14

14.8K 287 7
                                    

Sunday, sumama akong magsimba sa mga roommates ko. Kumain kami ng breakfast sa jollibee na libre ni Grace sa amin.

Kaya ako nahihirapan mangutang sa kanila kasi nililibre nila ako palagi.

Pagdating sa dorm nagpahinga lang ako ng sandali at tsaka nagreport sa cafe. Buong araw akong magtatrabaho para makalimutan ko ang problema ko sa pera.

"Whole day ka ba ngayon tin?" si ate She.

Umiling ako, "depende" ngumiti ako at pumasok na sa loob ng kitchen. Depende kasi mamaya maghahanap ako ng makukunan ko ng pangbayad sa defense.

Habang nakaupo ako sa pintuan at nag-aabang ng order dahil hindi masyadong matao ngayon hawak ko ag phone ko, tumawag sya kanina at naggreet lang ng good morning. Nangamusta at nangulit pero after that hindi na sya nagparamdam ulit.

JACK:
Hi tin, nakuha mo na ba ang book allowance for this sem? 5k daw. Sabay tau sa monday. Hehehe

Napasigaw ako sa saya. Thanks God. Answered prayers.

Kung kanina nahihirapan akong gumalaw at wala sa sarili, ngayon okay na. Knowing na nasagot na ang problema ko, damit nalang ngayon ang hahanapin ko.

Diniretso ko ang duty ko hanggang 8 pm, sampung oras akong nagtrabaho, marami na ang naipon kong oras na overtime.

Mag-isa akong lumabas at umuwi, nasa mood akong maglakad ngayon lalo na't may pambayad na ako sa defense ko.

Nasa covered walk na ako at naglalakad nang biglang tumigil ang sasakyan nya sa tabi ko. Napahinto ako at napangiti, hindi ko alam bakit pero bigla na lang lumabas ang ngiti sa labi ko.

Binaba nya ang salamin ng bintana nya at ngumiti sya sa akin. "Hop in!" sabay kaway sa akin. Pumasok ako at umupo, hindi ko pa nasuot ang seatbelt niyakap at hinalikan nya na ako sa labi na kinagulat ko.

"Ang oa mo, 24 hours lang tayong hindi nagkita akala mo naman makayakap wagas" pinalo ko ang braso nya. "Namumuro kana sa mga halik-halik mong yan ha!"

Natawa sya at niyakap ako ulit. "Namiss nga kasi kita"

"Sige na, uwi na ako" akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse nya nang nilock nya ito. "Hoy ano ka ba!" Saway ko.

"Lets go home!" Pagkasabi ay nagpaharurot na agad ng sasakyan. Nagmaneho sya papuntang kfc at nagdrive thru kami. Umorder sya ng dinner at sa bahay nadaw kami kakain.

Pagdating sa bahay nya, nauna akong pumasok nilapag ko ang bag ko sa single sofa at tinulungan syang ilabas ang mga pagkain sa supot. Nabigla ako nang niyakap nya ako  mula sa likuran ko. "Tin you know im into you, hindi ka naman manhid diba?" Nanindig ang balahibo ko sa likod ko nang inayos nya ang buhok ko sa kabilang balikat ko at hinalikan ako sa leeg. Sinubukan kong gumalaw pero mas hinigpitan nya ang yakap nya sa akin. Hinalikan nya ako ulit.

"Ton, please?" naiilang ako, ayoko talaga kapag nagiging pervert na sya. Natatakot ako sa kanya.

Niluwagan nya ang pagyakap nya sa akin, hinalikan nya ang balikat ko bago sya naghubad ng jacket nya.

Umupo ako at inantay sya. Nakayoko ako hanggang umupo narin sya sa harapan ko. Kakaiba ang titig nya. Buo at seryoso. Parang bumalik kami sa una. Ganito ang mga titig nya, kinakabahan ako sa posibleng pwede nyang gawin sa akin.

Hanggang matapos kaming kumain hindi na sya ulit nagsalita, napapatitig sya minsan pero hindi ko mabasa ang gusto nyang ipahiwatig.

Nauna akong maligo, suot ko ang pajama nya at plain shirt na lagi kong suot kapag nandito ako sa bahay nya tsaka sya sumunod.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon