38

12.8K 213 1
                                    

Minabilis ko ang thesis namin, pinilit kong huwag ipahalata kahit kanino na buntis ako. Ayokong maeskandalo ako at madungisan ang pangalan ni Anton.

"Kailangan nating makadefense Mik, may trabahong inaalok ang Tiya ko sa labas, sayang din yun kong mag-aantay pa ako ng isang sem para lang sa defense" ngumuso ako sa kanya.

I know hindi pa sya handa at wala pa talaga syang plano. Tapos na ang thesis nakafinal draft na ako at defense nalang ang kulang.

"Tin, natatakot ako. Hindi ko nabasa yan kahit isang besis. Nawala na nga rin yan sa isipan ko" inis nyang sabi.

"Please? Alam mong kailangan ko tong trabaho, nakaasa sa akin ang mga kapatid ko Mik" gusto ko nang luhuran sya. Gusto kong tapusin ang lahat ngayon semester. Ito nalang ang kulang ko defense at ilang requirements sa practice teaching ko.

"Akin na!" Naglahad sya ng kamay at inis na tinalikuran ako.

Bahala na. Bahala na magalit sya, bahala na mapalpak kami, bahala na bumaba ang grades namin, basta bahala na.

Ilang araw akong nagbise-bisehan sa mga requirements ko. Sa tuwing tatawag sya, maayos naman ang usapan namin. Kapag nahahalata nyang wala na akong gana, iniintindi nya. Siguro dahil alam nyang graduating ako kaya sya nalang ang umiintindi sa akin.

"Sa cafe nalang tayo oorder ng food Mik, tapos yung token dakki pillows nalang para maiba naman. Tapos yung cash, magkano ang gusto mong idagdag?" Antok na ako, nasa gana nang magdefense si Mikey, sabi mas mabuti narin at matapos na ang thesis para practice teaching nalang ang focus nya next semester.

"Gaya nang napag-usapan natin, tigpipitong libo tayo" - sya.

Tumango ako, kahit wala pa akong maisip na pagkukunan ng pitong libo, tumango parin ako.

Pagdating sa bahay, binilqng ko kaagad kung ilan ang makakaya kong maibigay bilang pauna kay Mikey. Meron akong 3000 mula sa natirang allowance ko bilang sa, 3000 mula sa paparating na allowance sa scholarship. At least 1000 nalang ang hahanapin ko.

Binuksan ko ang wallet ko, napangiti ako sa perang iniwan ni Anton sa akin. 15000, ni minsan hindi ko ginalaw, ayokong abusuhin ang kabaitan nya sa akin.

Nasa cafeteria ako nang tumawag sya. 

"Mahal ko, kumakain pa ako" inunahan ko na.

Natawa sya. Halatang bagong gising palang at antok na antok pa. [Good morning] bati nya.

"Good morning my loves..." napangiti ako, hinawakan ko ang tiyan ko at napapikit.

[Hindi mo na napupuntahan ang apartment. Busy kana ba talaga? Baka pwedeng makahingi ng time mo ngayon? Please?] Malambing nyang sabi.

"Sige after nito, pupuntahan ko."

[Sige my loves kain ka muna] inunahan ko syang binabaan ng tawag. Wala ako sa mood ngayon para  makipaglambingan.

Tinapos ko lahat ng trabaho ko sa umaga, plano kong sa apartment matulog ngayon.

Hinanda ko ang mga damit kong doon lalabhan. Mga pag-aaralan at pwedeng magawa.

Alas quatro ng hapon ako pumunta don. Gaya ng dati, nakasara ang gate. Nakapark ang kotse at sarado rin ang pintuan.

Pagod akong pumasok. Napanguso agad ako sa amoy. Amoy ng pabango nyang namimiss ko na ng sobra, amoy ng yosi nya na nakakalibog at amoy ng kakulitan nya.

Nilapag ko ang bag ko sa sofa at nahiga sa kama, napabangon ako nang makita ang maleta nya. Nangunot ang noo ko at napaisip paano nakarating ang maleta nya dito?

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon