Hindi pumalya si ate Maria sa sinasabi nyang aalagaan nya ako. Kung nasa out of town sya dahil sa trabaho, may tauhan syang baghahatid ng groceries sa bahay. Nakakabighani na pinupunan nya ang pagkukulang ni Anton.
Nasa sasakyan kami ngayon papuntang Sentro, magpapacheck up ako tapos didiretso na sa sinasabi nyang titirhan ko pansamantala. Isa sa mga unit nya.
Kahit may ilan pang nakapila, kami ang pinapasok sa loob. Isinalang ako sa utra sound para makita ang posisyon at kalagayan ni baby.
Nang makita ko ang mukha ng baby ko, hindi ko maiwasang mapangiti sa sobrang excitement. Matangos at matulis ang dulo ng ilong, at may buhok narin. Parang ginuhit ang mukha nya sa monitor.
Si ate naman nanggigil din lalo na't nakatyempo kami na makulit sya sa looban ng tiyan ko. Galaw ng galaw.
Binigay na sa akin ang due ko at pinahanda ako para sakaling csesarian ang mangyayari. Masaya si ate sa nakikita nyang mukha ng anak ko.
"If only tita is here, im sure sobrang saya na non" sabi ng doktora sa kay ate Maria.
"Yeah" nakatitig lang sya sa harap ng screen. "Sobrang-sobra" sabi nya.
"Nangungulit pa naman yun sa atin noong high school na sana magkakaapo na sya para makita nya pa" napailing ang doktora.
Mas nangunot ang noo ko sa mga pinag-uusapan nila.
"Hay naku mommy Betina, kung nameet mo lang yung Mom nila napakaswerte mo. Sobrang bait non at sobrang ganda" sabi nya na kinangiti ko.
Napatingin ako kay ate Maria, kamukha nya siguro ang Mom nya. Matangos ang ilong, matingkad ang pagkamorena nya at malalaki ang kulot ng buhok nya.
"Kamukha mo ba ang Mommy mo ate?" Biglang lumitaw sa bunganga ko yun.
Ngumiti sya at umiling. "Si Anton ang kamukha nya, kamukha ko si Dad"
Napatango ako, ibig sabihin mestiza yun at matulis ang dulo ng ilong, antok at hindi rin ba mabasa ang mga titig nya?
"Kaya nga kahit anong pasaway ng kapatid kong yun, hindi ko parin matiis kasi nakikita ko si Mom sa kanya" napangiti sya.
"Aam na ba ni Anton na buntis ka?" Tanong ng doktora sa akin.
Umiling ako. "Hindi ko nasabi bago kami nagkahiwalay"
Napataas ang isang dako ng kilay nya at napatingin sya kay ate.
"So your initiating a war Tonia?" Si Doktora.
"No" umiling sya. "I just want to let him learn, sasabihin ko pero gusto kong gawin din sa kanila ang ginawa nila sayo" napayuko sya sa akin at sa mom namin"
Napangiti ang doktora. "I heard this from my cousin, may kinakatagpo raw si Kate dito sa Sentro na lalaki, nakatira sa isang condominium"
"Kailangan nya talaga magtanim friend, yun ang ginawa nyang palusot kay Anton diba?" Napailing sya.
"Kung anong puno, sya ring bunga!" Sabi ng doktora.
Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nila. Nanatili akong tahimik. At pilit huwag makinig.
Pagkatapos ngcheck-up kumain kami ni ate sa labas. Pinilit nya akong tawagin syang ate, awkward pero wala na rin akong choice.
Pinagbigyan nya ako sa kahit anong gusto kong kainin. Seafoods at fruit shake. Nakipagkwentuhan din sya sa akin tungkol sa trabaho nya, sa mom nila at kay Anton.
Hinatid nya ako sa titirahan ko, ang sabi nya may kinuha ny syang katulong para umalalay sa akin.
"Dito kayo ni baby titira, ipapangalan ko kay baby ang unit na ito. Mas maganda dito kasi malapit sa central park kung saan pwede kang mag excise at walking every morning. I will try my best to visit you here everyday" ngumiti sya, "I hope makakatulong din tong place na ito for your preparation for the LET"
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...