49

16.5K 285 17
                                    

ANTON POV

Alas otso na nang dumating ako sa harap ng condo ni Ate. Halos di ako magkandaugaga sa pagmamadali sa sobrang excited.

Suot ang backpack ko na may ilang damit, ang jaket ko na ginawa kong payong sa malakas na ulan. Halos basa ang kalahati ng katawan ko sa ulan.

Ilang besis akong nagdoorbell bago ako binuksan ng alam kong katulong nila. Nagmasid ako diba.

Nagtitigan kami ng katulong. Sinusuri nya ang mukha ko.

"Malamig po" sabi ko na nagpakunot ng noo nya.

"Sino ka?" Tanong nya.

"Kapatid ako ni Antonia. Asawa ni Betina at Daddy ni --  ni --"

"Toni!" Si Betina. Umirap sya at tumalikod. "Papasukin mo na yan ate Nora, makikitulog lang naman yan ngayong gabi"

Pumasok ako at hinubad ang suot kong slippers na basa. Umapak ako sa rag na nasa harap ng pintuan. Inabot sa akin ng katulong ang tsinelas at pinapasok ako.

Nilapag ko ang bag ko sa upuan, hindi naman kasi nabasa. Kinuha ng katulong ang jacket at sinilip ko si Betina na nagluluto. Naaamoy ko ang niluluto nya, ang laki ng pinagbago nya. Bumagay sa kanya ang maikli nyang buhok.

"Ate pakihanda na po ng mesa, isang  plato lang po para sa kanya" napatingin sya sa akin at nagtama ang mga mata namin.

"Kung makikiligo ka, sa kwarto kana lang muna makiligo, may extrang towel sa cabinet" sabi nya habang pinupunasan ang mga kamay nya.

Binuksan nya ang pintuan ng kwarto at pumasok sya, hinayaan nyang nakabukas ang pintuan. Nasa kama ang anak namin at tulog na tulog sa ilalim ng kulambo nya. Nakadim ang ilaw at may umiikot na shadow light na may ibat-ibang kulay.

May nilabas syang towel. Inabot nya sa akin at tinuro ang dulo ng cabinet.

Tumango ako bumalik sa bag para kumuha ng maisusuot. Buti nalang at may extrang jersey shorts akong nadala at shirt.

Mabango, malinis at puro gamit pangbabae ang naroon. Naligo ako at nakisabon nalang kahit wala akong idea para san ang mga yun.

Paglabas ko, naabutan ko syang nagpapadede sa baby, hawak nya ang dede at inaayos ang mga unan nito. Pinigilan kong mapangiti kahit umaapaw na ang puso ko sa saya habang pinagmamasdan silang dalawa.

"Nasa labas na ang pagkain, kumain kana muna" sabi nya pero hindi sya nakatitig sa akin. Umiiwas parin ang mga mata nya sa akin.

Kumain ako mag-isa. Chicken adobo na may pineapple ang ulam nila. Tahimik akong kumain at nang aayusin ko na sana ang mesa biglang lumabas ang katulong nya.

"Ako na ho sir" ngumiti sya at inayos ang pinagkainan ko.

Kumuha ko ang toothbrush ko, pumasok ako ulit sa kwarto nya at naabutan ko syang nakahiga at katabi ang baby, gising na ito at nanonood sila sa mga umiikot na shadow lights. Tinaas ko ang toothbrush ko sa ere para makita nya. Deadma parin sya.

Paglabas ko nasa kama parin silang dalawa. Nagsasalita ang baby namin at sinasabayan naman ni Tin-tin ito.

Lalabas na sana ako nang... "Anton, pakibantayan muna. Naiihi na kasi ako" sabi nya at bumangon. Nilapag ko a gilid ng bed ang toothbrush ko at pinunasan ang bunganga ko. Umupo ako sa kama at pinagmasdan ang anak ko na sumisipa sipa sa ere. Kinuha ko ang phone ko at kinunan sya ng litrato ng walang flash.

"Maliligo na rin ako" kinuha nya ang towel nya at pumasok sa banyo.

Nakatingin lang ako sa anak ko. Ang liit nya, pero nakakagigil, ang tangos ng ilong at alam kong lalaking gwapo din to tulad ko, mahaba ang mga paa at maputi. Mahahaba ang mga pilik mata at iba ang mga titig nya. Napangiti ako habang pinagmamasdan syang nagsasalita at naglalaro mag-isa.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon