Halatang napilitan lang ngumiti si Anton kay Patrick.
"Tin, hop in!" sabi ni Anton na kinangiti lang ni Patrick.
Tinuro nya kaming dalawa ng bigla akong hinalikan ni Anton sa pisngi.
"kaya pala!" nakangiti nyang sabi na mabilis ko namang kinailing.
"anong kaya pala?" nakangiti kong tanong. "hoy hin--"
hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla syang nagsalita.
"wala, sige text nalang kita para sa plano" kumaway sya.
inayos ko ang seatbelt at inantay na lumingon si Patrick, nahihiya akong ngumiti sa kanya ng lumingon sya at kumaway.
"first day flirting!" parinig ni Anton.
Kumaway si Patrick sa amin nang mapadaan kami sa gilid nya. Mabilis na pinaharorot ni Anton ang kotse at tahimik na nagmaneho.
"bakit ka nandito?" ngumuso ako.
Hindi nya ako sinagot.
Nilingon ko ang likuran at napangiti nang makita ang mga plastic na may diaper, gatas at ilang mga groceries.
"anong oras ka umalis ng bahay? Mahaba ba ang tulog ni Toniboy?" inayos ko ang seatbelt ko.
Hindi parin sya sumasagot.
"alam mo, ang cool ng mga kasama ko halos magkakaedad lang kami lahat ako nga ata ang y pinakabata" kwento ko.
"sorry pala kung hindi ako nakareply agad, nabusy ako kanina sa pakikinig naenjoy ko yung lectures kanina" ngumiti ako habang iniisip ang mga itinuro sa amin kanina paano isukat ang bahay, paano ilista ang sukat at paano kunan ng litrato ang sinukat na lupa.
"by the way, magkakilala pala kayo ni patrick? Alam mo kanina nagulat ako na kilala nya pala ako" napailing ako, iniisip ko yung mga tukso kanina ng mga kasama ko sa aming dalawa matapos nyang sabihin na college crush nya ako.
"hoy! Anong nangyayari sayo?" dinungaw ko sya pero diretsa sa daan ang mga titig nya, mabilis din ang patakbo nya ng kotse na para bang may hinahabol kami.
Pagdating ng parking lot, diretsa lang rin syang bumaba. Tinulungan ko sya sa mga groceries, ako ang may bitbit ng dalawang malalaking diapers habang sya naman sa tatlong cellophane. Kahit nasa elevator kami, hindi nya parin ako pinapansin. Halatang galit sya. kaya dinig na dinig ko ang tunog sa taas ng elevator.
Pagdating sa bahay, naabutan kong nakatayo sa crib si Toniboy at may hawak itong biscuit. Tumulong si Billy kay Anton sa mga dala nito at tinulungan si ate Nora na ayusin ang mga ito.
"wait lang baby, bihis muna si Mommy" hinalikan ko sya, pero nang tumalikod na ako umiyak si toniboy. "wait lang baby bihis muna si Mommy" binalikan ko sya at hinalikan pero mas umiyak lang ito.
Lumabas si Anton mula sa kwarto at puno ng iritasyon ang mukha nya. "TSK!" nilapitan nya si Toniboy at kinarga, inalo at hinalikan ang noo nito. Sumunod ako sa kanila sa loob ng kwarto.
Hinubaran nya ng damit si Toni at pinunasan ang madungis nitong mukha.
Mabilis naman akong kumuha ng sando at inabot sa kanya.
Nagmadali akong magbihis para mabantayan si Toniboy. Kinuha ko sya sa kama at iniwan si Anton na nakabusangot ang mukha. Bakit kami ba para magpaliwanag ako sa kanya? Duh?
Nilaro ko ang anak namin, nakipag peek-a-boo ako sa kanya para mapatawa sya ng wagas. Nasa kalagitnaan kami ng kulitan namin ni Toni ng lumabas si Anton at umupo sa sofang sinasandalan ko.
BINABASA MO ANG
SECRET AFFAIR
RomanceNaging: #1 Fanfiction #1 Teen Fiction #1 General Fiction #1 Romantic #1 University #1 sari-sari #1 romance - friendship #1 Fraternity #1 College #1 campus #1 richkids #1 dormitory #1 poorgirl #1 my #1 paasa #1 richboy #1 romatic #1 hotties #1...