko. Hindi ko alam kung ano ang nakain ng lalaking ito at ganito ito makahugot?

"dad, im late to school!" nakangusong rekalamo ni Toni boy.

Napatingin si Anton sa relosnito at napangiti. "sorry son!" kumindat sya sa akin at hinalikan ako sa noo.

Binuhat nya ang bag ng anak at sabay silang umalis, si Anton ang nagmaneho at nakaupo sa front seat si Toni boy. Kumaway ako at napangiti.

Nilingon ko si Nina, na nasa walker parin at gusgusin na ang mukha nito. "Baby bakit naman ang dungin-dungis mo na?" yumuko ako at pinunasan ang mukha nya.

"okay lang yan Tin, mas magandang maexperience nyang maging madungis para maenjoy nya nag childhood nya" si Mamita.

Tumango ako kay Mamita, gusto ko sanang sumagot pero naunahan ako ang tawa nang makitang hinablot ng anak ko ang mangkok ng may mushed potato at nilagay itong lahat sa bibig nya.

"ano bayan!" saway ko na kinatawa naman ni mamita, aliw na aliw sya sa mga kakengkoyan ni Nina. Kung si Toniboy, tahimik at reklamador na saksakan sa pagkatahimik, ito namang batang ito saksakan sa pagkakulet at kengkoy. Tatawa ng walang dahilan at lagging nakangiti. Gusting-gusto nyang naiinis ang kapatid nya.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon