22

14.5K 253 2
                                    

Buong maghapon nya ako kinulit about sa nasabi kong trip. Ilang besis din akong nagpaliwanag.

"Yun nga yong plano, magsasabay kaming apat sa pag-uwi. Ibababa kami ng pinsan ni Jade sa city terminal tapos babyahe na kami ng hiwa-hiwalay" ngumuso ako.

Sinubuan nya ako ng manok. "Make sure your not lying tin" napataas ang isang dako labi nya. "Iba ako magalit, subukan mong lukuhin ako? Habang buhay mong pagsisisihan" tumaas narin ang isang kilay nya.

"Hindi nga sabi kita niloloko" mabilis kong nginuya ang sinubo nya. "Hindi ba pwedeng makisabay ako sa kanila pauwi? Hindi ba pwedeng makipagbonding ako tulad ng nakasanayan namin?" ngumuso ako. "Huwag ka ngang selfish" saway ko.

Sinubuan nya ako ng fries.

Buong gabi kaming nag-aral, nagsabay kami, sya sa study table nya habang ako sa sahig at nakadapa sa sleeping bag nya.

"Alas singko na, ihatid mo na ako sa dorm" reklamo ko. Alas syete ang exam ko hanggang alas dyez. Ito narin ang huling oras na makakasama ko sya. Ang sabi nya mamaya matutulog sya buong araw habang nasa byahe ako, sya naman matutulog para raw hindi nya ako mapigilan sa pag-alis ko.

Sinubo nya sa akin ang natirang fries at sya naman ang nag-ubos sa burger.

Tuloy ang usapan namin sa byahe papuntang dorm. Pagkaparada nya, inabot nya sa akin ang power bank nya. "Use it, full charge nayan. Update me time to time" sabi nya.

"Full charge din naman ako, kaya pa to" pinakita ko ang binigay nyang phone sa akin.

"Tsk!" nilagay nya sa kamay ko ang power bank at kinuha ang wallet nya. "Ito, pambili ng pasalubong sa mga kapatid natin" kumindat sya.

Nagulat ako nang nilagay nya ang pera sa kamay ko. Mabilis kong binalik sa kanya ang pera, "ton dont do this!" Inis kong sabi.

Nawala ang ngiti nya bigla. "Hindi naman yan para sayo eh, gusto ko lang na may mauwi kang pasalubong sa kanila" napataas ang kilay nya.

"Ton naman eh, ang dami ko na ngang utang sayo tapos dadagdagan mo pa, ikaw na nga laging nagbabayad sa mga kain natin" ngumuso ako.

"So now your insulting me?" napahampas sya ng kamay sa manubela. Nagulat ako, ano pala ang mali sa sinabi ko?

"An-"

"What do you think of me Tin? Magpapalibre sayo? Hahayaan kang mahirapan magbayad lang sa kakainin ko. Ano ako batugan? na hindi ka kayang gastusan?" Pinutol nya ang sasabihin ko. Pero mas nagulat ako sa inasal nya.

Kinuha ko ang pera. "Akin na nga yan, ang dami mo namang sinasabi eh" napakamot ako ng ulo.

Napatawa sya. "Pwede na ba ako maging abogado?" Kumindat sya sa akin.

Pinaghahampas ko ang braso nya. "Pwede kana maging abusado!"

Napatawa sya. "I love you love. I will surely miss you for days" niyakap nya ako at hinalikan.

"Kainis, trip ka rin!" napangiti ako.

"I will call you time to time love, please bring your phone anywhere" sabi nya at niyakap ako ulit at ilang besis hinalikan sa labi.

Pagkababa ko naligo agad ako para hindi mahuli sa exam ko, nagkakape ang.mga roommates ko at may pandesal silang kinakain.

Napatingin ako kay Jade na nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako.

"Bagong bag?" si Niz.

"Oo binili ko remembrance sa allowance ko" kinindatan ko sya na kinanguso nya.

Pagkatapos kong maligo, suot ko ang skinny jeans at blouse na susuotin ko narin papunta kina Jade.

Suot ang sling bag ko, umatend ako ng exam ko. Masaya ako at hindi ako nahirapan dahil nakapag-aral ako.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon