42

13.9K 255 17
                                    

After filing, umuwi agad ako. Marami nang nakasakay nang umakyat ako sa bus. Umupo ako sa isang bakanteng upuan na may okupadong katabi. Nakajacket ito at nakasuot ng hoody, nakatakip ang mukha at halatang hindi naman ito delikado. Inayos ko ang bag ko at umupo ng maayos. Nilabas ko ang hinanda kong lemon at kinain ito habang bumabyahe ang bus.

Tumunog ang phone ko at si Grace ang nasa kabilang linya. Hinatid nila ako ng boyfriend nya pero hanggang terminal lang ulit dahil may trabaho sila.

"Betina?"

Napalingon ako sa katabi ko. Halos gusto kong tumakbo at lumipat ng ibang upuan nang makita ang mukha ni Truce. Gulat syang nakangiti.

Nangunot ang noo ko sa takot.

"Dont worry, I wont tell Anton I saw you here" sabi nya.

Hindi parin ako nakampante.

"So totoo nga ang narinig ko na buntis ka" halos pabulong nyang sabi.

Mas nangunot ang noo ko sa kanya lalo. "Truce, nananahimik na ako"

"I know" bigla nyang hinawakan ang braso ko nang akmang tatayo ako. "Dont worry, wala naman talaga akong planong sabihin kay Anton kahit makita kita sa atin"

Hinila ko ang braso ko at yumuko.

"Kamusta kana?" Ngumiti sya. "Bakit hindi ka nakisabay sa akin pauwi?" Kinuha nya ang nakapatong sa akin na bag. "Ako na hahawak nito, para hindi ka mahirapan" ngumiti sya.

"Kasi alam kong loyal ka kay Alvaro" umirap ako.

Napatawa sya. "Tama ka, loyal naman talaga ako kay Alvaro"

"So ibig sabihin kahit hindi ko itanong alam ko na agad kung sino ang ama nyan?" Napailing sya. "Sa amoy palang ng kinakain mo sya na agad ang sagot" napailing sya. Aliw na aliw syang pinagmamasdan akong kumakain ng lemon. Weird ba talaga?

Sa gitna ng byahe hinayaan nya akong ipahinga ang ulo ko sa balikat nya. Nahiya pa ako nong una pero nang hindi ko na makaya ang pagkahilo at antok umidlip na ako.

Sa haba ng byahe pakiramdam ko umaga na. Uminat ako nang marinig ang boses ng konduktor na nasa terminal na kami. Nagsibabaan na ang mga pasahero. Nanatili kami ni Truce sa upuan namin lalo na't hawak nya ang braso ko.

Siya na ang may dala ng bag ko pababa, sinalubong ako ng mga kapatid ko at agad na kinuha ang bag ko mula kay Truce.

"Mga kapatid ko, si Billy at Bino"

Ngumiti si Truce sa kanila, pero yung mga kapatid ko para may iba sa mga titig nila sa kanya.

"Kaklase ko sya dati at kaibigan sa school, nagkasabay lang kami" ngumiti ako at ginulo ang buhok ni Bino na parang gusto nang sugurin si Truce.

"Salamat pala Truce, aasahan ko na sana matahimik na ang lahat" sabi ko at umalis na.

Sumakay kami ng jeep papunta sa amin, hindi ko na ulit nilingon si Truce alam kong nakatingin sya at inoobserbahan ako. Ayoko ng gulo, kung pwede lang sana.

Maaga akong natulog at nagpahinga. Maaga din akong nagising para sa trabaho ko. Magkasama kami ni Bino na pumapasok sa school dahil magkatabi lang ang school namin, ganun sa pag-uwi.

Isang linggo nalang at matatapos na ang subtitute teaching ko. Dapat makahanap na agad ako ng trabaho lalo na't palapit narin ang oras na makikita ko na ang anak ko.

Pauwi kami ni Bino, ilang hakbang nalang sana dahil halos nasa bukana na kami ng kinatatayuan ng bahay namin nang bigla akong napatigil. May magarang kotse na nakaparada sa tabi ng bahay namin. Ginapangan ako ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang may ari?

SECRET AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon