Tahimik kaming nagbalot ng mga gamit namin at umuwi.
Mula sa talon, sa sasakyan at hanggang dito sa kwarto ni Jade balot kami ng katahimikan.
Para kaming dinaanan ng kalamidad na hindi agad nakarecover.
Nagsimula na kaming mag-impake. Biglaan lang ang lahat. Plano sana namin sa talon kami sa umaga tapos sa dagat sa hapon hanggang gabi, pero sa nangyari kanina, parang uwian na ang labas nito.
"Sorry?" napapikit ako, tumulo ang mga luha ko sa hiya, pakiramdam ko pinahamak ko sila.
"Its not your fault Tin" si Grace.
"Like yeah!" umirap si Niz.
Nakikinig lang si Jade pero ramdam ko na ang hiya nya sa amin.
Buong maghapon kaming walang ginawa kundi ang magmukmok. Unang besis tong may gumanon sa amin, unexpectedly sya pa talaga.
"Gusto nyo bang magpunta sa pwesto namin? Kain tayo ng ice cream" nakangiti nyang anyaya.
Sa isang ice cream store kami tumambay, kumain kami don habang nagpapalipas ng oras.
Nakaabang ako maghapon sa text o tawag nya pero wala ni isa akong natanggap. Dont tell me ito na ang dulo ng relasyon namin? Pinigilan ko ang sarili kong hindi magpaapekto sa nangyari kanina.
Napatingin ako sa araw na palubog na at nag-aagawan na ang dilim at liwanag, nilipat ko ang mga mata ko sa kabilang bahagi at sa hindi inaasahan, nahagip ng mga mata ko ang sasakyan ni Anton. Tumigil ito sa harap ng mga nagtitinda ng basket, pinagbuksan nya ng pintuan ang babae at sabay silang pumili sa mga paninda, masaya sila at parang magnobyo kong titingnan mo. Bagay na bagay sila.
Binunot ko ang phone ko at nagtipa ng text.
Ako:
Still mad? 😢Nakita ko na binasa nya ang text ko at napasilip din ang babaeng kasama nya, pero hindi sya nagreply. Nakita ko paano nya binalik ang phone nya sa bulsa at ngumiti sa babaeng kasama.
Inoff ko ang phone ko para hindi na sya makatawag o mabasa ang mga text nya. Kung ganito pala ang takbo nito mas mabuti pang itigil nalang.
Two timer? Dahil mas bata ako at mas tanga at ako ang aasa? No way!
After ng ice cream date naming magkakaibigan, umuwi kami para magpahinga. Maaga kaming uuwi bukas para hindi kami gabihin ni Grace sa byahe.
Inoff ko ang phone at nagpahinga. Pero kahit anong tulog ko, hindi ako ginagapangan ng antok.
Nagkunwari akong tulog nang maramdaman ang door knob na binubuksan.
"Tol, tulog na nga talaga sila. Tulog na tulog" natatawang boses ni kuya Floyd.
Sinara nya ang pintuan at tsaka lang ako ulit dumilat. Binuksan ko ang phone, pinasilent mode.
Nadismaya ako kasi wala paring text na dumating. Naghintay ako ng ilang minuto, habang nag-aantay tumutulo narin ang mga luha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, selos, takot at nasasaktan ako na pero hindi ko mapaliwanag kung ano ito.
Inoff ko ang phone at pinilit ang sarili na matulog kahit hindi ako inaantok.
Kinabukasan, maaga kaming nagising at naghanda. Ihahatid kami hanggang sentro lang ng probinsya. Doon kami sasakay pabalik at magkanya-kanya na hanggang sa mga lugar namin.
Sa byahe, tahimik kaming tatlo nina Grace at Niz. Parang ang bigat ng lahat sa pakiramdam. Kahit ako hindi kami sanay sa ganito ka tahimik na senaryo.
Hindi pa kami nakalabas ng lugar nina Jade, huminto sa gilid ang kotse matapos syang tawagan.
"Kuya bakit po?" si Grace.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...