12

14.5K 259 2
                                    

Nagdrive thru kami at sa parking lot kumain. Gusto nyang gawing visible ang meron kami pero ako ang may ayaw. Sa dami ng iniisip ko ngayon ayaw ko muna ng gulo at dagdag sakit ng ulo.

"Tin, ill be out today. Aatend kami ng practice jury sa hall of justice mamaya para sa klase namin baka late na matatapos yun then surely bukas na kami makakauwi" nakatingin sya sa akin habang hawak ang coffee nya.

Tumango lang ako at pinagpatuloy ang pagkain ko. Kahit hindi na sya magpaalam, buhay nya yan at hindi ko hawak yan. Mas okay nga para maayos ko nga  problema ko sa buhay.

"San ka ngayong araw?" Inayos nya ang takas ng buhok ko at nilagay sa likuran ng tenga ko.

"Same old routine, class-dorm-cafe" sagot ko.

Ngumiti sya.

Halos hindi ko malunok ang kinakain ko, masarap, sosyal kung tutuusin hindi pa nga siguro natikman to ng mga kapatid ko pero ako, eto kumakain ng libre.

"Ill text and call you later, sasagutin mo" hinaplos nya ang pisngi ko.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at tumango. Tipid akong ngumiti at sinubuan sya ng fries. "Hindi ako sanay ng ganito, please? kumain ka na nga!" Sabi ko na kinatawa nya.

"I never imagine this to happened, alam mo ba?" Umiling ako kahit hindi pa sya tapos, napatawa sya tapos ginulo ang buhok ko.   "Everytime im watching you every morning parang napakahirap mong lapitan. Akala ko nga may boyfriend kana dati" sabi nya.

Napanguso ako. "Pwede ba? Kumain ka nalang, ayokong marinig yan. Nahihiya ako, please?" Sinubuan ko sya ulit at umupo na ako ng maayos hawak ang sundae halo-halo ko.

Pagkatapos naming kumain, hinatid nya ako at gaya ng dati sa likod parin ng dorm.

Pagpasok ko ng dorm, dumiretso ako sa room at naabutan silang naghahanda para sa movie date nila.

"Hindi ka talaga sasama?" si Jade.

Umiling ako, "mag-aaral ako para sa defense"

"Humanda ka kung hindi mo ma-uno yang proposal mo ha? Hindi kana natutulog dito para lang dyan samantalang si Mikey puro paganda lang ang ginagawa" si Grace.

"Oo nga, ikaw tong nagpapakamatay tapos sya relax lang" si Niz.

"Okay naman ang proposal, nag-aaral lang ako wala kasi akong libro kaya sa library ako lagi." npangiti ako. Sana wala na silang malaman pang iba.

"Anyways, sino may coat sa inyo? Yung formal coat? Kasi yun daw susuotin namin ni Mikey" umupo ako sa bed ko at hinarap silang busy sa pagpapaganda.

Walang sumagot, ibig sabihin walang may coat sa kanila.

"Try kong tanungin yung mga kaibigan kong taga business ate baka meron sila" si Jade.

Tumango ako. "Thank you"

"Yan na naman naisip ng babaeng yun suotin kasi meron na sya? Ikaw na naman itong naghahanap. Sarap nang sabunutan ng babaeng yan" inis na inis si Grace kay Mikey after nong nag-overnight kami dito sa room para gumawa ng 3d letters para sa group namin, pares kami pero sya natulog lang at ako ang gumawa buong gabi.

Simula noon kinaiinisan na sya ni Gracia.

Umalis sila at naiwan ako. Nahiga ako sa kama ko at hinanda ang sarili ko para sa mga gagawin ko ngayon. Maglalaba, mag-aaral at magtitiklop tapos mamayang hapon sa cafe na ako para don narin ako makakain ng lunch at dinner.

BILLY:
Ate binigay ko nalang kay tatay yung pinadala mo, isang libo nalang ang kulang.

Pinadyakpadyak ko ang paa ko sa sobrang inis. Wala akong magawang paraan. Naiinis ako kasi ang huling source ko nalang na tiyahin ko inihahanda.ko yun para sa enrollment namin ni Billy next sem. Paghumingi ako ngayon hindi na ako makakahingi para next sem.

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon